secret # 1

74.5K 1.6K 141
                                    


Julie Ann POV*

Nakatanaw ako sa labas ng kotseng sinasakyan namin ng ama ko. Kanina pa kami nagbabyahe at Hindi ko inaasahan na ganito pala kalayo ang bago naming bahay. Ang bahay ng magiging bago kong ina.

"Dad matagal pa ba? " inip na tanong ko sa ama ko habang nakaupo dito sa loob ng kotse. Excited akong makita ang sinasabi ni dad sa akin na babaeng nagpatibok ng puso niya ulit. Sound cheesy wala naman akong magagawa kung nagmamahalan sila.

"wait lang princess. Malapit na tayo halata sa mukha mong excited na excited ka na makilala ang bago mong mommy"- sagot ni dad habang nagmamaneho. Napakamot naman ako sa batok ko dahil mukhang halata ako masyado.

"I just want to meet her. Sabi mo kasi sa akin napakaganda niya. Na curious lang ako, may mas gaganda pa pala sa akin? "Nakangisi kong sabi sa kaniya. Kita ko naman na napapailing siya dahil sa sinabi ko.

" mabuti pa, matulog ka nalang muna habang nasa byahe pa tayo"

"Gaano ba kalayo ang bahay niya at mag ta-tatlong oras na tayo nagbabyahe? "Kunot noo kong tanong sabay cross arm.

"Ano sa tingin mo? "Binigyan ko naman si dad ng nakakatalim na tingin. Nako kung Hindi ko lang siya tatay kanina ko pa to nasumbatan. Naiinip na talaga ako

"Tsk"sabi ko nalang at tumingin nalang ulit sa labas ng bintana. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni dad pero binaliwala ko nalang yun.

I'm Julie Ann Cristobal. 17 years old ayaw ko nang magpakilala pa ng mahaba pa basta mayaman ang pamilya ko at ako. I'm independent child. Bata palang ako Hindi na ako nakadepende sa yaman ng magulang ko. I use to work for everything I want. Hindi din ako nakatira sa pamilya ko. I have my own house kaso sa kasamaang palad I need to stay at my father's custody. Hindi ko naman matatanggihan si mom dahil yun ang last will niya. Hindi naman ako galit kay dad Kong mag aasawa siya ulit . It's he's decision anyway. Kung nagtataka rin kayo kung saan ko nakuha ang mga pera ko. Don't ask it. Malalaman niyo din yun soon. 

Nagitla ako ng biglang tumigil kami sa isang malaking mansion. Ito na ba?

"Princess we're here? "- dad said bago siya bumaba. Napabuntong hininga ako bago ako sumunod sa kaniya. Napansin ko naman ang mga maids na bitbit ang mga bagahe namin.

"Dad"tinignan niya ako at nginitian.

"Let's go"sabi niya bago naunang maglakad. Kita ko naman na sumunod sa kaniya ang mga maids. Yumuko muna sila sa akin ng mapadaan sila sa harapan ko. Tumaas ang kilay ko dahil don.

Di kalaunan sumunod nalang ako sa kanila. Pagkapasok ko sa malaking pinto nahagip ng dalawang mata ko si dad at isang babae. Magkayakap silang dalawa at mukhang miss na miss nila ang isat isa. Hindi din naman nagtagal kumalas sila sa yakapan nila.

"Hon buti naman hindi kayo nagabihan sa byahe"dinig kong sabi ng babae

"Hon maaga naman kasi kaming umalis sa bahay"

"Seguro pagod na pagod ka sa byahe? "

"Oo nga hon. Pagod na pagod ako. Pero kapag nasa kwarto tayo I think mawawala ang pagod ko"hirit ng malantod kong tatay. Tumaas ang kilay ko dahil nakita kong naglalambingan sila sa harapan ko.

Book 1: Our Sister's Secret Where stories live. Discover now