Luggage

76.8K 1.9K 23
                                    




ABIGAIL





Umiyak ako nang umiyak sa comfort room bago umuwi.

Parang sasabog ang puso ko sa sakit at galit. Inakala ko na wala na akong nararamdaman para kay Mark. Paano nagawa ni Mark sa akin ito? Sa lahat ng tao si Stephanie pa.

Nang marating ako sa apartment ay hindi ako kaagad pumasok. Nanginginig ang mga kamay ko. I prayed hard for courage na harapin si Stephanie.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong nakaupo sa sofa si Grace na abala sa pagte-text. Napatayo ito nang makita ako. Hindi ko na kailangang itanong pa kay Grace kung alam na nito ang tungkol kay Mark at Stephanie. It was displayed all over her face.

"Kailan mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Last week when you came home late," nakayukong sagot nito.

Kaya pala balisa ito nung dumating ako nang gabing iyon.

"Paano mo nalaman?"

"Nakita ko silang dalawa sa baba. Sinusundo ni Mark si Stephanie."

Parang dinudurog ang puso ko sa aking narinig. How can he do this to me?

Bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas ang bagong ligong si Stephanie. She was happily humming a song.

Lalapitan ko na sana ito nang hinawakan ni Grace ang kamay ko.

"Hi, guys!" nakangiting bati ni Stephanie habang papalapit sa amin.

"Ang kapal ng mukha mo!" galit kong sigaw kay Stephanie habang pinipigilan ako ni Grace.

"Abbie, calm down," ang sabi ni Grace. Nakahawak ito sa aking balikat.

Nagtaas ng kilay si Stephanie.

"So, alam mo na pala," mataray na wika nito.

Siya pa ang nagtataray?

"Paano mo nagawa ito, Stephanie?"

"Hindi mo ako masisisi, Abbie. Marami kang pagkukulang kay Mark at alam kong alam mo 'yun."

Tama ba ang narinig ko? Ako pa ang nagkulang?

"Anong pinagsasabi mo? Kailan ba naging kayo ni Mark?"

"Six months ago. There's no need for me to lie kasi alam mo na ang totoo."

Umikot ang paningin ko sa narinig. Does that mean...?

"Yes, Mark cheated on you. Kasalanan mo rin kasi hindi mo kayang ibigay ang lahat ng kailangan ni Mark. You won't even have sex with him."

Napayuko ako sa narinig. Akala ko naintindihan ako ni Mark. Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handang ibigay sa kanya ang sarili ko. Ang sabi niya okay lang.

"How could you do this, Stephanie?" galit na tanong ni Grace sa pinsan.

"At ako pa ngayon ang may kasalanan? Bakit hindi mo sisihin 'yang si Abbie? Mark deserves to be loved and cared for. Ibinigay ko lang naman ang kailangan niya."

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong umiyak sa harapan ni Stephanie.

"To be honest, matagal na naming gustong sabihin sa'yo ang totoo. He even gave you clues pero napakamanhid mo. At saka bakit ka ba magagalit sa akin? May bago ka namang boyfriend na guwapo at mayaman, di ba? Siguraduhin mo lang na ibibigay mo sa kanya ang lahat at nang hindi siya maagaw sa'yo ng iba," she said and smiled. Para itong kontrabida sa isang palabas.

Bagong boyfriend? Si Tony ba ang tinutukoy nito?

"Wala akong bagong boyfriend."

"Si Tony? Hindi mo ba siya boyfriend? Ikinuwento ko nga siya kay Mark, eh. And he was happy for you. At least may pumatol pa sa'yo."

"Stephanie!"

"Napakawalanghiya mo talaga!" Sasabunutan ko sana si Stephanie ngunit mahigpit na nakahawak sa akin si Grace. "Bitiwan mo nga ako, Grace."

"Abbie, just calm down. Baka ano pang mangyari sa'yo," sagot nito habang pinipigilan ako.

"Umalis ka dito! Lumayas ka!" I shouted at Stephanie.

"Paalisin mo ako dito? Ako?" natatawang sagot nito na lalong ikinagalit ko. "Ang kapal naman ng mukha mo para paalisin ako dito."

Ano bang pinagsasabi nito?

"Hindi mo alam? Grace ikuwento mo nga sa kanya ang totoo."

"Grace?" nalilito kong tanong kay Grace.

Hindi ito sumagot. She was looking at me with her face full of guilt.

"Binayaran ko lang naman ang rent dito sa apartment. Dapat ikaw ang umalis at hindi ako." At pinagtaasan ako ng kilay ni Stephanie. "Ang taas kasi ng pride mo, Abbie. Puwede ka naman sanang humingi ng pera sa mga kapatid mo. Di ba kapatid mo ang sikat na si Nicky Javier? At yung chef na nakapangasawa ng anak nung dating Presidente? You could have asked them for help."

Hindi ako humingi ng tulong sa mga kapatid ko dahil gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Marami nang naitulong sa akin ang mga kapatid ko. At meron naman talaga akong pera ngunit dahil sa katangahan ay ipinahiram ko lang sa walang hiyang si Mark.

Itinulak ko papalayo si Grace. I've had enough.

"Abbie, I'm sorry," mahinang sabi ni Grace.

I can't blame her. Ginawa niya lang naman ang sa tingin niya ay tama.

"You're right, Stephanie. Kung may aalis man sa apartment na ito, dapat ako 'yon."

Hindi ko na pinakinggan pa si Grace. I went past Stephanie and straight to my room. I locked the door and started packing my things.

Aalis ako. I can't stand living in this place na kasama ang isang ahas.


ANTHONY


It was almost midnight when I left the bar. No matter how many shots of vodka I drink, hindi ko pa rin makalimutan si Abbie. Alam kong umiiyak siya kanina.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba masyado akong concerned kay Abbie?

I searched for my keys when I reached home. I reached inside the front pockets of my jeans and then on the back pockets.

Shit!

I checked the pockets of my leather jacket. Hindi ko mahanap. I might have left them in the bar. O baka nakalimutan kong dalhin.

Son of a....!

I wanted to punch the door but I reached for the doorknob and shook it so hard.

And then the strangest thing happened. The door opened.

Nakalimutan ko bang i-lock ito?

I slowly walked inside. Nakabukas na ang mga ilaw. I swear I turned them off before I left.

I looked around the living room and noticed two big luggage bags near the couch. They were color red. Sigurado akong hindi sa akin ang mga 'yon.

Mabilis akong lumapit sa mga luggage bags. I walked closer to the couch and my heart leaped with excitement.

Si Abbie. Nakahiga sa sofa. She's sleeping like a baby.

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon