Chapter 15 - The House Party

48 1 0
                                    

[Media: August Vachiravit as Jon]

Nagbihis lang ako tapos pumunta na din ako dun sa house party daw ng kaibigan ni Kevin. In fairness ang laki ng bahay nila. Isa ata to sa mga pinaka malaki sa subdivision. Kaya pala ang lakas ng loob mag "invite as many people as possible".

Nakita ko sa labas si Kevin na agad naman akong nilapitan. Ang laki ng ngiti nya na napa ngiti na lang din ako. Ang lakas maka impluwensya ng ngiti nya kasi ang gwapo nya pag ngumingiti sya at yun yung ngiting walang halong kahit ano. Pure happiness lang. Pag lapit nya hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin na lang ako dun.



"Let's go inside. Gusto ka na daw mameet ni Jon. Si Ginny nga pala di makakapunta kasi may 'emergency' daw sa bahay nila." Sabi sakin ni Kevin habang naglalakad kami papasok ng bahay ng kaibigan niya.

"So tayo lang?" tanong ko. Nakatingin pa din ako sa kamay namin.

"Oo!" sagot niya, napansin ko din na nakangiti pa din sya nung natingin ako sa kanya. "Okay, wait here. Hahanapin ko si Jon." Sabi niya, kaya tumayo lang ako dun.



Ilang minuto lang nung umalis si Kevin, may lumapit sakin na lalaki. Natatandaan ko siya. Siya yung lalaki kanina sa jeep! Tumayo sya sa harap ko, tiningnan nya ko tapos humithit siya sa sigarilyo nya. Magsasalita sana ko, sasabihin ko sana na kung pwede tumabi siya kasi daan yung tinatayuan niya, pero bigla nyang binuga sa mukha ko yung usok! WALANG HIYA TO AH! Ngumiti na lang siya tsaka umalis. Walang modo.

Buti na lang dumating agad si Kevin kasi bwisit na bwisit na ko. What abgood way to start my night. Uupakan ko talaga yung lalaking yun.



"Ayun pala siya eh! Tara lapitan natin" and once again, hatak na naman ako ni Kevin. "Jon! Pre! Eto na si Tan, yung sinasabi ko sayo oh." Sabi niya dun s alalaking nakatalikod samin.



Pag harap niya, WHAT THE FUUUUUUUUUUUUUUUUUU.

"IKAW?!" – Ako yan.

"Bakit? Namiss mo agad ako?" nagsmirk siya. Sarap dukutin ng mata.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Kevin. Sinamaan ko lang siya ng tingin tapos lalong natuwa si Jon.

"He's a jerk, and I'm leaving. Sorry Kevin. Next time na lang." Sagot ko tsaka ako nagmadaling umalis ng house party ng demonyo na yun.



Nagmadali talaga kong umalis pero nung nasa gate pa lang ako, may pumigil sakin. Hawak niya yung braso ko ng mahigpit. Akala ko si Kevin. Akala ko lang pala yun.



"Ano bang kailangan mo? Hindi ka pa ba kuntento sa ginagawa mo sakin kanina? Nag sorry naman ako sa jeep ah!" napapasigaw na ko kaya tumahimik na lang ako kasi nakakahiya.

"Alam ko. Pero hindi ko sinabing tinatanggap ko yung sorry mo. Tan, please stay. Para sa-... Para kay Kevin. Wala siyang kasama. Hahayaan mo bang mag isa sya? Let's have a truce. For tonight." Sagot niya sakin. Hindi ko din pala namalayan na tinanggal na niya yung pagkakahawak nya sa braso ko.

"okay." Yun lang yung nasabi ko, bumalik na din ako sa loob at hinanap si Kevin.



Hindi rin naman ako nahirapan kasi nandun lang sya sa mini bar. Nilapitan ko sya tsaka niyakap. Ramdam ko na nagulat sya sa ginawa ko.



"I'm sorry." Bulong ko habang nakayakap pa din ako sa kaniya. Umayos siya kaya magkaharap na kami at niyakap nya din ako.

"I should be the one to tell you sorry..." sagot niya.

"No Kev. Hindi mo naman kasi alam yung nangyari eh. But for you kakalimutan ko yun." Sabi ko tsaka ko sya nginitian, lalo na nung nakita ko yung ngiti sa labi niya.

"So gay." Napatingin kami dun sa nagsabi tapos nakita namin si Jon na nakatayo sa tabi namin, pinapanuod kami.

"Go to hell." Sabi ko.

"Look who's talking." Sabi naman ni Kevin kay Jon.

"Dude, drop it. It was only one time. I WAS YOUNG!" depensa nya.

"Eh guilty." Tukso ko sa kanya habang tumatawa.

"Shut up." Sabi niya tsaka siya umalis.





Napatawa na lang kami ni Kevin. I think this is really something. Nahuhulog na nga ba ko kay Kevin? Pero...

Reaching OutWhere stories live. Discover now