secret # 26

25.9K 628 5
                                    


Julie Ann pov*

Nandito ako sa kwarto ko ng may kumatok

Tok tok **

"Mam Julie pinapasabi po nila sir kung sasabay po kayo sa kanilang kumain? "- dinig  kong  tanong  ng isang  katulong

"Okay!   I'm coming sasabay ako sa kanila"- sabi ko

Nakita ko naman siya na nagulat sa sagot ko

O.o eh!  Anyare sa kanya

"Mam sure po kayo di po kayo tatanggi? "- tanong niya sa akin

Umiling naman ako

"Bakit naman? "- tanong ko sa kanya

"Kasi po nakakapanibago lang po.  Minsan lang po kayong sumabay sa kanila kumain ng dinner.  Kung hindi naman po nagpapadala nalang kayo ng pagkain sa kwarto niyo"- sabi niya sa akin

"Haha.. Sige  na bumaba na tayo"- sabi ko sa kanya

At bumaba na.  Nakasunod naman siya sa akin. Pagkadating ko sa dining  area nakita ko naman na kumakain na sila.

"Princess  sasabay ka saamin? "- tanong ni neon na nagtataka

Tumango naman ako sa kanya at umupo na at kumuha na ng pagkain

"Bakit? "- tanong ko dahil na iilang ako sa mga tingin nila sa akin

"Princess nakakatol ka ba? "- tanong bigla ni neon

Napataas naman ako ng kilat at tinignan siya ng matalim

Nakita kong natakot siya

"Wag mo nang pansinin si neon princess kumain nalang tayo"- sabi sa akin ni blue kaya kumain nalang ako

Pagkatapos naming kumain nagpagkasunduan nilang mag movie Marathon sa sala at ano pa mga ba ang panonoorin nila kundi porn movie na naman

Tsk! 

Ng buksan ni Ethan ang tv  bigla nalang nag flash report

Napatingin naman kami dito dahil nakita namin na ang binabalita  ang nangyari kanina sa school

Hindi pa nangangalahati ang balita ng inilipat ito ni ethan

Napatingin naman kami sa kanya

"Bakit mo inilipat kuya ethan"- tanong ni noah

"Wala lang.  Manood nalang tayo ng movie"- sabi ni ethan at pinakita ang CD's

Bigla naman akong tumayo

"Matutulog na ako"- sabi ko sa kanila at umakyat na sa taas

Pagkapasok ko sa kwarto ko pumunta ako sa veranda.

Sumalubong naman sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Tumingala ako at marami akong nakikitang star.

Napatingin ako sa pinakaliwanag na star at napangiti

Mom kung saan man kayo pangako ko ipaghihiganti ko kayo. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang may gawa non sayo. Pagbabayaran nila ang ginawa nila.

Alam  kong ayaw mo na ginagawa ko ito at tanggapin ang pagiging tagapagmana ni grandpa. Pero ito lang ang naisip kong paraan para maipaghiganti ka. 

Mom miss na kita.  Sana nakita kita ulit kahit sa panaginip lang.

Pinunasan ko naman ang luha ko dahil hindi ko na napigilin pang umiyak

"Mom. I love you"- sabi ko sa hangin habang nakatingin sa mga bituin.

I dicided na pumasok na sa loob ng kwarto ko at humiga na sa kama .

Pipikit nasana ako ng tumunog ang phone ko.

Tinignan ko ito at tunatawag si jane sa akin

I answer it.

"Moshi moshi"- sabi ko sa kanya

"My lady pinapatawag kayo ni master ngayon na daw  may sasabihin daw siya sa inyo at I think Alam ko na po. My lady natatakot na ako.  Ikaw naman po kasi e"- sabi niya sa kabilang linya

"Chuckled* hahaha..  OK!  Sabihin mo pupunta ako sa headquarters.  And don't worry ako bahala sayo kung pagalitan ka niya.  After all ako naman talaga ang nanghingi sayo ng favor"- sabi ko sakanya

"Sigh * bilisan niyo na po my lady baka magalit pa yun"- sabi niya sa akin

"OK"- sabi ko at pinatay na ang tawag

Tumayo na ako at nag ayos na ng sarili.  Sinuot ko na ang mask ko dinala  ang katana ko.  Kinuha ko ang sulat kanina na nakuha ko at mukhang kailangan din malaman ito ni grandpa.

Pagkaapos kong mag ayos. Pumunta ako sa veranda at tumalon. Pagkababa ko pinindot ko naman ang button sa watch ko para tawagin ang bigbike ko.

Dumaan ako sa garden at nakita kong may isang guard na nag lilibot. Nagtago ako sa mga malalaking dahon para hindi niya ako makita.  Ng makalagpas na siya sa akin Dali dali naman akong tumalon sa isang puno na mataas at tumalon palabas sa bakod.

Ng makalabas ako sa bakod siya namang pagdating ng bigbike ko.

Sumakay na ako at nag drive na papunta sa headquarters ng empress Mafia.

Hindi din naman nagtagal nakarating na ako.  Pinagbuksan ako ng mga taga bantay ng headquarters at pumasok na ako.  Nagpark na ako ng bigbike ko at bumaba na.

Pinagbuksan naman ako ng pinto at ng nakita ako ng mga underlings namin nag bow sila sa akin. Hindi ko sila pinansin at pumunta nalang sa office ni grandpa at nakita ko doon  si jane na nakaupo sa harap ni grandpa at nakayuko.

"Grandpa "- pagtawag ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at nakita kong seryoso siya.

"Apo ano tong nabalitaan kong patayan sa school ko? "- tanong niya

Pumunta naman ako sa harap niya umupo sa tabi ni jane

"Pinatay lang namin ang mga ipis grandpa"- sabi ko sa kanya

Nakita ko naman na umaliwalas na ang mukha niya

"Ganon ba!  Pero bakit nagpapanggap si jane bilang ikaw sa school? "- tanong niya pa

Napangiti naman ako sa kanya.

"Hahahaha... Wag kang mag alala grandpa pinapalabas lang namin ang mga ipis para mamatay na sila"- sabi ko sa kanya

Napangiti naman siya sa sinabi ko .

"OK"- sabi niya

"Jane pwede mo ba kaming iwan? "- sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at nagpaalam sa amin na aalis na siya.

Paglabas niya tinignan ko ng seryoso si grandpa

"What is it? "- he ask

Hindi ako nagsalita at tumayo nalang papunta sa kanya.

Kinuha ko na naman ang papel at binigay sa kanya kasama ng palaso.

Nagtataka niya naman itong tinignan pero nagbago ang expression niya ng makita ang tatak sa palaso ang Chen Mafia mark

Binuksan niya ang sulat at binasa ito.  Bigla niya nalang sinuntok ang lamesa niya.

Booggshh*

"Anong akala nila sa atin matatalo nila tayo? "- sabi niya

"Hindi nila alam kung sino ang kinakalaban nila. Dahil sa tinatahak Nilang disisyon makikita nila ng maaga si satanas. "- naka smirk kong sabi sa kanya

"That's my apo"- sabi niya sa akin

"Kailangan na nating sanayin ng maaga ang mga underlings natin dahil nalalapit na ang Mafia war"- sabi ni grandpa

"I want to handle the low profile at ako ang mag tri-training sa kanila"- sabi ko sa kanya

"Kung yan  ang  gusto mo"- sabi niya sa akin

Pagkatapos ng paguusap namin.  Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako dahil maghahating gabi na talaga at may pasok pa ako bukas.

-------------------------------------------------------------

Book 1: Our Sister's Secret Where stories live. Discover now