CH 4

14 2 0
                                    

"Denise!"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Marco.

Nangunot ang noo ko ng makita ang itsura nya. Pawis na pawis sya na tila wala pang tulog dahil namamaga ang eyebag nya.

"Anong nangyari sayo, Marco?"-tanong ko.

Lumingon lingon sya sa paligid na tila may tinatakasan bago umupo sa tabi ko.

"Can I ask a favor? Just this once, Denise."

Hindi ko mawari kung bakit tila kinakabahan sya. Hindi rin mapakali ang kanyang mga mata at patuloy ang pagtingin sa paligid at paulit-ulit nyang pinapatunog ang sapatos nya sa pamamagitan ng mabagal at mahinang pagtutok sa tiles.

"May problema ka ba?"-muli kong pagtatanong.

Kinuha nya ang dalawa kong kamay at tinignan nya ako sa aking mga mata. Puno ng takot ang kanyang mga mata.

Awa. Yan ang una kong naramdaman Para sa kanya.

Ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganito. Kung tatanggapin ko naman siguro ang pabor na hinihinga nya ay matutulungan ko sya kahit sa simpleng paraan lang.

"Sige. Ano yun?"

Ngumiti sya at may kinuha sa bulsa. Lumingon lingon muna sya sa paligid bago inilagay sa kamay ko ang bagay na kinuha nya sa bulsa nya.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan kung Ano man yun dahil mabilis na isinarado ni Marco ang kamay ko.

"Please keep it. Importante to and please don't tell anyone that I gave this to you. Keep it as a secret."

Pagkasabing-sabing nya ng mga salitang yon ay mabilis syang umalis. Naiwan akong nakatingin sa bulto nyang papalayo.

Nang tuluyan syang mawala sa paningin ko ay binalingan ko naman ang kamay kong hanggang ngayon ay nakasarado.

Hindi ko magawang buksan ang kamay ko dahil hindi ko Alam kung handa ba ako sa magiging resulta ng pagtanggap ko sa bagay na ito.

Lumipas ang ilang minuto. Bumuntong hininga muna ako nagpasyang buksan ang aking kamay.

Sa pagbukas ko ng aking kamay, alam kong may malaking pagbabagong magaganap dahil sa bagay na ito.

Dalawang flash drives. Isang pula at isang asul. May tatlong micro SD cards ang nakalagay sa mini transparent box.

Alam ko ang functions ng mga bagay na ibinigay nya sakin at alam ko rin na maaaring importante ang mga lamang nito. The only question left in my mind was 'Why did he give these things to me?'

Nagpasya akong ilagay ito sa bulsa ko at tumingin tingin sa paligid. Tulad ng pakiusap ni Marco, ayokong may ibang makakita na ibinigay nya ito sakin. Kahit Ano pa mang lamang nito ay magiging sikreto.

I have my words and I need to keep it.

---

May pagtataka sa aking mukha ng makita ko ang garahe namin. Nandito na ang sasakyan nila mom and dad. Maaga ata silang nakauwi?

Dumeretso ako sa loob ng bahay. Naabutan kong may binabasa si mom na mga document while dad is busy talking with his phone.

Si mom na lang ang nagawa kong batiin dahil busy si dad. Bumati lang din si mom na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

Bumuntong hininga na lang akong bago tuluyang pumunta sa aking kwarto. Nahiga ako sa aking kama na hindi pa nagpapalit ng damit. Bakit nararamdaman kong napapagod ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan?

I fished my phone from my institute skirt and open my facebook account. Before I browse I checked the list of people who sent friend request to me.

Karamihan dito ay hindi ko kilala kaya I didn't accept them. Natigil ang tingin ko sa isang friend request.

It's Clint. I immediately click the confirm button. I click his profile picture.

Ang profile nya ay silang tatlo nila Kennedy at kuya Hero while his cover photo is the whole barkada.

I browse his timeline. Walang masyadong post maliban sa mga picture ng buong barkada na si Kennedy at Hazel ang nagpost and tagged the others.

Nabaling ang atensyon ko sa chat head na lumabas. It's Marco. I immediately click it. Nabitawan ko ang cellphone ko at nakaramdam ng takot dahil sa nabasa ko. Napaupo ako at ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay bago muling kuhain ang cellphone ko at basahin ang chat ni Marco.

'The day will come that everyone will be in a deep thinking when they see my cold corpse. When that day comes, please promise me Denise that no matter what happen, keep the flash drives and memory cards that will open the truth to everyone.'

---

Panibagong araw sa eskwelahan. Si Marco agad ang hinanap ng aking mga mata. Pinuntahan ko na ang lahat ng lugar na maaaring puntahan ni Marco pero hindi ko sya matagpuan. Kahit sa classroom ay wala sya. Hindi ako ignorante para hindi bigyan ng pansin ang message ni Marco. Isa man yung biro, well hindi nakakatuwa.

Nang mapagod sa kakahanap ay nagpasya na lang ako na maupo sa isang bench. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Where the hell is he? Nasaan na ba si Marco?

Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya. Natatakot ako na may mangyaring masama dahil ako lamang ang nakakaalam ng nangyayari.

Pero ano nga ba ang totoo? Ano nga ba ang nangyayari? Sana isa lang itong biro.

Bumuntong hininga ako. Isa lang ang naiisip kong paraan para malaman ko ang totoo. I need to open the files in the flash drives and micro SD card.

Chasing Happiness (Slow Update)Where stories live. Discover now