Chandelier

124K 3.4K 85
                                    

ABIGAIL


"Sigurado ka na talaga?"

Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ni Grace.

"Oo, siguradong-sigurado," determinado kong sagot. At isa pa wala akong choice. I need the money. Titiisin ko na lang ang lalaking 'yon.

"Ano nga palang pangalan no'ng client ninyo?" tanong ko kay Grace. Curious din ako. Marami akong gustong itanong.

"Mark Anthony."

"Mark Anthony...?"

"Mark Anthony," kumunot ang noo ni Grace nang marinig niyang inulit ko lang ang sinabi niya.

"Anong last name?"

"Hindi ko alam. Basta 'yon lang ang nakalagay sa file," sagot nito.

"Hindi naman siguro si Mark Anthony na ex ni Jennifer Lopez, no?"

Umiling si Grace pagkatapos ay kumunot ang noo nito.

"Hindi ako sure. Siguro. Ewan!" nalilitong sagot nito.

"Ba't hindi ka sure?" Nalilito na rin tuloy ako.

"Musician daw kasi. Hindi ba't nasa music industry si Mark Anthony na ex ni Jennifer Lopez?"

Natawa ako sa sagot ni Grace.

"Hindi naman siguro. Di ba sabi mo American 'yong client ninyo. Puerto Rican naman yung Mark Anthony ni Jennifer Lopez."

"American nga! Walang modong American." Muli na namang nagalit si Grace.

"So, ano pa bang dapat kong malaman?" tanong ko.

"Ang nasa file namin at according na rin sa mga previous PAs, mahilig daw ito sa sweets."

"Anong klaseng sweets?"

"Desserts. Cake, milkshake at kung ano-ano pang matatamis."

Siguro'y may diabetes na itong Mark Anthony na ito sa hilig nito sa matatamis.

"Okay. Ano pa?"

"Natutulog siya during the day at gising buong gabi. At ayaw na ayaw niyang kinukunan siya ng pictures. "

I'm curious kung bakit ayaw magpakuha ng picture ang client ni Grace pero hindi ko na itinanong. Alam ko rin kasi na hindi alam ni Grace ang sagot.

"Buti na lang tulog siya buong araw kasi magtatrabaho pa ako sa magazine," I answered with high hopes. At least tulog siya habang nagtatrabaho ako.

"Mabuti na lang at nakatira siya malapit sa office building ninyo"

"Talaga?" Napangiti ako.

"Oo. Just two blocks away from your office."

"You don't mean the Avalon Luxury Apartments?"

Ang Avalon ang isa sa pinakamamahalin at high-end na apartment building sa area. Mga sikat at mayayaman lang ang nakatira sa lugar na 'yon.

"Mismo," sagot ni Grace.

"Mayaman pala itong client ninyo."

"Mayaman nga wala namang modo. Tatanungin kita ulit, Abbie. Sigurado ka na talaga?"

"Sigurado na ako, Grace."

I owe her the money at wala na akong ibang maisip na paraan. I also want to be busy para makalimutan ko na si Mark.

Naiinis ako sa pangalang 'yon! Tapos heto pa. Mark Anthony pa ang pangalan ng magiging boss ko.

"Kailan ko nga pala makukuha ang sweldo ko? Hindi ba ako puwedeng mag-advance?" tanong ko kay Grace. Para naman may maipambayad kami sa rent.

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon