Epilogue

133K 4.1K 227
                                    




"Should I sign this for you or is this for someone else?" Nakangiti si Abbie habang tinatanong ang isang babaeng teenager.

"I bought two. That's for me. This one is for my sister," ang sagot nito.

"What's your name?" tanong ni Abbie.

"Carrie. My sister's name is Beverly."

Abbie signed the books and then handed them back to the girl.

"Thanks for buying my book, Carrie," aniya at ngumiti.

"I love your books." The girl giggled. "And I love you and Tony Silver. You look so good together."

Hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Abbie. She loves interacting with her fans.

"Is it okay to ask for a selfie with you?" tanong ng batang babae.

"Of course! I love selfies!" sagot naman ni Abbie. Tumayo si Abbie at bahagyang lumapit sa batang babae.

"Thank you so much," sabi nito pagkatapos kumuha ng picture.

"Thanks, Carrie. Bye," ang sagot ni Abbie sa papalayong fan.

Bago pirmahan ang libro ng nakasunod na fan ay bahagyang sinilip ni Abbie ang pila ng mga naghihintay.

Napabuntunghininga siya. Hindi siya makapaniwala sa haba ng pila.

This is her third book signing in New York. She just released her second book a month after Tony and his band finished their tour.

Magdadalawang buwan na siya sa New York kasama si Tony. Hindi maiwasan ni Abbie na mag-alala sa boyfriend.

Tony has been different lately. He seemed cold and awkward towards her. Napansin niya ang pagiging iba nito a week ago nang mag house hunting sila. Tony wanted to buy a house for both of them. Ang sabi nito, since magsasama na sila, it would be better if they buy a house.

Makalipas ang ilang araw na house hung hunting ay may nakita silang isang 4 bedroom house na gustong gusto ni Abbie. Tony didn't seem to like it. Ang akala ni Abbie ay titingin pa ulit sila ng ibang bahay pero naging abala si Tony. After that, hindi na sila masayadong nagkikita. Palagi itong may excuse kapag niyaya niyang lumabas.

She called him before the book signing pero hindi siya sinagot nito. She sent him a text message pero wala rin siyang natanggap na reply.

Hindi siya sanay na ganoon si Tony. Sa loob ng isa't kalahating taon nilang relasyon ay ngayon lang naging iba si Tony sa kanya. He has been a perfect boyfriend to her until recently.

Abbie continued with the book signing event. Naisip niya na kakausapin niya si Tony mamaya. Nag-aalala siya sa mga nangyayari sa kanila but now she needs to focus on her fans.

"Is this for you or for someone else?" tanong ni Abbie bago pirmahan ang libro na nasa kanyang harapan.

"What's your name?" tanong niya habang nakatingin sa libro. Handa na siyang pirmahan ang libro. Nang wala siyang narinig na sagot ay nag-angat siya ng tingin.

Nakita niya si Jacob na nakapila. Kasama nito si Michael na may dalang gitara at si Noah na may dalang tambourine. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Hi guys! What's going on?" tanong niya. Iniisip niya kung anong ginagawa ng mga ito doon. She thought they were busy.

Gusto niya sanang itanong kung nasaan si Tony but Michael started strumming his guitar. And then Jacob started to sing.

"Forever can never be long enough for me, feel like I've had long enough with you..."

Nanlaki ang mga mata ni Abbie sa narinig. Pagkatapos ay kumunot ang noo nito. She has no idea what's going on but she kept calm and tried to smile at them.

"Forget the world now we won't let them see but there's one thing left to do..."

Napansin ni Abbie na nakapalibot na sa kanila ang kanina ay nakapila niyang fans. She looked confused habang nakatingin kay Jacob na kumakanta.

"Now that the weight has lifted love has surely shifted my way..."

Then Tony came out of the crowd and walked towards her. Nakayuko ito at tila kinakabahan. He wasn't even looking at her.

Lalong kinabahan si Abbie.

"Marry me, today and every day..." Jacob continued to sing and the crowd went wild. Nagtitilian sa kilig ang mga naroroon.

Abbie was still looking at Tony habang naglalakad ito papalapit sa kanya.

Nang nasa harapan na niya ito ay hindi makahinga si Abbie sa kaba. He's holding something in his right hand. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Abbie. She thinks she knows what he's up to kaya't lalo siyang kinabahan.

"Mary me, if I ever get the nerve to say hello in this cafe. Say you will..." Naririnig pa rin niyang kanta ni Jacob.

"Tony?" mahinang tanong ni Abbie.

Tony stared at her. Seryosong seryoso ang mukha nito. He looked nervous and uneasy. Then he did something that made the women in that room envy her.

She just looked at him in shock as Tony went down on his knee.

"Abbie...you're all that I want. You're everything that I need..."

Hindi makagalaw si Abbie just sat there. Hindi pa rin siya makapaniwala habang nakatinign kay Tony.

"Will you marry me?" Tony finally asked. Nakatitig siya kay Abbie. Hawak nito ang isang diamond ring.

Abbie covered her mouth with her hands in disbelief. Hindi siya makapaniwala sa narinig at nakikita niya.

"Abbie...I need your answer..." Tony asked her nang hindi siya sumagot.

"Y-yes..." naiiyak niyang sagot.

Tony finally smiled and placed the diamond ring on her finger. Napatayo si Abbie at niyakap siya ng mahigpit ni Tony.

Nagsipalakpakan naman ang naroroon. Habang si Jacob ay kumakanta pa rin.

"Akala ko...Ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong ni Abbie, tears falling on her cheeks.

"I wanted to surprise you. I was so nervous," sagot ni Tony as he wiped the tears off her face.

"Sinorpresa mo nga ako," nakangiting sagot ni Abbie. She's elated with happiness. Pinangarap niya ang araw na ito but she didn't expect it would be this day.

"My surprise doesn't end here," he said with a naughty smile on his face.

"What?" gulat na tanong ni Abbie.

"Binili ko na 'yong bahay na gusto mo."

"I thought you didn't like it..." nalilitong tanong ni Abbie.

"I love it. I had to pretend that I didn't like it to surprise you," sagot nito habang tumatawa. He looked so happy.

" Alam mo bang tinakot mo ako?"

"I have something else to tell you."

"Today is my lucky day, huh?" she said and laughed.

"We'll get married in six weeks. Tinawagan ko na si Sam at sabi niya siya na ang mag-aasikaso sa lahat. After your book signing, I need you to pack your bags. We're going back to the Philippines tomorrow."

Hindi nakasagot si Abbie. Kaya pala napaka-abala nito.

"You've been very busy, huh?"

"Yes, I have."

Tony leaned closer and kissed Abbie passionately. Napapikit si Abbie as she kissed him back.

Jacob continued singing as everyone cheered while looking at Abbie and Tony.

"...say you will. Mmm. Say you will...Marry me..."

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon