Chapter Twenty Two: Unusual Date

52.7K 1.2K 77
                                    

Chapter Twenty Two: Unusual Date


Valjean's POV

Nanlaki ang mga mata ko nang ihinto ni Vince ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na restaurant.

"Dyan tayo magdi-dinner?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Sunud-sunod ang ginawang pagtango ng binata at ngumisi.

"Sinabi ko naman sayo 'di ba, gagawin kong espesyal ang gabing ito."

Wala sa loob na hinagod ko ng tingin ang suot. Naka-simpleng blouse lamang ako at round skirt na tinernuhan ko ng flat shoes.

"Hindi ba ang awkward naman ng suot ko sa ganyang lugar?" Nakasimangot na sinundan ko ng tingin ang mga taong pumapasok sa loob ng restaurant. Magmumukha siguro akong pulubi kung itatabi sa kanila. "Sana man lang ay inabisuhan mo ako na dadalhin mo ako dito. Eh di sana nakapag-ayos ako at nakapaghanda."

Hinagod ako ng tingin ni Vince at muling ngumisi. "Kahit hindi ka mag-ayos maganda ka pa rin at kahit ano pa ang isuot mo mangingibabaw ang kagandahan mo sa kanilang lahat." Umangat ang kamay niya at bahagyang tinapik ang ilalim ng baba ko.

"Nambola ka pa," sabi ko sabay irap. Obyus naman na sinasabi niya lang iyon para palakasin ang loob.

Kungsabagay kahit ang binata ay naka-casual outfit lang. Gayunpaman, ang guwapo pa rin niya sa suot na simpleng poloshirts at maong pants na sinadya itupi upang magmukhang bitin na tinernuhan niya ng topsider. Sa tingin ko nga ay mas bagay sa kanya ang maging modelo kaysa maging piloto.

"Shall we?"

Bago ko pa namalayan ay nakababa na ng kotse si Vince at pinagbuksan ako ng pinto. Tinitigan ko ang nakalahad niyang kamay. Nag-aalangan pa rin akong kumain sa restaurant na iyon.

"Val?" Tila naiinip na niyuko niya ako. Then he let out another sigh. "Gusto mo bang lumipat na lang tayo ng ibang resto?"

Tatango na sana ako nang maisip ang naging effort niya. Balita ko ay hindi ganon kadali ang magpa-reserved sa lugar na iyon. Dahil sikat at dinarayo ng mga mayayaman, pili lamang ang taong nakakakain doon.

Masasayang lamang ang pinaghirapan ng binata kung paiiralin ko ang aking inferiority complex.

"Val?" Parang bata na basta na lamang naupo si Vince na naka-swat. Marahil ay nangawit na siya sa paghihintay ng sagot ko. "Huwag mo akong ngitian dyan. Just tell me what's on your mind?" aniya habang nakatingala sa akin.

Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti ko. Ang cute naman kasi niya sa kanyang posisyon. "Tumayo ka nga d'yan. Para kang timang." Iniabot ko sa kanya ang kamay at walang alinlangan na tinanggap iyon ng binata.

Ngunit hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Bigla siyang tumayo at kinapitan ang kamay ko. Dahil hindi ko kinaya ang bigat niya ay nahila niya ako at muntikan na akong mahulog mula sa aking kinauupuan. Mabuti na lamang at nakakapit agad ang isang kamay ko sa sandalan.

"Careful...you might fall over me," nakakaloko na sabi ng binata.

Parang narinig ko na iyon sa kanya dati. Hindi ko lang matandaan.

"What? Nahuhulog ka na ba sa akin?"

Binawi ko sa kanya ang kamay at tinapik siya nang malakas sa noo.

"Puro ka talaga kalokohan. Halika na bago pa magbago ang isip ko."

Nang aabutin ni Vince ang kamay ko ay mabilis akong umiwas.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now