Lady Gaga

121K 3.1K 97
                                    

ANTHONY





Napanaginipan ko si Abbie kagabi.

She has been in my mind ever since I met her. She has done something to me that I can't explain. Something that no one has ever done to me.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero gusto ko siyang makita araw-araw. Gusto kong makita ang maganda niyang mukha at ang kanyang mga ngiti. Gusto ko siyang makasama.

Ngayon magaling na ang paa ko, sigurado akong aalis na siya ng apartment. . I can try and give her a ridiculous reason to stay but I am not sure if she will stay.

Lumabas ako ng kwarto. Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko ang boses niya. She's singing something I can't really understand.

I finally understood what she was singing when I saw her in the kitchen.

"Somethin'...somethin... about this place..."

Medyo wala siya sa tono pero alam kong kumakanta siya ng kanta ni Lady Gaga. Napangiti ako. So, she likes Lady Gaga. Hindi ko naman kasi alam kung anong mga ayaw at gusto niya.

Nasa harap siya ng stove. May hawak pa siyang sandok habang kumanta. Her hips were slowly swaying as she was singing emotionally. Hindi pa rin nito alam na pinagmamasdan ko siya.

I just stood there and smiled.

"Somethin', 'bout lonely nights and my lipstick on your face..."

Napatawa ako. Mukha itong bata sa suot na napakalaking t-shirt.

"You...you and I, you, you and I..."

She was clearly out of tune but she sounds so adorable. Ano kaya ang niluluto nito.

"We got a whole lot of money but we still pay rent..."

Kumuha ito ng malaking pinggan.

"Cause you can't buy a house in heaven..."

She was swaying her hips again and I smiled. I should've brought my cell phone with me so I could record her.

"There's only three men that Imma serve my whole life..."

Dahan-dahang humarap si Abbie. Nakatingin ito sa hawak-hawak na plato.

"It's my daddy and Nebraska and..."

She lifted her head at nakita ako. Agad silang napatigil sa pagkanta.

"Jesus Christ...?" I finished the song for her while laughing.

Nilapag niya ang pinggan sa mesa at tinanggal ang earphones mula sa kanyang teynga.

"How long have you been standing there?" tanong nito. Tila nahihiya habang nakatingin sa akin.

"Long enough to watch your sexy dance moves." I teased.

She shot me a sharp look and my heart leaped. Maganda pa rin ito kahit na galit.

"I don't dance," she said not looking at me. She was setting up the table. Halatang iniiwasan ako.

"Yes, you did."

"No, I didn't," she answered.

"Somethin', somethin' about my cool Nebraska guy..." Ginaya ko pati ang pagsayaw nito kanina.

Ang akala ko ay magagalit ito but she laughed.

"I didn't do that. That's...that's disgusting," ang sabi nito habang nakangiti.

Can I just freeze the time? Can I stay in this moment with her?

"So, you like singing?" I asked.

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon