CH 3

11 2 0
                                    

Sumandal ako sa bench at tinignan ang kalangitan. Ngayon lang ako napadpad sa garden ng school at masasabi ko na masarap tumambay dito habang nagpapalipas ng oras.

Hindi naman mainit dito dahil sa mga puno at isa pa, maulap.

Ipinatong ko sa pabilog na sementong lamesa ang kaninang binabasa kong libro. Malapit na ang prelim at kailangan kong magreview ng ayos.

Bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang boses ni Clint.

"Don't build walls instead build bridge so I can reach you, my forever."

Ewan ko kung anong dapat kong maramdaman pero isa lang ang sigurado ako. Natatakot ako. Natatakot ako sa existence nya.

Kung iisipin mo, simpleng tao lang sya pero iba ang dating nya sakin. It's not about romantic feelings, it is deeper than that. Deeper that nobody can see except him.

Ngayon lang ako naging problemado sa isang bagay lalo na sa isang tao. Kadalasan ay wala akong paki-alam pero sa pagkakataong ito, mahirap ang walang paki-alam.

Napapikit ako ng biglang lumabas sa kawalan ang image ni Clint na nakangiti. Bakit kahit ang simpleng kilos nya ay mahirap kalimutan?

Mabilis akong napamulat ng marinig ko ang tawanan ng isang barkadahan na tila kahit isang beses ay hindi kakabakasan ng lungkot.

Nagtagpo ang aming paningin ni Clint at mabilis syang kumaway sakin. Hindi ako nagulat sa presensya nila dahil Alam kong kahit malaki ang paaralang ito ay magkikita kami dahil sa isang university lang kami pumapasok.

Mabilis silang nakalapit sakin na ikinakunot ng noo ko. Isa-isa ko silang tinignan hanggang sa tumigil ang tingin ko kay kuya Hero.

Bahagya akong nagulat ng tanguhan nya ako. Hindi kami close ni kuya Hero kaya nakapagtataka na bumati sya. Pero baka naman kino-considerate nya na pinsan nya ako kaya kailangan nya akong batiin.

Umupo sa tabi ko si Clint at tulad sa aming una at pangalawang pagkikita, inakbayan nya ako. Hindi naman kakabakasan ng pagkagulat ang mga kasama nya. Malapad ang ngiti nila bago umupo sa kaharap kong upuan. Nanatili namang nakatayo ang isang lalaki kabilang si kuya Hero.

Nakaramdam ako ng matinding pagkailang dahil sa sobrang lapit nila sakin.

"Hi!"-bati nong babaeng maputi na kulot ang buhok. Gumanti ako ng bati na nginitian nya lang.

"Bakit lagi kang nag-iisa?"-tanong nung babaeng hanggang balikat ang buhok. "Wanna join with us?"-dagdag nyang tanong.

Hindi ako nakasagot sa kanyang mga katanungan. Hindi ko naman kailangan ng makakasama o magiging kaibigan. Ang kailangan ko lang ay maipasa ang kurso ko ayon sa gusto nila.

Nawala ang tensyong nararamdaman ko dahil sa bahagyang pagtawa ni Clint.

"Ano? Gusto mo ba?"-pag-ulit nya sa tanong. Bumuntong hininga ako.

"Pasensya na pero hindi maaari."-sagot ko. Sa kabila ng sagot ko ay hindi nawala ang kanilang mga ngiti.

I am afraid to make any decision that I can't stand for it. I hate to disappoint them.

"Pero pag-isipan mo ang alok namin ah."-may galak na saad ni Clint.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko napansin na may dala silang mga pagkain.

Sa dami nito ay nasakop ang buong mesa kaya kailangan kong kunin ang libro ko. Napatigil sila sa paglalagay ng pagkain sa Mesa at tinignan ang kinuha kong libro.

"Woah! You are really the 'walking library'!"

Napailing-iling ako at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil sa sinabi nila.

Of course I am and I will always be.

Nagsimula silang kumain at inalok ako. Pilit akong tumanggi sa kahit anong alok nila.

Itiniklop ko ang aking libro dahil alam kong hindi rin ako makakapag-concentrate sa pagbabasa dahil sa ingay ng grupo nila.

Madalas nila akong tanungin na sinasagot ko lang din naman agad. Hindi naman ako bastos Para hindi sagutin ang mga nagtatanong.

Nagkukwento rin sila ng iba't ibang karanasan nila na hindi maiwasang mapansin ko ang galak nila sa tuwing magkukuwento.

Nalaman ko rin na ang nagtanong sakin kanina ay si Hazel, ang girlfriend ni kuya Hero. Natutuwa daw sya dahil sa unang pagkakataon ay may nakilala syang pinsan ni kuya Hero. Hindi ko rin na iwasan na hindi mapatitig kay kuya Hero. Akala ko na noong una ay walang imik si kuya Hero at walang sense of humor, pero iba ang mga akala ko sa lahat ng nakikita ko ngayon. He's fund of jokes just like Clint.

Ang kaninang sinabi kong lalaki ay parang gusto kong bawiin ng malamang hindi pala purong lalaki ang isa sa barkada nila. Kennedy is a gay. A very noisy gay na laging nakadikit kay Allison, ang pinakatahimik sa kanilang grupo.

Kahit ganito sila, isa lang ang tumatak sakin. Nabuo ang barkadahan nila dahil pare-pareho silang mahilig sa music and arts. Actually, may banda sila.

"Hey girl, matanong ko lang. Narinig ko lang sa mga gossipers dyan na kasali you sa pageant."

Mabilis na nalipat ang atensyon ng lahat dahil sa tanong ni Kennedy.

"Woah! Syempre kasali si forever! Maganda to no!"

Hindi ko alam kung Ano ang nakakatawa sa sinabi ni Clint pero lahat sila ay nagtawanan.

Lumipas ang oras na wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang masasaya nilang mukha at gestures. Pinakinggan ko lang ang mga boses nila na tila hindi mapapaos kahit hindi sila tumigil sa pagtawa.

Hindi ko namalayan ang oras na kailangan ko na palang umuwi dahil sa saglit na pagka-distract ko.

Niyaya nila akong sumabay na sa kanila palabas ng campus. Hindi na ako tumanggi at hinintay silang matapos sa pag-aayos ng kanilang kalat.

Sa aming paglalakad palabas ng campus, hindi sila natigil sa tawanan. Nanguna dito si Clint at Kennedy na nagbibiruan na hahalikan ang isa't-isa.

Nang mapansin ni Clint na tahimik ako ay lumapit sya sakin at muli akong inakbayan.

"Be loud."-sabi nya habang patuloy sa paglalakad.

Pakiramdam ko. Ang bagong binitawan nyang salita ay maraming ibig sabihin. Be loud. Sigurado akong hindi pagiging  maingay ang ibig nyang sabihin.

Sa kabila ng naguguluhan kong expression, nagawa nya pang ngumiti at hinila ako palapit sa kanya habang naka-akbay sya. Isang pangungusap na naman ang binitawan nya na labis na nakapagpagulo sakin.

"Let me help you to cross the road. Don't cross it alone."

Chasing Happiness (Slow Update)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ