Rent

133K 3.5K 118
                                    




ANTHONY


"Are you stupid?!"

I let out a sigh. Nagsisisi na ako kung bakit umuwi pa ako ng Pilipinas.

Hindi alam ng babaeng kausap ko sa phone ang kasagutan sa mga tanong ko at naiinis na talaga ako.

"Did you lose your tongue? Why aren't you answering?"

"M-Mr. Mark Anthony, sir, we are trying our best to...to find you what you need."

I can hear the woman's voice was shaking. Dapat nga siyang matakot. I'm not happy with their services.

"I don't understand. I am not asking for the moon. I just want a personal assistant. A good personal assistant."

I paused when I noticed that I'm starting to raise my voice. I hate losing my temper. Bakit ba ang dali-dali kong magalit?

Muli akong naghintay ng sagot mula sa kabilang linya pero nanatiling tahimik ang babae.

"What the hell? Did you hang up on me?"

"N-no, sir. I'm still here. I...I am still looking for the right person for you."

I closed my eyes and took a deep breath.

"This is gonna be your last chance, you hear me? Or else I'll find another agency."

I wanted to make sure that the woman gets my point. I was told that their agency was one of the best in the country.

"Y-yes, sir. I'm so sorry, sir. Sorry po tala..."

I ended the call without listening to whatever she wanted to say.

The woman can call me rude. Wala akong pakialam. Hindi ko naman ginagawa ito sa New York. The people there are easy to deal with. Dapat na siguro akong umuwi.

Ang sabi ni Faye ay magiging masaya ako dito. I wish she'd be here so I can tell it to her face that I'm not having fun.


ABIGAIL


"Ano ba kayo? Wala na ba kayong ibang gagawin kundi pag-awayan si Elijah?"

Napayuko sina Cecilia at Allen. Kanina ko pa narinig na pinag-aawayan ng mga ito si Elijah.

"At sa lahat pa ng pag-aagawan ninyo si Elijah pa? Ikaw Cecilia, hindi mo ba alam na may girlfriend 'yun sa 12th floor?"

Sabay na napatingin sa akin ang dalawa. Kapwa sila nagulat sa narinig.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Cecilia. Hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Narinig ko kay Dianne. Receptionist daw sa 12th floor ang girlfriend no'n. Kaya tumigil na kayo. At isa pa, maghanap naman kayo ng matinong lalaking pag-aagawan. Huwag yung katulad ni Elijah. Gusto 'nyo bang magka-STD?"

"Hala. Ba't parang bitter ka, Abbie? Pinaasa ka ba ni Elijah?" natatawang tanong ni Allen.

"Bitter ka diyan! Hitsura kong ito, papatulan ni Elijah? Bumalik na nga kayo sa pagtatrabaho."

Mabilis namang nagsibalikan sa kanilang desk ang dalawa.

"Ironic talaga, ano?"

Napalingon ako kay Cecilia. Magkalapit kasi ang desk naming dalawa. Sa likuran ko naman ay ang desk ni Allen.

"Ironic?"

"Ang galing-galing nating magbigay ng mga love advice sa mga readers natin pero heto tayo, zero ang lovelife."

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon