Chapter Twenty One: First Date

56.9K 1.2K 52
                                    

Chapter Twenty One: First Date


Valjean's POV

Napatalikod akong bigla nang matanaw si Vince na paparating.

"Mildred," mabilis kong kinalabit ang kaibigan na abala sa pahahanda ng mga gamot. "Kapag mayroong naghanap sa akin sabihin mo absent ako."

Nagtataka na tumingin sa akin ang kaibigan at bago pa siya makasagot ay nagmartsa na ako palayo ng station. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ng-

"Valjean!"

Shemay! Nakita pa rin pala niya ako.

Lalo ko tuloy binilisan ang paglalakad. Paliko na sana ako ng hallway nang bigla na lamang sumulpot si Vince sa tabi ko. Naabutan niya ako.

"Busy ako, Vince," hindi lumilingon na sabi ko habang patuloy na naglalakad.

"Napadaan lang ako rito para ibigay sa'yo ito," aniya sa masiglang tinig at inabot sa akin ang isang bugkos ng bulaklak.

Hindi ko iyon tinanggap.

"Galit ka pa rin sa akin?"

Wala akong response.

"Hindi mo ba talaga ako mapapatawad? Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

"Leave me alone," I snapped.

"I can't."

Bigla akong huminto at hinarap si Vince na mabilis na nakapagpreno.

"Why?"

"Why what?"

"Why are you doing this?" I really wanted to know. Nakakapagtaka ang pagbabago niya. Lalo na ang gabing iyon nang bigla na lamang niya akong hinalikan, branded me as if I am his. At ngayon naman para siyang nanliligaw kung makaasta. Hindi malinaw sa akin ang totoong intensyon niya.

"Val, hindi pa ba obvious?"

"Hindi ako manghuhula, Vince." Pinagkrus ko ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Napakamot siya ng ulo. "I like you, okay? Do you think magkakaroon ako ng lakas na loob na pumarito kung wala akong gusto sa'yo?" Imbes na matuwa ay nadismaya ako sa narinig.

"Kailan pa?"

"Anong kailan pa?"

"Kailan mo pa nalaman? Noong isang araw? Ano iyon paggising mo isang umaga bigla mo na lang na-realize na may gusto ka na pala sa akin?" Lintanya ko sa sarkastikong tinig.

Hindi agad nakasagot si Vince. Lalo lamang akong nadismaya sa nakitang reaksyon niya. Tumalikod ako at muling naglakad.

"Valjean, sandali lang!" Habol niya. "Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?"

I groaned and rolled my eyes. Hindi pa rin niya makuha ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

"Kaya nga nagso-sorry ako sa'yo. Alam ko naman na hindi tama ang ginawa ko. Ikaw naman kasi."

"Ako pa ngayon ang may kasalanan?"

"Fine! Aaminin ko na, nagselos ako. Ayokong may ibang lalaki na lumalapit sa'yo maliban sa akin."

"Hindi mo ako pag-aari, Vince."

"I couldn't help it. Alam mo ba na gusto kong sapakin si Tyron ng mga oras na iyon? Ganoon din si Louie kung hindi ko pa nalaman na engaged na pala siya."

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now