CH 8

16 1 0
                                    

May ngiting nakapaskil sa labi ko ng maupo ako sa assigned seat ko.

I don't know why I feel satisfied by just coming early in school. I feel refresh.

Dahil masyado akong maaga, wala pa ang mga kaklase ko kaya inilabas ko ang headset ko at inilagay sa tenga ko.

Napangiti ako ng marinig ko ang kantang superhero by the script. This song became my comfort zone for the past days and I was LLS by this.

I slightly shake my head and hum as a proof that I am enjoying the music.

Isa-isa ng dumadating ang mga kaklase ko. Habang patuloy kong pinapakinggan ang kanta ay patuloy rin akong nanunuod sa mga kaklase kong pumapasok sa silid.

Ang ilan ay naiilang na napapatitig sakin dahil sa kakaibang awra na meron ako.

Isa siguro itong himala sa kanila na makita akong nakangiti despite the fact na hindi maganda ang naging resulta ng pagsasama namin ni Joshua at hindi naman talaga ako ngumingiti.

Napatigil ako sa pagha-hum at napatitig sa pintuan ng makita kung sino ang pumasok.

It's Marco. Nakalimutan ko na sya dahil sa pagiging busy ko. Hindi tulad noong huli kaming magkita ay hindi na sya mukhang problemado at tila maayos na sya.

"Hi Denise!"-masayang saad nya bago makalagpas sakin.

Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan. "Marco..."-halos pabulong na tawag ko sa kanya.

Bago pa man sya tuluyang makalapit sa kanyang upuan ay humarap na sya sakin. Isang tunay na ngiti ang ipinakita nya sakin na parang walang nangyari. Pero ano nga bang nangyari?

Bumuka ang bibig ni Marco pero walang lumabas na salita dahil biglang dumating ang aming prof. Muli akong nginitian ni Marco.

'Later...'-he mouthed.

Wala akong nagawa kundi ang umupo at humarap sa aming prof.

Maraming tanong sa isipan ko na kailangan ng sagot at tanging si Marco lang ang makakasagot. I badly need to know what's going on.

"Class, I need you to group yourselves into two for your project. In this project, you need to interview people who used drugs before and some criminals who murdered people accidentally. You are going to make a documentary and will present it in front of your fellow students. That will  be your final grade, no more exam."

Nang papiliin na kami ng aming makakapareha  ay hindi na ako nagsayang ng oras. Agad kong nilapitan si Marco.

"Partner tayo."-saad ko ng makalapit sa kanya. Hindi sya tumanggi.

Nang tumayo ang katabi nya upang humanap ng kapartner ay agad akong umupo sa tabi nya.

"I need to know what happened to you."-mahinang saad ko kay Marco.

Muli syang ngumiti na tila masayang masaya sya.

Pinisil nya ang dalawa kong pisngi at inilapit ang mukha sa mukha ko.

"Uyy! Concern si miss little perfect!"-natatawa tawa nyang saad.

Tinapik tapik ko ang kamay nyang nakapisil sa pisngi ko dahil masakit na ang pisngi ko. Inalis nya naman.

"What happened?"-I asked again. I demand answers to my questions. "Yung chat mo nung nakaraan, what does it mean?"-I added.

Tumawa sya ng sobrang lakas dahilan upang mapatingin samin ang aming mga kaklase. Naguguluhan man sila ay hindi na lang nila pinansin si Marco.

Chasing Happiness (Slow Update)Onde histórias criam vida. Descubra agora