CH 2

26 3 0
                                    

Panibagong araw muli upang pumasok sa eskwelahan.

Inayos ko na ang aking gamit at nagpasya ng pumunta sa aming hapagkainan. Naabutan kong kumakain na sina mommy at daddy.

Mabilis akong lumapit sa kanila at hinalikan ang kanilang mga pisngi .

"Good morning mom, dad."-pagbati ko na tinanguhan lang nila at nagpatuloy sa pagkain.

Naghanda na rin akong kumain. Sa buong oras ng pagkain ay naging tahimik kami na tila kasalanan ang magsalita.

Naunang matapos kumain si dad at agad na tumayo at nagpaalam samin ni mom upang pumasok na sa trabaho. Kailangan nya raw umalis agad Para hindi ma-late sa meeting ng kumpanya.

Ilang minuto lang din ang lumipas Simula ng umalis si dad ay nagpaalam na rin si mom. She kissed my cheek.

"I'll be going dear. Be a good girl!"

Napabuntong hininga na lang ako ng maka-alis sila. I am always be a good girl.

Ito na naman ako, naiwang mag-isa sa hapagkainan upang tapusin ang pagkain.

Kailan ba nila hihintayin na magising ako at sabay-sabay kaming kumain ng walang naiiwan? Kailan ba sila magpapa-ubaya na matapos muna akong kumain bago sila umalis? Kailan ba pwedeng sila naman ang maghatid sa akin sa eskwelahan?

Bago pa man dumami ang iniisip ko ay mas pinili kong tapusin na ang pagkain at nagpahatid na sa eskwelahan.

Muli kong tinahak ang daan papunta sa aking classroom. Binati ako ni Marco bago umupo sa tabi ng upuan ko.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ko sya ng may pagtataka.

"May kailangan ka ba?"-deretsong tanong ko.

Ngumiti sya ng malapad at inaya akong maupo bago kami mag-usap.

"Intrams is coming. Wala pa tayong panlaban para sa quiz bee, beauty pageant, essay at kulang pa ang miyembro ng volleyball team natin."

Napairap ako sa aking isipan, alam ko na kung saan patutungo ang usapang ito.

"Do you want me to participate, don't you?"-I asked straight to the point. Ngumiti na naman sya.

"Of course I want you to participate!"-mabilis nyang sagot sa aking tanong.

Mahigit isang buwan na ang lumipas simula ng pumasok kami. Alam ko na alam nya na may paparating kaming exam, prelim.

Bumuntong-hininga ako tanda ng aking pagtutol. Kailangan kong magreview kaysa unahin ang mga bagay na yan.

I want to participate to at least one contest but I know that they won't let me join.

Halos kaya akong sabayan ni Marco pagdating sa academics kaya alam kong kaya nyang manalo kung sya ang lalaban.

"You can join to the quiz bee. Let Eunice be our contestant in the pageant. You can also join the essay and I am not into sports so I won't join."

Maaaring hindi na ako umattend non dahil wala naman akong gagawin dito.

"Kasali na si Eunice sa essay pero kulang pa rin tayo ng isa. Hindi sya maaaring sumali sa pageant dahil magkasabay ang oras ng essay at pageant."-paliwanag nya.

Hindi ko alam kung bakit ako ang kinukuha nya. Marami namang maganda sa mga kablock mate namin.

"Sumali ka na."-pangungumbinsi nya at nagpacute pa.

"No."

---

College of Law-Mr&Ms.Intrams
Mr.Joshua C. Reyes
Ms.Denise Joy A. Ford

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga habang nakatitig dito sa bulletin board.

Hindi ko rin alam kung ilang beses ko ng paulit-ulit binasa ang pangalan ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Marco. Wala dapat sa listahang ito ang pangalan ko.

Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila na kasali ako sa ganitong bagay. It's useless and nothing for them.

Hindi ko rin alam kung sino ba itong magiging kapares ko dahil hindi ko naman sya classmate.

Matapos kong muling bumuntong hininga ay napatitig na lang ako sa brasong umakbay sakin. Walang naglalakas ng loob na lapitan ako at akbayan ako maliban na lang sa isang tao. Maliban na lang sa kanya.

Tama mga ang hinala ko ng lingunin ko sya. Sya na naman.

Nakatingin lang sya sa bulletin board habang nakangiti.

"Uh, excuse me?"-pagtawag pansin ko sa kanya. Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay na maging malapit sa isang tao lalo na sa isang lalaki.

Hindi nya ako pinansin. Nagtatakang napatingin lang ako sa kanya ng ituro nya ang pangalan ko.

"Wow!  Ang kahanga-hangang koleheyo ng abogasya ay maganda ang panlaban!"-komento nya.

Sunod nya namang itinuro ay ang pangalan ng isang lalaki sa College of Engineering.

Clint Blue S. Howard...

"Syempre kasali rin ako para naman may gwapo kang kasama sa pagsungkit ng titulo bilang Mr and Ms Intrams."-dagdag komento nya.

Clint..Iyan pala ang pangalan nya.

Medyo dumistansya ako sa kanya dahil naiilang ako. Tsaka nya palang ako tinapunan ng tingin.

"What are you doing, forever?"-tanong nya.

Is that a pet name? Why do he keeps on calling me forever?

"You are too close to me. Hindi nga natin kilala ang isa't-isa."-diretsong saad ko.

Umakto sya na parang nasaktan sa sinabi ko pero hindi nya parin inaalis ang pagkaka-akbay.

He chuckled upon seeing my confused look.

"You know me now! I know you. You saw what's written on that paper!"-pahayag nya at tinuro muli ang pangalan nya.

Pilit kong binabasa ang buo nyang pagkatao. 'I know you.' Parang kinilabutan ako sa sinabi nya at pakiramdam ko ay kilala nya na ako ng matagal na panahon.

Muli akong dumistansya dahil sa pangambang nadarama ko.

Umiling-iling sya at ginulo ng isa nyang kamay ang buhok ko.

Natigilan ako at lalong nangamba dahil sa mga salitang binitawan nya.

"Don't build walls instead build bridge so I can reach you, my forever."

Chasing Happiness (Slow Update)Where stories live. Discover now