Chapter Six: She's Back

84.6K 1.5K 141
                                    

Chapter Six: She's Back


Vince's POV

Gusto kong matuwa dahil sa wakas ay makakaalis na rin ako sa boring na ospital na iyon at makakauwi na rin ako sa bahay. Ngunit hindi ko naman magawang magbunyi dahil makakasama ko pa rin ang dambuhala at bago kong private nurse.

"What's with that face?" Amused na tanong sa akin ni Mark. "You should be happy. Alam kong matagal mo nang gustong umuwi sa inyo."

Binigyan ko ng matalim na tingin ang kaibigan. Nagsisintir na nga ang kalooban ko nagawa pa niyang mang-inis.

"Vinci Boy!"

Sabay kaming lumingon ni Mark sa bagong dating. Si Jared. Kasama niya ang magandang binibini na minsan nagpangiti ng puso ko... Si Trisha.

"Hi!" Nakangiti niyang bati sa akin.

"Akala ko hindi mo na ako dadalawin." I smiled back.

"Ikaw pa! Hindi kita matitiis, Vinci boy." Bigla namang sumingit sa eksena si Jared.

"Hindi ikaw ang kausap ko," ismid ko.

"Sungit nito!" Hinila niya si Trisha palayo sa akin at walang babala na pinitik ang hinlalaki ng paa ko. Napahiyaw ako sa sakit.

"Gag- ka! Makatayo lang talaga ako, bubugbugin kita!"

Ngumisi lang si Jared. "Minsan na nga lang tayo magkita pagsusungitan mo pa ako."

"Mark, palabasin mo nga siya ng kuwarto ko," utos ko na hindi naman nito pinansin. Abala ang kaibigang doktor sa pakikipag-usap kay Trisha.

"Oo nga pala, Vince," si Jared ulit. "May kasalanan ka pa sa akin, sa amin pala ni Trisha. Pinahirapan mo kami sa paghahanap ng resthouse mo sa San Gabriel. Aminin mo nga sa akin, nag-e-exist ba talaga ang resthouse mo na iyon?"

Tangkang pipitikin niya uli ang hinlalaki ko sa paa nang mahagip ng kamay ko ang katabing unan at ibinato iyon sa kanya. "Hindi ko kasalanan kung hindi ka marunong sumunod sa direksyon na ibigay ko sa'yo. Sampung taon nang naroon ang Villa sa San Gabriel. Alangan naman maglaho na lang iyon doon."

Sa pagkamangha ko nang umupo si Jared sa tabi ko sabay akbay at bigla akong hinalikan sa sentido. Agad ko siyang itinulak palayo.

"Jared, kadiri ka!"

Pero hindi man lang natinag ang kaibigan. "Na-miss kita, Vince. Nag-alala talaga ako nang malaman ko ang nangyari sayo. Sabi ko na nga ba at may natatago ka na katangahan sa katawan." Magproprotesta sana ako ngunit naunahan niya ako. "Pero maiba tayo ng usapan. Balita ko ay maganda at sexy daw ang private nurse na nag-aalaga sayo. Ka-suwerte mo naman na nilalang."

Eksakto naman na iniluwa ng pinto si Manang. Lumapit ito sa kinaroroonan ko at tsinek ang vital sign ko. Ang lakas tuloy ng tawa ni Jared. "Lokong Tyron na iyon! Nakalimutan niyang banggitin sa akin na batang-bata pala si..." At ininguso niya ang nurse sa tabi ko at nakakalokong tumawa.

Hindi ko maipinta ang pagmumukha. Kasalanan ito ni Mark. Hindi niya dapat pinalitan si Valjean. Hindi sana ako naghihimutok ngayon

Nang sulyapan ko si Manang ay nahuli kong siyang nakatingin sa akin. Tingin na tila mayroon pinahihiwatig. Kinilabutan akong bigla nang maalala kung paano niya pisilin ang pisngi ng puwet ko habang pinapaliguan niya ako kahapon.

Pwede ko ba siyang ireklamo ng child abuse?

"Surprise!" Salubong sa akin ni Cyrhel nang dumating ako sa bahay. Halos idikit niya sa mukha ko ang dala niya malaking sign board.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now