secret # 8

29.9K 776 14
                                    


Julie Ann POV*

Habang naglalakad ako pabalik sa mesa kung nasan sila Blue nakasunod naman sa akin ang dalawang server na nagdadala ng dalawang tray ng order namin. Pagkarating ko umupo kaagad ako.

"Princess anong in- order mo? "Tanong ni Noah habang nakatingin sa fried chicken na tumpok tumpok.

"Just eat" kinuha ko na ang parte ko at nagsimula nang kumain. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanilang Lima. Habang kumakain ako ramdam kong may matang tumitingin sa akin. Tinignan ko si Neon at mabilis siyang tumingin sa pagkain niya. Umayos ako ng upo at nagcross arm.

"What's the problem Neon? "Kita kong napatigil silang Lima at napatingin sa akin sila Ethan. Habang si Neon hindi magawa tumingin sa akin.

"Princess anong ibig mong sabihin? "Tanong ni Ethan

"Neon? "Napatingin si Neon Kay Blue ng tawagin siya nito.

"K-uya bakit?"naningkit ang mata ko. Hindi nagsalita si Blue bagkos tumingin siya sa akin. Nakasalubong ko naman ang malalamig niyang mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tinignan si Neon.

"Princess"

"Anong problema mo? Bakit kanina mo pa ako tinitignan? "Tanong ko sa kaniya.

"A-no.. Wala naman"

"Are you sure? Do you mind telling what on your thought"

"A-no.. Wala naman talaga"sabi niya. Tinignan ko siya ng Mariin. I know naalala niya ang ginawa ko kanina bago sila makatulog.

"Is that so? Ok "pagkasabi ko nun tinuloy ko nalang ang kinakain ko.

    Naglalakad kami ngayon papunta sa school supplies section dito sa mall. Nasa unahan ako habang ang Lima nakasunod lang sa akin. Kanina pa ako naiirita sa mga letcheng babae na nagbubulungan. Gaano ba kasikat ang mga kasama ko?

Ng makapasok kami sa school supplies section dumeretso kami sa mga notebooks.

"Binder or not? "Dinig kong tanong ni blake habang sinusuri ang mga notebooks na naka display.

"Binder"biglang sabi ni Blue. Akala ko ba ako ang bibili? Bakit sila ang pumipili?

"Anong magandang brand ng Ball pen? "Tanong ulit ni Blake

"G-tech"napangiwi ako. Ang mahal kaya ng G-tech pen. Napansin ko naman na hindi ko na mahagilip sila Ethan. Nasan na sila at bakit naiwan sa akin ang dalawang taong bato nato?

"Kailangan pa ba ng paper? "

"No need. Wala namang paggagamitan niyan"

"How about art materials? "

"Kumuha ka nalang ng kailangan "

"Hmm.. What else? "

"Wala na akong maisip. Mukhang nandito naman lahat"sabi ni blake habang tinitignan ang mga kinuha nila sa cart. Napapokerface naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Brat may gusto ka pa ba? "Biglang tanong niya sa akin. Wait what did he call me?

"I'm not a brat! And stop calling me a Brat! "Sigaw ko sa kaniya at iniwan na silang dalawa don.

Book 1: Our Sister's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon