secret # 63

18.3K 440 10
                                    


Blue pov*

Naisipan muna naming puntahan si princess sa bahay niya. Dahil naiwan siya kanina. Ayaw pa sana mag  paiwan kaso wala na siyang magawa

Nagpaiwan sa hospital si spade at ang pamilya ni mika

Ayaw pa sanang  sumama ni noah dahil gusto niyang bantayan si mika kaso hinila na namin siya.

"Kuya gusto kong magpaiwan"- maktol ni noah

Nandito kami ngayon sa loob ng van at papauwi na kami ngayon sa bahay ni princess

"Ge  bumaba ka kung kaya mo? "- may pagbabantang sabi ni jane

"Talaga! "- sabi ni noah
At bubuksan na sana ang pinto ng mapahinto siya

Natatawa naman kaming napatingin sa kanya

"Ehhh.. Naman e "- maktol niya at bumalik sa pagkakaupo

"O akala ba namin bababa ka? "- tanong ko sa kanya at natatawa pa rin

Hahahahaha.. Tanga talaga bababa daw siya e umaandar tong van

"Tsk! "- siya

Kami tawa pa din ng tawa

Hahahahahahaha...

Hindi naman nagtagal nakarating nakami sa bahay ni princess. Pumasok kami at pinark ang van sa garage ng bahay

Bumaba naman kami sa van at pumunta sa pinto at pumasok alangan namang uupo

Okay nakakatawa joke ko

"Butler Kim nasan po si princess. "- tanong ni ethan

"Pinagbilin po ni my lady na bawal po siyang esturbuhin sa kwarto niya"- sabi ni Butler Kim at nagbow

"Ganon po ba"- sabi ko

"Oh!  Mga iho at iha nandiyan na pala kayo .kamusta ! Anong balita?"- tanong sa amin ni nanay cina

"OK na po si mika at bianca nagpapahinga lang sila sa hospital"- sabi ni kate

"Yun ba kumain na muna kayo tapos dito na kayo magpahinga ipapahanda ko nalang ang mga kwarto na gagamitin niyo alam kong pagod kayo"- sabi sa amin ni nanay cina

"Nako nay baka magalit si princess"- sabi ni neon

"Haisy!  Hindi yan kaibigan niya naman kayo at kapatid niyo siya"-sabi ni nanay cina

"Mukhang uuwi ako"- sabi ni zenia

Napatingin naman kami sa kanya

"Why? "- tanong ni neon

"Pinapauwi na ako ni Antie marami pa akong gagawin.  Alam niyo naman"- sabi ni zenia at ngumiti sa amin ng peke

"Tara hatid na kita"- presenta ni neon

O.o ehh anong  nakain nito?

"Sure ka? "- tanong ni Zenia

"Haist!  Oo nga tara na"- sabi ni neon at hinila na si zenia palabas

Nag wave lang kami sa kanila ng kamay

"Nako tara na kayo sa kusina kumain nakayo"- sabi ni nanay cina at sumunod naman kami sa kanya

Pagkarating namin sa kusina ang daming pagkain

"Wow*0* mukhang ansarap ah"- sabi ni ethan at kumakinang pa ang mata

"PG talaga"- dinig kong bulong ni jane

Napangiti naman ako ng palihim

At umupo na kami at nag simula ng kumain

-------------------------------------------------------------

Julie Ann pov*

Nagising ako dahil tumunog ang alarm clock ko

Napatingin ako sa wall clock ko at nakita kong 7:30 am na ng umaga

Tumayo na ako sa kama ko at nagayos na ng sarili

Pumasok ako sa cr.  At naligo na pagkatapos kong maligo nagbihis na na ako. Simple lang ang sinuot ko wala namang kaming pasok ngayon dahil busy na ang mga estudiyante pagaayos ng Booth nila

Nakasuot ako ng fitted ripped jeans at nagsuot ako ng vans shoe at naka sky blue v neck shirt ako

Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng kunting pulbo sa mukha.

Tumingin ako sa salamin ko at OK naman ang ayos ko

Kinuha ko ang dalawang dagger ko at nilagay secret pocket ng sapatos ko. May lalagyan kasi sa gilid ng shoes ko hindi naman halata kasi di naman kita

Bumaba na ako at nagulat ako sa nakita ko

O.O WTH!  bakit sila nandito

"Butler Kim! "- tawag ko kay butler Kim at Dali Dali naman siyang lumapit sa akin

"Yes my lady "- sabi niya at nag bow

"Paki gising sila "- sabi ko sumunod naman si butler kim at ginising nga niya sila kiezer  na natutulog sa sala

Naglagay sila ng kutson sa sahig at nagkanya kanya silang pwesto

"Pr-incess"- tawag sa akin ni ethan ng magising siya

Hindi naman nagtagal nagising na silang lahat

Umupo ako sa sofa habang ang iba nakaupo sa kanilang upuan at sa mga foam sa sahig

"Explain bakit dito kayo natulog sa labas? "- tanong ko sa kanila

Pwede naman silang gumamit ng guest room bakit sa sala pa sila natulog?

Anong pumasok sa mga kukute ng mga to?

"Nako!  My lady wag mo na silang pagalitan "- bigla naman akong napatingin kay nanay cina dahil sa sinabi niya

"Nay naman"- sabi ko

"Nako mga iho at iha pag pasensyahan niyo na si my lady "- sabi ni nanay cina

"Oo nga babe minsan lang naman kaming maka higa sa lapag e ang saya kaya sa susunod kasama ka na namin"- sabi sa akin kiezer

"Yuck!  Ayaw ko nga parang kayong mga sardinas diyan"- sabi ko sa kanila

"Maka sardinas ka wagas ah"- sabi ni kate sa akin

Nakita kong nagkatinginan silang lahat pati si blue nakisali din

"Grin"- sila

"O.O o-no!  H-indi ko gusto Yang iniisip niyo nakabihis na ako"- sabi ko at tatayo na sana ng bigla nalang akong hilahin ni blue

"Ahhhhhhhhhh"- sigaw ko at nakita ko nalang tumabi silang lahat sa akin sa foem

"Wahhhh ang baho niyong lahat maligo  muna kayo"- sabi ko at pilit na tumatayo pero ang lukong kate dinaganan ako

"A-ray kate ang bigat mo"- sabi ko

"Hahahahahahaha"- tawa nila

"Shit!  Ang baho niyong lahat"- sabi ko at tinakpan ang Ilong ko

"Ang ganon princess ah"- sabi ni ethan at pinaamoy sa akin ang kilikili niya

"Wahhhh layo layo wahhhh"- ako at tinutulak sila

Dahil ginaya nila si ethan

Pati nga sila jane at blue nakisali din

"Wahhh.. Malalagot talaga kayo sa akin !"- sigaw ko sa kanila

"Hahahahahah"- tawa nila

"Nay tulong! "- sigaw ko kay nanay pero walang niya talaga nakita ko nalang na pati sila ni butler Kim tumatawa din

"Waahhhhhhhhhhh! "- sigaw ko

"Hahahahahahahahahahaha"- sila


-----------------------------------------------------------

Book 1: Our Sister's Secret Where stories live. Discover now