Chapter Nine: The Past (Part One)

80.9K 1.3K 141
                                    

Chapter Nine: The Past (Part One)


Ten years ago...

"Vince, si Melissa!"

Mabilis siyang nag-angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa pagdo-drawing. Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ng barkada sa basketball court. Amused na tumaas ang sulok ng mga labi ni Vince nang mahuli niyang nakatingin sa kanya ang dalaga. She smiled back at him. At alam niya kung anong ibig sabihin ng ngiting iyon.

"Pare, pormahan mo na."

"Ligawan mo na kasi. Obvious naman na may gusto sa'yo si Melissa."

Nangingiti na tumango na lang si Vince sa pambubuyo ng mga barkada. He had to admit that she's pretty and smart. Bukod pa roon ay captain ball ang dalaga ng high school volleyball team. Walang dahilan para hindi niya ito magustuhan. Pero may ibang babae na siyang gusto.

Ilang sandali ay dumating ang hinihintay ng binata. Awtomatikong napangiti siya habang pinapanood ito mula sa malayo.

That Girl! Iyon ang tawag ni Vince rito. Hindi dahil sa hindi niya alam ang pangalan nito. Ang totoo ay marami siyang alam tungkol sa dalaga. Nasa kabilang section lang naman ito at hindi mahirap para sa kanya ang makakuha ng impormasyon gamit ang kanyang charm.

Nakita niya na kumuha ng tissue si That Girl at pinunasan nito ang sementadong upuan. Pagkatapos ay maingat nitong inayos ang walang kagusot-gusot na palda bago ito tuluyang naupo. Naaaliw na pinagmasdan niya ang maayos na pagkakaipit ng buhok ng dalaga. Gayundin ang suot nitong eyeglasses na bumagay sa maamong nitong mukha.

"Sabi ko na nga ba at may gusto ka kay Valjean!"

Mabilis na tinakpan ni Vince ang bibig ni Jhun. Pero narinig na pala ng mga kasama nila ang sinabi nito. Naging tampulan tuloy siya ng tuksuhan.

"Dyahe ka, pare. Kailan ka ba natorpe pagdating sa babae?" Nakakalokong sabi sa kanya ni Erik.

"Si Valjean lang pala ang katapat mo," pangbubuska pa ng isang kabarkada.

Aminado si Vince na pagdating kay That Girl lang naman siya nagkakaganito. Suplada kasi ang dalaga. Noong unang beses na nagtangka siya na lapitan ito ay dinedma lang siya. Nang minsan bayaran niya ang inoorder nitong pagkain sa canteen ay nag-insist pa rin itong magbayad sa tindera. Sa tuwing magkakasalubong sila ay tila hindi siya nito nakikita. Wala pang nakakagawa nang ganon sa kanya maliban dito. Ang pinagtataka pa ng binata ay kung bakit sa kanya lang naman ganon ang dalaga. Guwapo naman siya para hindi nito mapansin.

Araw ng sabado. Maaga pa rin nagising si Vince kahit walang pasok sa eskuwela. Kasya matulog ulit ay nagdesisyon siyang lumabas ng bahay para mag-jogging. Ilang oras din siyang nag-ikot sa buong village. Nang mapagod ay huminto siya sa 7-eleven para bumili ng tubig. Magbabayad na siya sa cashier nang mahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na pigura. Si That Girl!

Nasa iisang village lang sila natira. Pero ito unang pagkakataon na natiyempuhan niya ang dalaga. Mukhang katatapos lang din nitong mag-jogging at bumili lang din ito ng tubig. Sinundan niya ng tingin si That Girl hanggang sa pumuwesto ito sa bakanteng mesa sa labas. Sa pagkamangha niya nang isinubsob nito ang mukha na tila pagod na pagod.

Dahan-dahan na lumapit si Vince sa kinaroroonan nito. Iniingatan na lumikha ng anumang ingay. Ngunit mukhang nakatulog ang dalaga. Sinamantala niya ang pagkakataon at doon naupo sa bakanteng silya sa tapat nito. At mula roon ay natatanaw niya ang maganda nitong mukha. Kuntento na siyang panoorin ang pagtulog nito.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now