Chapter 27 - Tiffany Teal Box

27 1 3
                                    

Kevin and I decided to visit AJ at his dorm a week after nung mga pangyayari. I felt guilty about what happened. After all, he's one of my bestfriends.

It was a long and quiet drive. Ayaw talaga ni Kevin kasi wala na daw syang tiwala kay AJ. Pero pinilit ko. I'm so glad that he saw what I really wanted to do and to happen. Hindi sya nagsasalita, I can feel na he's still against this pero pinagbibigyan nya lang ako. Do I deserve him? I think so?

When we arrived at his condo, binati agad ako ni Kuya JM, sya yung guard dun ever since.

"Sir Tan! Long time no see po! Ano pong sadya nyo?" Tanong ni Kuya JM sakin.

"Uy Kuya JM! Eh dadalawin ko sana si AJ." Sagot ko sa kanya.

Sasagot sana ulit sya kaso hinila na ko si Kevin. "To get this over with daw". Hay nako.

Nung papunta na kami ng elevator, tinawag kami nung nasa front desk.

"Sir Tan! Wait po!" Rinig kong sigaw nya.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya habang papalapit sa kanya.

"Wala na po si Sir AJ dito." Sabi nya sakin. What?

"Ha? Kelan pa?" Tanong ko. Nilapag ko yung dala kong basket of baked goods na gawa namin ni Ginny. Lumapit na din sa tabi ko si Kevin.

"Two days na po nakakaraan. Pinabibigay nya po to sa inyo." Sabi nya. Binigyan nya ko ng isang teal box...

"Tiffany..." pabulong ko. "Thank you Ate." Sabi ko sa kanya. Tapos naglakad na ko palabas ng condo building.

Pag upo ko sa passenger's seat sa kotse ni Kevin, binuksan ko yung box at nakakita ko ng charm bracelet na halos kamukha nung niregalo nya sakin before na charm keychain nung Valentine's Day a few years ago. Hayyy....

Binasa ko naman yung note na kasama ng box.

"Tan,

I am sorry for what happened. You're my friend, I love you. And what I did what wrong. I hope you and Kevin can still forgive me. I also hope we can meet each other again.

Goodbye,
AJ."

Tumulo yung luha ko, at napansin ko na iniabutan ako ni Kevin ng panyo. Tiningnan ko sya tsaka niyakap. Hindi ko na napigilan yung sarili ko sa pag iyak. Hinayaan lang naman ako ni Kevin. Hindi kami umalis hangga't hindi ako natatapos sa pag iyak.

Hindi kami nag uusap habang pabalik ng Bulacan. This is why I love this guy. Hindi sya mapilit. I love him so much. Nung magpapalit sya ng gear, hinawakan ko yung kamay nya. Napatingin sya sakin at nginitian ko sya. Tumingin ulit sya sa daan pero nakita ko na ngumiti din sya.

Tiningnan ko ulit yung note ni AJ. I flipped it at nakita ko na hindi lang pala yun basta basta note. Postcard sya.

"Welcome to New York"

Reaching OutDove le storie prendono vita. Scoprilo ora