Chapter 2

10.5K 144 3
                                    

Chapter 2

“So, how was your first day?” tanong sa kanya ni Dylan. Nagdi-dinner sila ngayon sa paborito nilang restaurant. Napagkasunduan nilang hindi sila sabay na lalabas ng ospital so no one will suspect na magkakilala sila bukod sa pagiging mag- colleague. Kaya nagkita na lang sila doon.

“Okay naman, I met Annie, 'yung kasama ko kanina. She's great, we have grown pretty close na, considering this is our first day of work, And I met almost all other doctors and nurses,” masayang kwento niya dito.

“That's great,” nakangiting sabi nito sa kanya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang dinner at nagpalitan din sila ng kwento ng mga nangyari sa kanila sa buong maghapon sa ospital. Nang matapos ay nagyaya na siyang umuwi na sila dahil maaga pa bukas ang duty nilang dalawa.

Dahil pareho silang may dalang sasakyan ay nagkasundo na lang sila na mag-convoy, sinusundan siya ng kotse ni Dylan hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay niya. Bago tuluyan ipasok ni Andy sa kanilang garahe ang kanyang sasakyan ay bumaba muna siya at pinuntahan si Dylan na nakatayo na rin sa labas ng kotse nito.

“Hey,” she said, nang saktong nasa harapan niya ito ay kinabig siya nito at hinalikan siya sa labi.

She closes her eyes savoring Dylan's kiss. It wasn't a cliché kiss, the way writers describes in romance books, but its sweet, soft and pleasant, just the way she want it. So she cling her hands on his neck and respond to his kisses.

A few moment pass, she reluctantly pulled away to his kiss.

“Hey, baka makita tayo ng parents ko dito.” she said and giggled.

He puts his hands on his nape and look at her with a sly smile on his swollen lips, alam niyang ganun din ang itsura ng mga labi niya, she smiled on that thought.

“Bakit kasi hindi mo pa ko hayaan na makilala ang parents mo? I don't want them to feel that I don't respect you, that's why we're meeting secretly behind their back. I want to meet them, and thank them personally for bringing me the most beautiful and amazing woman I have ever met.” he puts his hands on her left cheek.

Nag-init ang mukha niya sa sinabing iyon ni Dylan. At alam niyang namumula na rin iyon. “One day.” pangako niya dito.

Hindi pa din niya alam kung paano sasabihin kay Dylan kung sino talaga ang kanyang mga magulang. Nang makilala at naging kaibigan niya si Dylan noon naging vocal ito sa pagsasabi na hindi ito kumportable sa paligid ng mayayamang tao. At kung paanong naloko daw ang Lolo nito noong araw ng isang mayamang tao, kung saan nawalan ng kabuhayan ang buong pamilya ng kanyang Lolo. Kaya daw maagang nagtrabaho ang Papa ni Dylan at hindi na nakapagtapos ng pag-aaral, pero dahil sa pagsisikap ng mga ito ay naka-ahon din ang mga ito sa hirap. Hindi man ito kasing yaman nila ay nakakaangat pa rin naman ang mga ito sa buhay.

Natatandaan niya pa ang pag-uusap nila ng araw na iyon kung saan hindi niya sinasadyang magsinungaling dito sa tunay sa estado nila sa buhay. Katatapos lang nitong ikwento ang nangyari sa pamilya nito kaya hindi niya alam ang gagawin at kung paano mag-re-react ng tanungin siya nito.

When I look at you (Completed)Where stories live. Discover now