secret # 83

16.1K 355 3
                                    


Julie ann pov*

Pagkatapos kong iwan si blake sa labas, pumasok ako sa loob. Hindi ko sila pinansin na nakatingin sa akin at diretso lang ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko. Bigla nalang may tumutok sa akin ng kutsilyo.

Tinignan ko siya ng blanko .

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara.

"Sino ka? "- tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita .

Nakatutok pa din sa akin ang patalim niya.

Tinulak ko siya kaya napalayo siya sa akin.

Mabilis na sinipa ko ang tiyan niya kaya napunta kami sa veranda .

Wrong timing naman silang sumugod o. Nandito sila blue.

Dapat wala silang marinig na ingay.

Kinuha ko ang katana ko at nakita kong bumunot siya ng isang kunai
Sumunod siya sa akin at nag espadahan lang kami.

Shing***

Shing ****

Shing ***

"Arrgggshhh"- daing niya ng matamaan ko siya sa balikat niya kaya napahawak siya dito.

"Princess"- napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si blake.

Shit!  Nakita niya ako.

"Arrgggshhh"- daing ko ng sikuhin ako ng kalaban ko.

Shit!  Sakit non ah!

"Princess!! "- sigaw ni blake at napatingin ako sa lalaking kaharap ko ng ambahan niya akong sasaksakin.

Nakita ko nalang natumilapon na ang kuhai niya kaya mabilis ko siyang sinipa at sinaksak sa tiyan

"Arrrgggsjjh"- sumuka naman siya ng dugo

Nakita kong wala na si blake sa baba kaya mabilis ko ng tinapos ang buhay ng kalaban ko.

Narinig ko naman na may nagtatakbuhan paakyat sa kwarto ko. Kaya Dali Dali kong tinago ang lalaki sa gilid ng veranda

At pumasok sa kwarto at sinarado ito.

Nilagay ko naman ang katana ko sa ilalim ng kama. At pagkatayo ko kasabay nito ang pagbukas ng pinto.

Nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin na gulat na gulat.

"Anong ginagawa niyo dito? "- tanong ko sa kanila.

Buti nalang wala akong talsik ng dugo kundi lagot na.

"Blake? "- tawag ni kate kay blake

Tinignan ko naman siya ng blanko

"Pa-paanong... Pe-ro"- gulat na sabi ni blake at hindi parin siya makapaniwala sa nakita niya.

"Hay!  Kung ako sa inyo lumabas na kayo. Matutulog pa ako"- sabi ko sa kanila.

"Ok!  Kung may kailangan ka.  NASA baba lang kami"- sabi ni kiezer

Tumango lang ako sa kanila.

Pero si blake nakatingin parin sa akin ng makahulugan.

Lumabas naman silang lahat at sinara ang pinto.

"Hay! "Buntong hininga ko

Tinawag ko naman si Butler Kim para linisin ang kalat sa kwarto ko

Mabilis naman siyang dumating at nilinis ang kwarto ko

------------------------------------------------------------

Blue pov*

Nandito na kami sa bahay namin at kanina pa si blake sinasabi sa amin ang nakita niya

"Maniwala naman kayo sa sinabi ko. Totoo may nakita talaga akong lalaki na kaaway ni princess sa veranda niya.sinaksak niya pa nga ng katana"- sabi niya sa amin

"Paano mo nga mapapaliwanag ang nakita natin. Eh wala nga tayong nakita na kasama niya sa kwarto niya "- sabi ko sa kanya

Hindi naman siya makapagsalita

"See.. Alam mo magpahinga ka nalang muna blake. baka pagod ka lang"- sabi ko sa kanya at nauna hang umakyat sa kwarto ko

Pagkapasok ko sa kwarto. Humiga ako sa kama

Nahihibang na si blake. Hindi kayang gawin ni julie ang mga sinasabi niya.
Hindi kayang manakit ni julie ng tao. Aaminin ko nakakasakit siya ng damdamin ng tao pero hindi physical .

Hindi aabot sa punto nasasaksak siya ng isang tao gamit ang katana. Hindi.

Kahit alam kong maraming tinatagong sekreto si Julie hindi pumasok sa isipan ko na kaya niyang gawin yun.

Pinikit ko nalang ang mata ko at itutulog ko nalang to.

------------------------------------------------------------

Blake pov*

"Alam mo kuya blake tama si kuya blue ipahinga mo nalang yan"- sabi sa akin ni neon at umakyat na din sa taas

Tinapik naman ako ni ethan sa balikat.

"Hindi magagawa ni princess ang sinasabi mo kuya blake"- sabi niya sa akin at umakyat na din sa kwarto niya

Tinignan ko si noah at nakita kong magsasalita sana siya ng inunahan ko na.

"Kung pagsasabihan mo rin ako. Huwag na"-sabi ko sa kanya

"Huh!  Hindi"- sabi niya na ikinataka ko

O.o

"Naniniwala ako sayo kuya blake . Una palang may hinala na ako na may kakaiba kay Princess pero hindi ko lang maipaliwanag "- sabi niya sa akin

"So you mean? "- sabi ko sa kanya

"Tango* iba din ang kutob ko kay Princess kasama na doon sila Kiezer at Kate. Alam naman natin na iba talaga sila Jane at Zenia dahil gangster at reaper sila"- sabi niya sa akin.

"Yah!  Kailangan nating bantayan bawat kilos nilang tatlo "- sabi ko sa kanya

"Pero nagtataka ako. Paano nakilala ni Princess si Spade? "- tanong niya sa akin

Yan din ang palaisipan sa isipan ko. Bigla nalang siyang sumulpot at nagpakilala na kaibigan siya ni Princess tapos malalaman namin na kapatid niya pala si Bianca.

Mukhang may tinatago din siya sa amin.

"Iniisip ko din yan"- sabi ko sa kanya

"Kuya kung tanungin kaya natin si dad baka may alam siya at sabihin niya sa atin"- sabi ni noah

Napailing naman ako sa kanya

"Hindi. I think hindi magsasabi si dad ng totoo "- sabi ko sa kanya

"Bakit? "-tanong niya

"Noah si princess yun!  Anak niya segurado akong pagtatakpan lang ni dad si princess. Seguro sa ngayon magmanman lang muna tayo at hintayin ang oras na sasabihin nila sa atin ang lahat"- sabi ko sa kanya

Tumango naman siya sa akin

"Segi kuya akyat na ako sa taas inaantok na ako"- sabi niya

Tinanguan ko lang siya at umalis na

"Iho hindi ka pa ba aakyat sa kwarto mo hating gabi na ah"- biglang sabi sa akin ni manang

"Aakyat na din po ako"- sabi ko sa kanya

"Ah!  Ganon ba.  Segi mauna na ako sa iyo inaantok na kasi ako"- sabi niya sa akin

"Segi po manang"- sabi ko sa kanya at nakita ko siyang umalis na

Napabuntong hininga naman ako

Ano ba tong nangyayari sa buhay namin?

-------------------------------------------------------------

Book 1: Our Sister's Secret Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum