secret # 68

17.1K 374 1
                                    


Blue pov*

Naglalalad ako ngayon kasama sila ethan . Tumitingin kami ngayon dito sa mga Booth dahil mamaya pa kami magbabantay sa Booth namin.

At isa pa tinatamad kaming magbantay

"Kuya kanina pa tayo palakad lakad dito? "- sabi sa akin ni neon

"Oo nga kuya San ba tayo pupunta nakita ko kanina maraming tinitinda doon na pagkain kumain nalang kaya muna tayo"- sabi ni ethan

Tinignan namin siya na parang di makapaniwala sa sinasabi niya

"Patay gutom ka talaga ethan"- sabi ni zenia

"Oh!  Saan ka naman nanggaling at sumusulpot ka nalang bigla. Para kang kabute"- biglang sabi ni neon kay zenia

Tinignan naman ni zenia ng matalim si neon

"Ikaw panira ka talaga sa buhay ko no"- sabi ni zenia kay neon

"Hahaha.. Wala na tayong magagawa diyan gwapo ko kasi"- sabi ni neon

Tinaasan naman siya ng kilay ni zenia

"Connect? "- tanong namin at tinignan siya na parang nandidiri

"Kasi gwapo ako"- sabi ni neon

Napailing naman kami. Kahanginan talaga niya umaapaw hindi na namin maabot e

"Wait anong nangyayari doon? "- tanong ni ethan at tinuro ang isang Booth na punong puno ng mga tao

"Wait Booth yan nila Julie "- sabi ni zenia

"Yay!"- sabi ni blake

Pumunta kami doon at nakita namin na kumakanta si kiezer sa harapan at nakita namin na bumubunot siya sa isang bowl ng papel

"Ayun sila Julie oh"- sabi ni zenia at tinuro sila princess

Lumapit kami sa kanila at ng nakita ako ni princess bigla nalang nagbago ang expression ng mukha niya

Why?

----------------------------------------------------------

Julie Ann pov*

"Ayan sila Julie oh! " dinig naming may sumigaw kaya napatingin kami sa entrance Ng Booth at nakita ko sila zenia kasama ang mga step brother ko

Napatingin ako kay blue at kaninang masayang expression ng mukha ko napalitan ng pokfer Face. Kahit maari ayaw ko nang mapalapit sa kanya.

"Daming  customer ah"- sabi ni ethan

"Marami nga pagod naman kami"- sabi ni kate

"Nasan si jane? "- tanong bigla ni ethan

Tinaasan naman namin siya ni kate ng kilay dahil sa tinanong niya

"Bakit mo siya hinahanap? "- tanong ni kate

"Ahm.. W-ala lang bawal ba? "- tanong ni ethan

"Oo"- sabi ko

Nagtaka naman siya sa sinabi ko

"Why? "- tanong niya

Ano to questions and answer portion?

"May kalandian siya"- sabi ko na ikinabago ng expression ni ethan bigla nalang nandilim ang mukha niya pagkarinig sa sinabi ko

Nakita ko naman na tatawa na si noah at kate sa tabi ko nang tinignan ko sila ng matalim kaya pinigilan nilang tumawa.

"Saan siya? "- tanong ni ethan

"Bakit? "- tanong ko

Okay tanong sa tanong ah!

Hahahaha

Book 1: Our Sister's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon