CH 10

19 2 0
                                    

One week na kaming nag-stay dito sa rest house nila kuya Hero.

Ito na rin ang huling araw namin dito dahil uuwi na kami mamayang hapon dahil papasok pa kami bukas.

Marami kaming nagawa sa loob ng lumipas na linggo. Nanuod ng iba't ibang genre ng movie, naglaro ng different types of mind games, nagtampisaw at nagswimming sa dagat, naggala sa downtown at kumain ng kumain. Pakiramdam ko ay tumaba ako.

Sumapit na ang oras ng pag-alis namin. Pinanuod ko lang maglambingan si kuya Hero at Hazel. Naghahabulan naman na parang mga bata sila Allison at Kennedy. Si Clint ay nakahiga sa sofa habang nagbabasa ng libro.

Wala naman kaming gamit o mga damit na dapat ayusin dahil wala naman kaming dala noong pumunta kami rito. Tanging ang uniform lang, bag at ang sarili namin ang dala namin.

"Hero ikaw ang magmaneho ha!"-saad ni Kennedy at pasalampak na sumakay sa mini van na pagmamay-ari nila kuya Hero. Sumunod sa kanya si Allison.

Kinuha ko na rin ang bag ko at nagsimulang maglakad palabas ng rest house. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng rest house ay muntik na akong matumba dahil sa katawang biglang humampas sa katawan ko at isang brasong umakbay sakin. Knowing this gesture, kahit hindi ko na tignan ay alam kong si Clint to.

"Sa wakas, uuwi na tayo!"-nag-iinat na saad ni Clint. Yeah! Uuwi na nga kami. Sigurado akong pagkauwing pagkauwi namin ay kailangan kong magpaliwanag kay mom and dad. Knowing them, hindi sila basta basta papayag sa desisyon ng iba kaya I must face the consequences of not going home for the past days.

Magkatabi sa driver seat at passenger seat si kuya Hero at Hazel. Kami naman ni Clint ang magkatabi sa ikalawang linya at nasa likod namin sila Kennedy.

Napag-alaman kong nasa dulong bahagi kami ng Quezon province at mula dito pauwi sa Laguna ay aabutin pa kami ng walong oras sa biyahe.

Paidlip-idlip ako sa biyahe at katabi ko pa rin si Clint. Nag-offer sya na magmaneho pero tumanggi pa si Kuya Hero dahil kaya pa naman daw nya.

Dalawang oras pa lang ang nakakalipas simula ng bumiyahe kami. Kanina ng masulyapan ko si Clint ay naglalaro sya sa phone nya pero ngayon ay itinigil na nya.

Naglabas sya ng earphone at ikinabit sa phone nya. Inilagay nya sa tenga ko ang isang earphone at ang isa ay sa kanya.

The song true color is now playing on his audio.

He lean his head over my shoulder and I also lean my head on his head and close my eyes.

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasama ko. Nagtatalo talo sila kung sino ang unang bababa dahil nandito na kami sa Laguna. At the end, napagpasyahang si Kennedy na ang mauunang bababa.

Bumaba si Kennedy sa tapat ng isang bungalow type of house na mayroong gate. Kumaway sya at nagpaalam samin bago pumasok sa loob ng gate.

Ilang kanto lang sa bahay ni Kennedy ay bumaba na rin si Clint. Ginulo nya muna ang buhok ko bago bumaba. Isang apartment type ang kanyang tinutuluyan.

Hindi muna sya pumasok at hinintay na makaalis ang van.
The next stop is to Allison's house. Isang two-storey house ang bumungad samin. Simple ngunit elegante. She bid her goodbye before going inside their house.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Nagpaalam ako kay kuya Hero at Hazel pero nagprisinta si kuya Hero na hihintayin nyang makita ako nila mommy bago sya umuwi.

Bumaba ng sasakyan si kuya Hero pero hindi na nya pinababa pa si Hazel. Nakatayo lang sa likod ko si kuya Hero habang naghihintay kami na may makarinig sa tunog ng door bell at lumabas ng bahay para buksan ang gate.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas ang ilaw sa first floor ng bahay at bumukas ang pinto.

Takot ang una kong naramdaman ng makita ko si mommy. Napaatras ako ng wala sa oras. Bumangga ang likod ko sa katawan ni kuya Hero. Hinawakan nya lang ang balikat ko na para bang sinasabi na huwag akong matakot.

Walang ngiting mababakas sa mukha ni mommy kaya alam kong galit sya.

Walang imik na binuksan nya ang gate. Pinagmasdan nya akong maigi, ni hindi nya tinapunan ng tingin si kuya Hero.

"Good evening tita—"-hindi manlang pinatapos magsalita ni mommy si kuya Hero.

"Umuwi ka na hijo."-maawtoridad na saad ni mommy.

Walang pagdadalawang isip na nagpaalam si kuya Hero kay mommy. I look at him with my apologetic face. Tumango lamang sya at umalis na.

Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ay agad akong pinapasok ni mommy. Nauna syang pumasok sa loob ng bahay at naiwan ako dito sa labas para isara ang gate.

I sighed. Galit talaga si mommy.

Mabilis kong isinara ang gate at agad na sumunod kay mommy. Naabutan ko syang nakaupo sa sofa ng living room.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo, Denise?"-tanong nya na hindi kababakasan ng kahit anong emosyon. "Isang linggo kang lumiban sa klase, sigurado akong marami kang na-miss na lesson at makakaapekto yun sa grado mo at baka matanggal ka sa honor list."-mahabang dagdag nya.

"Babawi naman po ako—"-she surely loves to cut everyone',s word.

Kailan ba nila maiintindihan na hindi ang mga awards o papuri ang kailangan ko?

"You should, Denise! At ayokong malaman pa na sumasama ka sa pinsan mo. Look at you, because of Hero you missed your lessond! He's a bad influence man!"-ngayon ay mahihimig mo na sa boses nya ang galit.

"But mom—"-I tried to save kuya Hero's name because I know to myself that they are not bad influence but for the second time around, mom cut me off and what she said made me stiff.

All the fear, grief and guilt I was feeling came back to my senses as fast as a lightning and I feel like it breaks my heart into pieces.

"Nagawa mo pang umalis at hindi manlang nagpakita sa burol ng iyong kaibigan? Anong klaseng kaibigan ka?"

Chasing Happiness (Slow Update)Where stories live. Discover now