Girlfriend

132K 4.1K 303
                                    

ABIGAIL


I spent the days after Christmas hiding in my room.

Mas lalo akong naging miserable pagkatapos kong makita si Tony sa Christmas dinner ni Sam.

Cecilia is the biggest fan of Crush. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa tattoo ni Tony. Iniisip ko pa rin kung ipinatanggala na nga ba ni Tony ang kanyang tattoo. Tinulungan ako ni Cecilia na maghanap ng bagong picture ni Tony para makita kung wala na nga ba ang kanyang tattoo but we were unsuccessful.

Naisip kong ganito na lang ba ako palagi. Will I stalk him for the rest of my life?

Ang sabi ni Cecilia kailangan ko raw kausapin si Tony to settle everything. I should ask him if he still wants to be with me. Kung ayaw niya, at least man lang makapag-move on ako.

At first, I was hesitant. Ako naman ang babae, di ba? Bakit ako ang maghahabol? Hindi ba't dapat ako ang hinahabol? Kung mahal niya ako dapat siya ang makipag-usap sa akin.

"Ano ka ba naman, Abbie? Ano bang masama kung ikaw ang gumawa ng paraan? Ang sabi pa nga ni Paulo Coelho, 'Don't allow your mind to tell what your heart what to do. The mind gives up easily.' Kaya kung mahal mo, sabihin mo. Kung ayaw talaga sa'yo, saka ka na sumuko. Ikaw din naman ang manghihinayang sa huli. Better an oops than a what if. Masakit sa puso 'yang mga what if na 'yan"

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Cecilia ang mga payong binibigay niya sa akin pero tama nga naman siya.

Naisip ko na nakakahiya pero I can't spend the rest of my life like this.





ANTHONY


The concert was a big success. The band had a blast.

Manila is the first city on our world tour. Pagkatapos ng Manila ay pupunta kami ng Tokyo and the rest of Asia.

Nakipag-meet and greet kami sa mga fans namin after the concert. We took photos with them, signed autographs, did a quick interview and then we were off to the tour bus.

Idea ni Pierre na tour bus ang gamitin to transport us from concert venue to the hotel. Sa dami ng crew at entourage namin ay hindi kami magkakasya sa limousine.

Pagod na pagod ako after sa concert. Gusto ko nang pumunta sa hotel at matulog. Alam ko naman na magpa-party pa sina Jacob, Michael at Noah pero parang ubos na ang energy ko.

Papunta na kami sa bus when Jacob started teasing me about the girls in the concert. Tumatawa lang sina Michael at Noah.

Mga ilang metro na kami mula sa tour bus nang may sinabi si Jacob.

"Isn't that Abbie?"

Hindi ako naniwala sa sinabi niya. I thought he was teasing me again. Ilang beses niya akong pinagsabihan na kausapin si Abbie bago kami umalis ng Pilipinas.

I saw her standing near the tour bus. My heart jumped.

"Are you gonna go talk to her?" Noah asked.

Anong ginagawa niya rito?

"Why me?" seryoso kong tanong. Pinagtawanan naman ako ng tatlo.

"I would like to talk to her but she doesn't know me," Noah said while laughing.

"Go for it, man!" Jacob teased.

Pumasok na silang tatlo sa loob ng tour bus habang nilapitan ko si Abbie.


ABIGAIL


Bakit kaya sila tumatawa?

Pinagtatawanan kaya nila ako? Baka hindi magandang idea ang plano kong ito.

Falling For the Rockstar (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon