Chapter 17 - The Past and The Present

52 2 1
                                    

Nagulat na lang ako nung lumapit si Ken samin tsaka ako biglang hinila.

"Ken!" Napasigaw ako.

"Pre ano bang problema mo?!" Sigaw  ni Kevin.

"Ikaw! Ikaw problema ko!" Sagot ni Kin

Tiningnan siya ni Ken ng masama at biglang tinulak. Kaya napaurong siya at tumama yung likod niya sa pader.

"Ken!" Sigaw ko ulit.

"Pucha! Puro Ken na lang ba isisigaw mo jan, Tan?! Tulungan mo si Kevin kami na bahala kay Ken!" Sigaw ni Adrian habang hawak hawak nila ni Aleli yung mga braso ni Ken.

Tumango lang ako tsaka tumakbo papunta kay Kevin. Wala namang masamang nangyari sa kanya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang sya. Medyo malakas nga yung pagkakatama nya. "Sorry..." bulong ko.

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan, Tan. Simula pa lang to. Pero kahit na anong mangyari, kahit na mas malala pa dito mangyari sakin, hindi ako susuko. Para sayo..." sagot niya. Nginitian ko siya tsaka hinalikan sa noo.

Sinabi ko kay Aleli na dalin nila si Ken sa kwarto na tutuluyan niya at kakausain ko mamayamaya.

Dumating din naman yung mga kaibigan ni Kevin pagkatapos ko silang tawagan.

"Nasan yung gagong yun?" Bungad ni Evan oras na pumasok sila ng bahay.

"Hayaan mo na, pre." Sagot ni Kevin.

Umupo sila sa tabi namin ni Kevin. Nagpaalam naman ako sa kanila na pupuntahan ko muna si Ken at kakausapin.

Pagpasok ko sa kwarto na tinutuluyan ni Ken, nakita ko siya sa may sulok na nakaupo.

"Ken..." tawag ko sa kanya.

"Tan, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng emotion." Sagot niya.

"Ano ba kasing problem, Ken? Bakit mo sinisisi si Kevin?" Tanong ko.

"Gusto mo ba talaga malaman, Tan?" Tiningnan nya ko ng seryoso.

"Oo, Ken. Gusto ko malaman kung bakit ka nagkakaganyan." Sagot ko.

"Mahal pa din kita." Iniwas niya yung tingin niya sakin.

"Kung ganun, bakit ka nakipag break sakin?" Seryoso kong tanong.

"Nung sinabi mong lilipat ka na, ayoko sana pero nasasayo pa din yung desisyon kaya sinubukan kong pilitin ka na wag umalis ng hindi sinasabi ng diretso... kaya ako nakipagbreak sayo... nagbakasakali kasi ako na hindi ka tutuloy at babalik ka sakin." Paliwanag niya.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko... pero...

"Sorry, Ken. Nasaktan ako nung araw na yun. Sorry talaga, pero nanjan na si Kevin. Hindi ko siya pwedeng iwanan ng basta basta lang. Tsaka..." napaiwas na din ako ng tingin sa kanya.

"Tsaka?" Tuloy niya.

"Hindi na kita mahal." Sabi ko.

Napayuko siya. Tumayo siya tsaka humiga sa kama.


"Sorry talaga, Ken." Sabi ko tsaka ako naglakad palabas ng kwarto niya.

"Goodnight." Sabi niya.

"Goodnight" sagot ko tsaka ko pinatay yung ilaw.

Pagkasara ko ng pinto, may biglang humawak ng balikat ko, hinarap ako sa kanya at hinalikan sa labi.

Si Kevin.

Humiwalay na din sya sakin, tinitingnan niya kong  mabuti.

"Na..." may sasabihin sana ko pero...

"Narinig ko lahat. At thankful ako kasi, kahit na alam kong may nararamdaman ka pa din sa kaniya, mas pinili mo pa din ako..." sabi niya.

Niyakap nya ko ng mahigpit.

"I love you..." mahina niyang sabi.

"I..."

Reaching OutWhere stories live. Discover now