Chapter 8 - Us

91 3 5
                                    

It’s Sunday and guess what? It’s SunDate with Ken! Lagi akong pumapayag kay Ken kasi parang unfair naman kasi sa kaniya since lagi kaming magkasama ni AJ sa bahay. Nandito ko sa may lobby ng condominium building namin ni AJ, waiting for Ken. Syempre susunduin niya ko no. Siya nga yung nagyaya eh kaya dapat lang. Tsaka hindi kasi ako sanay mag drive kaya di ako nagpabili ng kotse kila Mama tapos tinatamad pa ko mag commute. Hehe.

May naglalakad na panda papasok ng building. Teka, whaaaaat? May naglalakad na panda papasok ng building?! Natulala lang ako kasi favorite ko talaga yung mga panda. Ang cute kasi nila. They’re black, white and Asian. No racism intended. Haha! Tapos nagulat na lang ako... Biglang lumabas si Ken sa likod nung panda.

“Surprise!” sigaw ni Ken nung sumilip siya mula sa likod ng panda.

“Ken! Ano to?” tanong ko habang palapit sa kaniya.

“Regalo ko sayo. Diba favorite mo mga panda, kaya ayan.” Sagot niya sakin habang nakangiti.

“Ang laki naman. Hindi ba mahal yan? Tsaka diba sabi ko wag mo ko ispo-spoil.” Nagpacute na ko sa kaniya, kasi cute naman talaga ko. Dejk!

“Ayaw mo? Sige ibabalik ko sa binilan ko.” Sagot niya tsaka siya tumalikod palabas.

“Uy teka naman!” Niyakap ko siya sa likod. Backhug, shit! Kilig much.

Kinuha ko yung panda stuff toy bago pa niya maisipan na ibalik talaga. Umakyat muna kami bago kami umalis para maitabi ko na yung regalo niya. Ang laki kaya, di ko kayang bitbitin yun habang nagde-date kami no. Nilagay ko siya sa ibabaw ng kama ko. Para naman mayakap ko pagtulog.

“Yakapin mo yan ah. Para kapag di mo ko kasama, isipin mo lang na ako yun.” Sabi niya habang yakap-yakap ako.

”Oo naman no. Ang laki kaya ng pagkakapareho niyo. Pati size...” binuhat ko yung stuff toy tsaka ko tinabi sa kaniya.

“Ah ganun pala ha. Tara nga dito...” bigla niya kong binuhat tsaka binaba sa kama ko. Pero ayun, tawa lang kami nang tawa.

Napatingin ako sa kaniya, ganun din siya sakin. Ang moment ng feels. Ang hirap tuloy huminga. Heol.

“I love you...” bulong niya habang nakatitig sakin.

“I wanna have sex with you...” sagot kong pabulong. Okay that seriously came out wrong. Awkwaaaaaaaaaard.

“me too...” sagot naman niya. Mas lalong awkwaaaaaaaard. What theeeee heeeell is happening.

“You know what, gutom na ko. Gusto mong kumain?” change topic ako, tsaka ako tumayo mula sa pagkakahiga katabi siya.

“Gutom na din...” sagot niya tsaka na din siya tumayo.

“Ano gusto mo kainin? I want pizza, chicken and mojos.” Sabi ko habang hinahanap yung number ng pizza house na madalas naming kainan sa phonebook ng cellphone ko.

“Ikaw.” Sagot niya. Whaaaaaat?

“Ha?” medyo nagulat ako dun sa sinabi niya.

“Sabi ko, ikaw bahala.” Sabi niya sabay ngiti sakin. Tumayo siya tsaka niya ko niyakap ulit.

Reaching OutWhere stories live. Discover now