Chapter Fourteen: Sleepyheads

72.1K 1.3K 124
                                    

Chapter Fourteen: Sleepyheads


Vince's POV

Nagising ako sa liwanag na tumama sa aking mukha. Nakaangat pala ang mga binds sa bintana. Marahil ay si Valjean ang nag-angat ng mga iyon.

"Val..." Tawag ko. Ngunit nakakapagtaka na hindi siya tumutugon. Luminga ako at hindi ko siya nakita sa loob ng silid. Nang sulyapan ko ang deskclock ay alas sais pa lang ng umaga. Kaya naman pala!

Alas otso ako ginigising ng dalaga. Sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan kong bumangon. Kahit inaantok pa ako ay wala akong magawa. Palagi na lang niya akong tinatakot na tuturukan ng injection kapag hindi ko siya sinunod. Muli akong pumikit para sana matulog ulit. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay nanatili pa ring gising ang diwa ko. Bumangon ako at lumipat sa wheelchair. Naisip kong puntahan si Valjean sa kuwarto niya.

Mabuti na lang at hindi naka-locked ang pinto. Walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa loob ng kanyang silid. Katulad nang hinala ko ay natutulog pa nga si Valjean. Ako naman ngayon ang mang-iistorbo sa kanya!

"Val!" Inalog ko siya sa balikat. "Huy, Val!"

Pero tulog na tulog pa rin si Valjean. Kung ilang beses ko na rin siyang tinapik sa pisngi ngunit hindi pa rin siya magising. May hinala pa nga ako na naghihilik siya. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi.

Inabot ko ang cellphone niya sa ibabaw ng bedside at kinunan siya ng picture. Ganon na lamang ang pagpipigil ko na matawa sa ginawang kalokohan. Wala siyang kamalay-malay na may sariling litrato habang natutulog. Naisip ko rin na drawingan ang kanyang mukha na agad naman tinutulan ng isip ko. Kahit siguro gawin ko iyon ay magiging maganda pa rin siya. No doubt, maganda naman talaga ang maamo niyang mukha.

"Valjean..." Muli kong tawag at bahagya siyang hinipan sa mukha. Pero ganoon pa rin. Tulug na tulog pa rin ang dalaga.

Tsk! Parang mantika pala siya matulog.

Napangiti ako nang muling makaisip ng kalokohan. Nagmamadali akong umikot sa kabilang side ng kama at sumampa roon. Mukhang mamaya pa naman magigising si Valjean. Makikitulog na muna ako. Bukod sa malamig ang buong silid, masarap din matulog nang may kayakap.

Muli kong kinuha ang kanyang cellphone. This time ay hindi lang siya ang kinunan ko ng litrato, kasama na ako. Hindi pa ako nakuntento ay ginawa ko pang wallpaper ang picture naming dalawa.

Parang bata na muli akong napahagikgik. Nai-imagine ko na kasi ang magiging reaction ni Valjean sa oras na makita niya ang sariling picture gayundin iyon picture na magkasama kamaing dalawa. Hindi pa ako nakuntento ay at sinend sa sarili kong cellphone ang mga larawan para may souvenir ako.

Pagkatapos ng ginawang kalokohan hindi ko akalain na muli akong dadalawin ng antok. Hay... Ang sarap matulog!


Valjean's POV

Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa mga binti ko. Bukod sa nahihirapan akong huminga ay hindi rin ako makakilos dahil tila mayroon nakapulupot sa akin.

Pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Vince. Hindi ko napigilang mapangiti. Ang guwapo pa rin niya kahit natutulog. He looks so boyish. Walang pinagkaiba sa seventeen year old na binata na nakilala ko sampung taon na ang nakakaraan. Medyo nag-mature nga lang siya at sa tingin ko ay mas lalo lang siyang gumwapo.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now