secret # 86

15.9K 360 1
                                    


Kate pov*

Pagkalabas namin sa office ni Kris kung saan nasa loob si jul pumunta nalang kami sa cafeteria

Pagkapasok namin nakita naman ang mga boys na nakahiga ang mga ulo sa table

O.o anyare sa mga to

Lumapit kami sa kanila

"Oh!  Anyare sa inyo para kayong mga lantang gulay"- sabi ni jane at tumabi kay ethan

Ito nanaman po sila

Ang sweet ng dalawang to. Noon mga aso't pusa sila, ngayon daig pa ang mag-asawa maglambingan

"Hangover"- tipid na sabi ni twin

"Bakit? "- tanong ko sa kanila

"Nagbar kami kagabi wala naman kasi kayo sa bahay kaya naisipan namin ni spade na mag bar na lang"- sabi ni twin na nakahawak sa ulo niya

"Masakit pa ba? "- tanong ni mika kay noah

Tumango naman ito sa kanya

"Hay!  Bili nalang namin kayo ng coffee "- sabi ko at nagsitayuan na kaming mga girls

------------------------------------------------------------

Blue pov*

Hindi naman nagtagal bumalik na sila jane dala ang mga kape namin

"Oh!  Uminom na kayo kasi naman iinom na nga lang hindi pa kaya"- sabi ni zenia habang inaabot ang kape kay neon na kahawak sa ulo nito

"Trip namin e"- sabi ni neon

"Trip ba ang pagpapalasing na hindi naman kaya? "- tanong ni kate habang nakapatong ang ulo ni kiezer sa balikat nito

Nakaramdam naman ako  na dumilim ang aura ng nasa gilid ko

Nakita ko naman na ang sama ng tingin ni blake kila kate at kiezer

Hahahaha.. Nagseselos na naman tong isa to. Hahahaha. Kapatid pinagseselosan hahahaha.

Bakit kaya wala si julie? 

"Kate saan si princess? "- tanong ko sa kanya

"Ahmm.. May ginagawa lang siya"- sabi niya at mukhang hindi pa siya segurado sa sasabihin niya

Nagtaka naman ako

"Pumasok ba siya? "- tanong ko sa kanila

"Hindi kuya, hindi ko siya nakita kanina pati kayong lahat na girls wala kayo sa first subject buti nalang wala tayong pasok sa second subject kaya nakalabas ako ngayon"- sabi ni noah

Tinignan naman namin sila

Nagiwas naman sila ng tingin sa amin. Parang may hindi silang sinabi sa amin

"Saan kayo nagpunta? "- tanong ni spade

"Ahmm.. Sa-a-"

"Sa? " tanong ko

"Sa-ano sa- garden tama sa garden kami nanggaling natulog kami doon"- sabi ni kate at nakita kong tinignan siya nila jane na nagtataka

"Ahh.. Oo sa garden kami galing alam niyo naman kulang kami sa tulog nanoood kasi kami kagabi"- sabi ni zenia

"Talaga? "- tanong ko sa kanila

"O-o naman"- sabi ni mika isa pato natoto ng hindi magsalita ng totoo mukhang nagsisinungaling sila sa amin

"Bianca? "- tawag ni spade kay bianca

Nakita naman siya ng parang gulat na gulat at pinagpapawisan na din

"Sabihin mo ang totoo!  Wag na wag kang magsisinungaling kundi malilintikan ka sa akin"- sabi ni spade

"Ahmm.. Ano -kasi"- bigla nalang tinakpan ni kate ang bunganga ni bianca at nagsalita

"Kasi sabi ni julie wag daw namin sasabihin sa inyo kung nasaan siya ngayon hehee"- sabi ni kate at pinandilatan ng mata si Bianca

"Hay!  Ganon ba"- sabi ko

"Segi Alis nakami pasok pa kami mag ta-time na kasi"- sabi ni kate habang hila hila parin si bianca

Nagpaalam lang kami sa kanila at umalis na sila

-------------------------------------------------------------

Jane pov*

Umalis na kami sa cafeteria at pumunta kami sa likod ng building

Binitawan naman ni kate si bianca

"Wahhh salamat naman at binitawan mo na ako ang sakit ah"- sabi ni bianca

"Ikaw naman kasi muntik mo nang masabi kong saan si julie "- sabi ni zenia sa kanya

"Ano naman e alam naman ni kuya at ni kiezer ang totoo diba"- sabi ni bianca

"Alam nga nila pero alam ba nila blue? "- sabi ni mika

"H-indi"- sabi ni bianca

"Yun na nga e pagsinabi mo malalaman nila dahil narinig nila "- sabi ko sa kaniya

"Sorry naman"-sabi niya

"Haist!  Tara na nga malelate na talaga tayo"- sabi ko sa kanila kaya umalis na kami

----------------------------------------------------------

Julie ann pov *

"Wahhhhh pagod na kamay ko!! "- sigaw ko

Wala namang makakarinig sa akin dito. Ako lang naman ang Tao sa loob ng office

"Bakit ang dami kasi nito mas madami pa ito sa pinepermahan ko sa company ko"- sabi ko

"Wahhhhhhh"- sigaw ko at hiniga ang ulo ko sa desk ko

"Pagod na ako"- sabi ko

Para na akong baliw dito sa loob ng office ako lang naman ang Tao pero nagsasalita ako

"Para kang baliw"- biglang sabinng tanong pumasok sa office

Kahit hindi ko tignan kong sino yun alam ko naman basi sa boses niya

"Anong ginagawa mo dito kiezer may klase kapa"- sabi ko sa kanya

"Ehhh!  Ang sakit ng ulo ko may pagkain ka ba dito? "- tanong niya

Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Office ko ba to? "- tanong ko sa kanya

"Haist!  Ewan ko sayo"- sabi niya at nahiga sa sofa

"Tsk!  Anyare ba sayo at sumasakit Yang ulo mo? - tanong ko sa kanya

"Hangover"- tipid na sabi niya

"Hay!  "- buntong hininga ko

Iinom hindi naman pala kaya

"Babe alam mo bang birthday ni mika sa Saturday may girft ka na sa kanya? "- tanong sa akin ni kiezer

Tinignan ko naman siya

"Birthday niya ? Bakit hindi ko alam? "- tanong ko

"O.o hindi mo alam?  E alam na kaya naming lahat"- sabi ni kiezer sa akin

"Anduga niyo hindi niyo sinabi sa akin"- sabi ko

"Aba Malay ba namin hindi mo pa alam"- sabi niya

Inirapan ko naman siya

"Saan ba? "- tanong ko

"Pagkakaalam ko sa batangas yata.  "

"Bakit doon? "

"May hacienda daw doon ang family  ni mika kaya doon ilalagay "

Tumango naman ako sa sinabi niya

"So sasama ka? "- tanong niya

"Pagiisipan ko "- sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa

------------------------------------------------------------

Book 1: Our Sister's Secret Where stories live. Discover now