secret # 9

29.4K 825 14
                                    


Julie Ann POV*

Nagising ako ng maaga kahit ayaw ko pang magising dahil kailangan. At nakakairta na din ang ilang katok ng nila Noah sa labas ng pinto. Mabuti nalang talaga pagkauwi namin kahapon ayos na ang pinto ko kundi mapipilitan akong palitan ito ng bakal pagnagkataon.

Tinignan ko ang suot kong uniform. Wala na bang mas iikli pa dito? Pakiramdam ko kapag yumuko ako makikitaan na ako. Sarap ipa-salvage ng gumawa ng uniform.

"Princess bumaba kana "dinig kong sabi ni Ethan sa pinto. Kinuha ko nalang ang bag ko at lumabas na sa pinto. Bumungad naman sa akin ang pagmumukha ni Ethan na pinasadahan pa ako ng tingin papunta sa mukha ko.

"Bakit ang ikli niyan! ?"sigaw na tanong niya habang nakaturo sa palda ko.

"Tanong mo sa mananahe! "Sigaw ko sa kaniya at nauna nang bumaba. Bahagya ko pa siyang tinulak bago ko siya lagpasan.

Habang pababa ako sa hagdan sinuot ko naman ang eyeglasses ko. Hindi naman talaga malabo ang matako trip ko lang sumuot. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin si Ethan. Pagkapasok ko sa kusina nadatnan ko silang lahat na nagsisimula nang kumain.

Napatingin sila sa akin at parang sinusuri pa ang ayos ko.

"Bakit ang ikli ng palda mo? At bakit ka nakasalamin? "Tanong ni Blake. Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Pake mo kung nakasuot ako ng salamin. Mata mo? Mata mo? "Bara ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako ng matalim. Siya nga nakasuot din naman ah. "At para sagutin ko ang tanong mo. Hindi ko alam kung bakit mailki ang palda ko"umupo nalang ako sa bakanteng upuan at nagsimula nang kumain.

"Isang sasakyan nalang ang gamitin natin ngayon"biglang sabi ni Blue habang kumakain. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman ako sasabay sa kanila kahit ipagpilit pa nila.

Hindi din nagtagal natapos na kaming kumain. Nauna ako sa kanilang lumabas ng bahay.

"Princess! "Dinig kong tawag ni Noah sa akin. Hinarap ko naman siya

"Why? "

"San ka pupunt--"

"My lady"hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Butler Kim. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Noah habang nakatingin Kay Butler Kim.

"Hindi ako sasabay sa inyo. Mauna na ako"paalam ko at sumunod na Kay Butler Kim. Pagkapasok ko sa kotse umalis na kami.

Noah POV*

Nagtataka ko pa ding tinatanaw ang kotse na sinakyan ni princess. What happened?

"Butler? "Taka kong tanong. May butler si princess?

"Noah!! "Napatingin ako kay Kuya neon mg tawagin niya ako. Kita kong patakbo siyang lumapit sa akin.

"Nasan si princess? "

"Wala na sinundo ng butler niya"sagot ko. Kita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko.

"BUTLER!!? "napanguso naman ako at tumango.

"Anong butler?"napatingin kami kila kuya Blue ng magsalita si Kuya blake. Nandito na pala sila.

Book 1: Our Sister's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon