Chapter Thirty: Impulsive Decision

45.3K 1.1K 64
                                    

Chapter Thirty: Impulsive Decision


Valjean's POV

Binalot ako ng takot nang mapagtanto ko na ibang tao ang nasa aking kaharapan. Hindi siya si Vince. Bagaman may kadiliman ang buong silid ay nakikilala ko ang bulto ng kanyang katawan.

"Did I surprised you?" I saw her teeth flashed in the dark that sent a shiver down to my spine. Awtomatikong napaatras ako.

"M-melissa, anong ibig sabihin nito?" Lihim akong napasinghap nang makaramdam ng matinding kirot sa aking kaliwang paa. Napilayan yata ako.

"Relex, Valjean. I mean no harm. Pinapunta lang kita rito para makausap ka ng personal."

Subalit taliwas ang sinasabi ni Melissa sa nakikita kong kinikilos niya. Ang unang pumasok sa isip ko ay tumakbo palabas, ngunit hindi ako sigurado kung magagawa ko iyon lalo na sitwasyon ng aking paa. Bahala na!

"What do you want?" Kinakabahan kong tanong.

"Si Vince."

Napasinghap ako ng malakas.

"Nasaan si Vince?" Mabilis kong iginala ang mga mata sa dilim na tila makikita ko roon ang binata. Mas higit ang nararamdaman kong takot para sa kanya. "Anong ginawa mo kay Vince?"

Nakakalokong tumawa si Melissa. "Walang pa akong ginagawa sa kanya, Valjean at kung mayroon man..." sinadya niyang ibitin ang sasabihin at saka ngumisi. "Sisiguraduhin ko sa'yo na mapapasaakin ulit si Vince."

"You're out of your mind!"

"Matagal na, Valjean. Matagal nang sira ang ulo ko at dahil iyon kay Vince," wika niya habang patuloy na tumatawa. She's right! Wala na siya sa sarili niyang katinuan.

"Anuman ang gawin mo, hindi mapapasayo si Vince."

"Akin lang si Vince!" Biglang naging mabagsik ang anyo ni Melissa habang unti-unting humahakbang palapit sa akin. "Matagal na siyang akin. Kung hindi ka lang bumalik sa eksena, sana hanggang ngayon ay akin pa rin siya!"

I was shocked by her anger. Ibang-ibang Melissa kasi ang nasa harapan ko ngayon.

"Hindi ka na sana bumalik! Hindi ka na sana nagpakita ulit sa kanya! Sinira mo na nga ang plano ko, nilason mo pa pati ang isipan ni Vince!"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan na umaatras. Naramdaman ko na lamang na sumayad ang aking likuran sa gilid ng sofa. Masusukol ako ni Melissa at anumang oras ay maaari niya akong saktan. Ano ang gagawin ko?

Naagaw ang atensyon namin nang biglang tumunog ang cellphone ko, isang dipa ang layo mula sa aking kinaroroonan. Bago ko pa maihakbang ang paa ay naunahan na ako ni Melissa. Dinampot niya ang phone ang ko sa sahig.

"Who's Mark? Manliligaw mo?" Sarkastikong tanong niya at saka ini-off ang aparato. Hindi pa siya nakuntento ay basta na lamang niyang inihagis iyon kung saan.

Saka ko lamang naalala ang tungkol sa plano ni Mark. Susunduin niya si Vince at sabay na makikipagkita sa akin. Bakit hindi ko agad naisip ang tungkol doon?

Sa mga oras na ito ay malamang magkasama na ang dalawang binata. Nagtataka na siguro sila kung bakit wala ako sa coffee shop kung saan kami dapat na magkikita.

Hindi sana ako mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi ako nagpadalos-dalos. Nagpanic agad ako nang hindi ko makontak si Vince. Nawaglit sa isip ko ang tungkol sa plano namin dalawa ni Mark. Hindi ko naiwasang mapaungol nang maalala ang nilalaman ng text message na natanggap ko.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now