Chapter Twenty Four: Beats For Her

51.7K 1.2K 126
                                    

Chapter Twenty Four: Beats For Her


Valjean's POV

"Wala ka ba talagang balak na mag-text man lang? Nakakabuwisit ka na!" Nanggigigil na sigaw ko.

"Pati ba naman cellphone pinapatulan mo?" Bigla na lang sumulpot si Mildred mula sa kusina at umiiling na iwinasiwas sa harapan ko ang hawak niyang sandok. Dahil pareho naming restday ay nagprisinta siya na magluto na aming tanghalian. "Kaysa magmukmok ka d'yan na parang luka-luka, tawagan mo na si Vince. Ikaw na ang gumawa ng first move."

Bumangon ako mula sa pagkakahilata sa sofa at tinitigan ang hawak na phone. Kanina ko pa iyon naiisip pero nauunahan ako ng hiya. Paano kung hindi niya sagutin ang tawag ko?

Tatlong araw na ang nakakaraan nang huli siyang magpakita sa akin. Hindi na niya ulit ako dinalaw sa ospital. Ni ha at ho ay wala na akong narinig mula sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi man lang siya nagpaparamdam kahit man lang sa text. Lalo lamang tuloy tumibay ang hinala ko.

"Ako na nga!" Hinablot ni Mildred ang phone sa kamay ko. At bago ko pa siya mapigilan ay nai-dial na niya ang number ni Vince. Halos hindi ako humihinga habang hinihintay na makausap niya ang mga binata.

Nanlalaki ang mga mata na tumingin sa akin ang kaibigan.

"What?" Napatayo akong bigla. Nakaka-suspense naman kasi ang reaksyon niya.

"Out of coverage ang cellphone niya," sabay balik sa akin ni Mildred ng phone ko. Pina-excite niya lang pala ako.

Dismayado na muli akong sumalampak sa sofa. Naghihintay lang pala ako sa wala. Marahil ay sinadya ni Vince na i-off ang cellphone niya. Alam na siguro niya ang tungkol sa akin. Baka bumalik na ang kanyang alaala.

Subalit, kung sakaling bumalik na nga ang alaala ni Vince, siguradong sasabihin sa akin ni Mark ang tungkol doon. Hindi niya ipagsasawalang bahala ang tungkol sa bagay na iyon. Pero nitong mga nakaraang araw ay hindi ko rin siya mahagilap sa ospital. Kung hindi absent, nag-undertime o kaya naman ay nagkukulong sa kanyang opisina. Nahihiwagaan tuloy ako sa nangyayari sa kanya.

"May isa ka pang option mare."

Lumingon ako kay Mildred.

"Komprontahin mo si Vince. Kausapin mo siya ng personal."

Kung ang pagtawag nga lang sa phone ay naduduwag na ako, ang harapin pa kaya siya. Paano kung tama ang hinala ko?

Bigla na lamang hinila ng kaibigan ang buhok ko nang makita ang pag-aalinlangan ko.

"Fight for him! Huwag mong hayaang masira ang relasyon ninyo dahil lang sa pride mo. Do something before it's too late."

Ang buong akala ni Mildred ay kami na ni Vince at mayroon lang kaming hindi pagkakaunawaan ng binata. Wala siyang kamalay-malay sa totoong sitwasyon naming dalawa.

"Forget your pride, Valjean. Now, go!" Hinila na lang akong bigla ng kaibigan at ipinagtulakan paakyat sa aking kuwarto.

"Fine! I'm going..." Napipilitan na sumunod ako. Bahala na! Lalakasan ko na lang siguro ang loob ko.

Nakapagpalit na ako ng damit nang makatanggap ako ng phone call mula kay Cyrhel.

"Hello Ate Val..." Kinabahan akong bigla sa tono ng boses niya.

"Napatawag ka? May problema ba?"

"Ate, si Kuya Vince..." Nang marinig ang pangaln ng binata ay lalo lamang dumagundong ang kabog ng aking dibdib.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now