Chapter 10 - Useless

67 2 2
                                    

Yun lang ba yun? Yun lang ba talaga yun? Anong special dun? Siguro yung words na “first time” ang nagbibigay ng special na idea dun. Pero in terms of feelings, there’s nothing really special about sex. Bakit ba kailangan pang maghintay after marriage eh intercourse lang naman yun? Sorry ha, no offense meant pero I don’t really get the idea.

When Ken and I did it, I felt really happy. Siguro yun nga yung nagpa special dun. Especially when you feel the love between you and your partner. Hindi nga lang ganun ka romantic yung lugar kung san namin ginawa. Hello! Sa lapag ng dance studio? Jusko pwede namang nagyaya sya sa kahit sa Sogo man lang kaso... Hay nako. Ewan. Basta. At least nagawa namin ng hindi nya ko pinilit.

Siguro nagtataka kayo kasi hindi na masyado nanggugulo sa buhay ko sa AJ. Well, akala nyo lang yun. Hay. Buhay may roommate na manyak.

The same day, Valentine’s Day, pag-uwi ko ng bahay nadatnan kong walang tao. Patay lahat ng ilaw. Wala kaya si AJ? Just when I thought na home alone ako, pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin... Aba! Ayun ang loko. Muntangang naka higa sa kama ko ng pa-“seducing” way. Yuck. Magpapalit ako ng bedsheet at pillow cases oras na mapaalis ko si AJ sa kama ko. Napansin ko din na candle lit ang kwarto with matching rose petals na nakakalat sa bawat paligid.

“Linisin mo yan kapag sawa ka na at gusto mo nang matulog ha.” Sabi ko tsaka ako pumunta sa cabinet ko para kumuha ng pamalit na damit.

“Grabe naman Tan. Hindi mo man lang ba ko papansinin? Tingnan mo. Pinaghandaan ko pa nga to eh.” Lokong to. Pinaghandaan eh wala nga syang suot.

“Gago ka ba? O sadyang manhid lang? Hindi kita papatulan, AJ. Kaibigan kita!” sagot ko sa kaniya. Naiinis na ko kaya hindi ko na talaga mapigilan yung galit ko.

“Pero mahal kita!” sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Mahal niya ko? Seryoso ba sya?

“Mahal? Mahal mo ko? Ako, mahal kita dati! Alam kong ramdam mo yun! Pero ikaw, minahal mo ba talaga ko kahit na tinutulak kita sa pagiging kaibigan lang? Ni minsan hindi ko naramdaman na mahal mo ko! Hindi ako manhid, AJ. Sadyang puro libog lang talaga yung pinapakita mo sakin, hindi pagmamahal!” sumbat ko sa kaniya. Hindi na siya nakaimik. Nakita ko sa mukha niya yung halong sakit at galit. Pero tahimik lang siya. Wrong combination. “I’m moving out. I’m gonna contact my mom first thing tomorrow morning.” Tuloy ko tsaka ako lumabas ng kwarto.

Pagkabihis ko bumalik na agad ako sa kwarto. Pagpasok ko wala na si AJ, wala na yung mga kandila pati yung nakakalat na mga rose petals. Pero may card at box sa ibabaw ng kama ko. Kinuha ko yun tsaka ko binasa muna yung card.

“Happy Valentine’s Day, Baby Tan!

Alam mo bang mahal na mahal kita dati pa? Alam ni Aleli yun eh.

Pero ngayon, alam mo na din.

Kahit na may boyfriend ka na, tandaan mo...

Akin ka.

Reaching OutWhere stories live. Discover now