Chapter 18 - The Truth

28 1 0
                                    

"I..." napaisip ako. Kaya ko na ba?

"You don't have to say it, Tan." sabi ni Kevin. "Naiintindihan ko naman. You're not ready. I can wait naman. I'm not rushing you."

"I like you..." I smiled at him. Nireject ko si Ken dahil mahal ko na si Kevin. Hindi pa man ako fully nakaka recover kay Ken, alam ko kung anong nararamdaman ko kay Kevin. Hindi ko pa man kayang ibalik sa kanya yung pagmamahal na binibigay nya, dadating din yung time na maibibigay ko yun. Pero may naalala ko... "Yung ginawa mo kanina. Kay Jon. Hindi ako natutuwa dun ah." sabi ko.

Yung katext ko kanina na kinagalit ni Kevin ay si Jon, yung kaibigan nya. After Jon's party kasi, nagbago na pakikitungo nya sakin. Kapag nagkakasabay kami pauwi, kinakausap nya ko. Hindi na sya yung lagi akong inaaway. Tapos nagsimula na yung mga banat nya. Hindi naman sa pinapaasa ko sya or what, pero alam kong para sa kanya wala lang yun. Wala lang ibang malandi yun kaya ako yung napagkakadiskitihan nun.

Pero natutuwa ako dun eh. He acts so tough pero sa loob naman napaka kulit. But one thing I don't like about him is that he smokes. I think, and everyone else does too, that it's unhealthy. I talked to him about that once. Sinabi nya sakin na susubukan nga nyang kontian na lang yung intake. Na he'll try his best to quit smoking daw. Tinakot ko kasi. I showed him pictures of lungs na affected na because of too much smoking and pictures of livers na sira na dahil sa sobrang alcohol intake.

"Nakausap ko na sya. Nagsorry ako sa kanya. Ipinaliwanag ko kung bakit ko yun nagawa. Naintindihan naman nya." Sabi ni Kevin. Nakatingin sya sakin, nakangiti. "Alam ko naman na gusto ka nya eh. Pero alam din nya na mahal na kita." Tuloy nya.

Napanganga ko dun sa sinabi nya. Ako? Gusto ni Jon? Nauulol na ba tong si Kevin?

"Nauulol ka na ba? Nakagat ka ba ng askal dun sa kanto? Anong pinagsasabi mo? Si Jon? Ano?!" Tuloy tuloy kong tanong.

"Pucha naman Agnes!" Narinig kong may nagsabi. Paglingon ko nandun si Jon.

"Gago walang Agnes dito!" Sigaw ko sa kanya. "Ano bang pinagsasabi nitong si Kevin? Ha Jon?"

Napayuko naman sya. Hala? Yumuko. Edi ibig sabihin...

"Totoo yun... Kaya ko ginawa sayo yun lahat dati. Nung sa jeep? Kasama mo kaibigan mo kaya di kita natabihan. Tapos nung bababa na ko sinadya ko talagang tamaan yung tuhod mo tapos nung nakatingin ka sakin ngumiti ako, akala mo siguro galit ako kaya pinanindigan ko na. Kunwari galit ako. Binugahan kita ng usok nung party para makuha ko atensyon mo, tapos malalaman ko ikaw pala yung gusto ni Kevin." Sagot ni Jon.

"Eh bakit mo ko nilalandi?" Tanong ko naman, medyo masungit na yung tono ko.

"Inisip ko kasi baka magustuhan mo ko dahil sabi nga ni Kevin di ka pa nya nakukuha talaga." Sabi nya. Hay nako.

"Nakagat nga ata kayong dalawa ng asong ulol sa kanto. Kilabutan nga kayo!" Sabi ko tsaka ko sila iniwan dun.

"Ikaw kasi eh." Rinig kong sabi ni Kevin.

"Anong ako? Ikaw kaya!" Sabi naman ni Jon.

"Manahimik nga kayong dalawa jan! Tara na!" Sigaw ko sa kanila tsaka ako naglakad papunta sa sala.

Pagdating namin sa sala, nakita namin si Sean at James na sobrang lapit sa isa't isa. Mukhang naglalandian. Tangina ah. Tapos ayun si Evan, mukhang OP na OP nakaupo malayo dun sa dalawa.

"Oh, anong meron?" Tanong ni Kevin kay Evan.

Evan just rolled his eyes at us tapos tinuro nya gamit yung nguso nya yung dalawa.

"hoy putangina anong kalandian yan?" Sigaw ni Jon.

"Hoy putangina mo din! Wag kang sumigaw!" Sigaw ko sa kanya tsaka ko sya piningot m.

"Aray! Tangina! Ikaw din naman sumisigaw ah!" Sigaw nya ulit.

"Eh pake mo ba bahay ko to eh!" Sagot ko, lalo kong hinigpitan yung pagpingot ko sa kanya.

"Pucha naman Agnes!" Sigaw ni James.

"Sabi nang walang Agnes dito! Gago!" Sigaw ko sa kanya.

"Manahimik nga kayo! May sasabihin kami ni James!" Sigaw naman ni Sean.

"Putangina di ako makatulog! Ang ingay nyo ah!!!" Bigla namang sumulpoy si Ken. Kasunod nya sila Aleli, Kathy at Adrian.

Binato ko sya ng throw pillow. Para san pa't tinawag yun na throw pillow kung hindi naman ipambabato. Pero natahimik naman kaming lahat.

"Thank you." Sabi ni Sean. "So ayun nga, may aaminin kami ni James." Tuloy nya.

"Matagal na kami ni Sean. Hindi lang kami makaamin sa inyo kasi nahihiya kami." Sabi ni James, hawak nya yung kamay ni Sean.

"Gago ba kayo? Nahiya pa kayo? Eh tingnan nyo nga yang si Kevin at Tan." Sabi naman ni Evan. Nilapitan ko sya tsaka ko siya piningot.

"Konti na lang pag uuntugin ko na kayo ni Jon. Gagong to." Sabi ko kay Evan habang pingot pingot sya. "Pero oo nga, bakit kayo nahiya eh wala naman kaming problema jan?"

"Hindi ko din alam." Sagot ni Sean.

"Okay lang yan, bro. At least nasabi nyo na. Tanggap naman namin kayo." Sagot ni Kevin. Hayys. Kahit minsan bobo ka mahal na ata kita.

"At dahil jan! Inuman naaaaaa!!!" Sigaw ni Jon. Binatukan ko. Ang ingay eh. Pero I like that idea.

Nagpresenta sila Jon na sila na ni Evan ang bibili ng iinumin namin. Si Kevin naman sya na daw ang magluluto ng pulutan. Maaga pa naman kaya hindi pa nagsisitulog sila Aleli. Pumayag din naman sila na sumali dun sa inuman na pasimuno si Jon. Walwal lang talaga alam nung gagong yun. Di na magbabago. Tsk.

Reaching OutΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα