CH 5

13 2 0
                                    

It's Saturday. Nagpaalam ako kay mom and dad na aalis muna ako.

Papunta ako ngayon sa university. Unang araw ng aming practice. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na kasali ako sa pageant. I can't just tell it lalo ngayon na prelim exam sa Monday hanggang Friday tapos kasabay pa ito ng aming mga practice.

Sigurado akong hindi sila sasang-ayon. Isang linggo na lang at pageant na. Sigurado akong mahihirapan silang makahanap ng kapalit.

Nagpahatid lang ako kay Mang Caloy. Pagdating sa university, isang nakakabinging katahimikan ang bumati sakin. Tanging ang ingay lang ng aking paglalakad ang maririnig.

Nilasap ko ang sariwang hangin ng umaga. Habang papalapit ako sa gym, naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa loob nito. I'm pretty sure na inaayos na nila ang mga kailangan

Nang makita nila ako ay agad nila akong nilapitan at pinagpalit ng damit. Nakausap ko na rin ang magiging partner ko na si Joshua.

"Are you ready Denise?"-nakangiti nyang bungad sakin na tinanguhan ko lang.

Naiilang akong kausap sya. Hindi ako malapit sa ibang tao kaya ganito siguro ang pakiramdam ko.

"Forever!"

Nakangiting kumakaway si Clint habang nasa kabilang parte ng stage. Ngumiti rin ako sa kanya at kumaway. Nasanay na ata ako sa prisensya ng grupo nila lalo na sa kanya.

Nagsimula na ang practice. Tinuruan kami ng mga basic step sa pagrampa pati na rin sa mga reaction ng mukha. Naiilang lalo ako kay Joshua dahil masyado syang clingy. Kapag magkatabi na kami sa stage ay masyado nyang idinidikit ang katawan nya sakin. Medyo naiinis ako pero tumahimik na lang ako.

Dumating ang oras ng lunch break. Mabilis akong nilapitan ni Clint.

"San mo gustong kumain?"-tanong nya pagkaakbay sakin. Nasasanay na rin ako sa ganito nyang gesture. I just shrugged my shoulder as an answer to his question. Wala naman kasi akong alam na kainan dito sa labas ng campus.

"Ok! Akong bahala."-sagot nya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Marami syang nakwento tungkol sa barkada. Kahit kwento lang ay ramdam ko ang saya nila.

Nakarating kami sa tapat ng tawiran. Nagulat na lang ako ng tanungin nya ako kung bakit hindi ako marunong tumawid. Sinagot ko naman sya na ayaw nila mom na mag-isa akong umalis. Lagi akong hatid sundo ni Mang Caloy kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na matuto. Kinakabahan ako sa tuwing susubukan kong tumawid.

---

Tinitigan ko ang mga pagkain na inihanda samin dito sa isang karinderya hindi kalayuan sa campus. Hindi ko kilala ang mga pagkaing nakahain kaya hindi ko alam kung dapat ko ba itong kainin.

Napansin ni Clint na nakatingin lang ako sa pagkain. A hearty chuckle escape from his mouth. Ginulo nya ang buhok ko.

"Nakakain yan."

---

Pupungay pungay ang aking mga mata habang nakaupo sa gilid ng stage. Ilang araw din akong kulang sa tulog dahil sa pagrereview and finally, prelim is over. Kasabay nun ay pagod. Pagod sa pagpapractice.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Kadalasan naman na pagkatapos ng exam ay nahihiga na ako sa aking kama at nagfb, twitter o instagram sa aking cellphone.

"Denise!"

Masayang lumalapit sa direksyon ko ang barkada ni Clint. Hobby na nila ang pagpunta dito sa gym kapag vacant nila upang suportahan daw kami ni Clint though magkalaban ang department namin. Nagtataka nga ako sa kanila kung bakit hindi nila sinusoportahan ang kanilang kandidato.

Inabot nila sakin ang kwek-kwek at black gulaman. Umupo rin sila sa sahig kung saan ako nakaupo. Tinawag nila si Clint upang makasabay sa pagkain.

Nang makumpleto ay sabay sabay kaming kumain. Hindi ko akalain na darating ang araw na matututo akong kumain ng mga pagkaing ipagbabawal sakin nila mom and dad.

May dalang gitara si kuya Hero. Nagsimula syang mag-strum habang sinusubuan ni Hazel. Nagsimula na ang intro ng kanta. Si Kennedy ang kumanta.

Pinagtitinginan kami dahil sa ingay na nagmumula sa mumunting tawanan ng aking mga kasama.

Napatingin ako kay Clint nang ipatong nya sa balikat ko ang ulo nya. His eyes are close pero nagha-hum sya.

I hope na hindi na matapos ang kasiyahang nararamdaman ko.

-

"Don't touch me!"-mahinang bulong ko.

Naiinis na dumistansya ako kay Joshua. I don't know what's gotten on his mind. Bigla bigla na lang syang yumayakap.

"Don't you get it Denise? I like you!"-saad nya at hinawakan ako sa braso.

Tinignan nya ako na tila hinuhubaran ako. Pilit kong binawi ang braso ko at tinalikuran sya.

Sa pangalawang pagkakataon, he pulled me closer. Dahil na rin sa inis ko ay naitulak ko sya.

Napapatigil sa paglalakad ang mga kapwa estudyante namin at nagtatakang napapatingin samin.

Inis nya akong hinarap. Mahigpit nyang hinigit ang braso ko.

"Ano bang problema mo, Denise? Nagpapakipot ka pa? Alam kong isa ka rin sa mga babae na gustong maikama ko-"

Hindi nya natapos ang kanyang sinasabi dahil mabilis na lumapat ang aking palad sa kanyang pisngi.

Nanginginig at halos maluha ako dahil sa galit na nararamdaman ko.

Ito pa ang isang ayaw ko sa pagiging malapit sa isang tao. Binabastos nila ang karapatan na meron ang kapwa nila.

Napadaing ako ng humigpit ang hawak nya sa braso ko. Sigurado akong papasa ito.

Rumehistro ang takot sakin ng iangat ni Joshua ang kanyang kamay at nakahandang sampalin ako. Dahil sa takot ay napapikit ako.

Nabigla ako ng isang kamay ang humigit sakin dahilan upang mabitawan ako ni Joshua.

Napasandal ako sa isang matipunong katawan. Sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang seryoso at galit na si Clint.

"Bastard!"

Mabilis akong napalingon sa narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahandusay sa sahig si Joshua at inaawat ni Hazel si kuya Hero.

Sa kabila ng takot na naramdaman ko, Clint's voice touched my heart and echoed to my brain.

"Huwag mong itulad si Denise sa mga babae mo. You don't know how precious she is. Her value is high and I'm sure that you can't afford her."

Chasing Happiness (Slow Update)Where stories live. Discover now