Introduction

1.1K 32 1
                                    

Introduction

"I don't know why that man seemed to hate me to death, Ivan," wika ko sa aking best friend habang nakatingin sa kinatatayuan ng isang partikular na lalaki.

Adrien Lei Machonimo o mas kilala sa campus bilang Drei, siya na 'ata ang pinaka-trending topic sa school araw-araw dahil bukod sa talinong tinataglay nito kahit hindi naman pumapasok at nakikinig sa guro nang madalas, ay kinakikiligan rin ng halos lahat ng babae sa campus ang pagiging "cool" niya.

Well I'm not one of those girly gals na halos mamilipit na ang mga panty sa kilig sa tuwing daraanan sila ni Drei. Because aside from the fact na hindi ako attracted sa kahit na anong katangian ng binatang anak nina Tita Andrea at Tito Dom, ay hindi ko rin trip ang kahit na anong romantic relationship. I didn't have any boyfriend for the past seventeen years of my life.

Wala rin akong naging crush bukod sa karakter na binabasa kong manga series. My type of guy is impossible, they say. Ang tipo ko kasing lalaki, na ang tanging best friend ko lang na si Ivan at ang girlfriend nitong si Chynna ang nakakaalam, ay isang misteryosong nilalang, may bughaw na mga mata at magaling sa pakikipaglaban sa mga masasamang loob.

Exactly like Juno, the character I've been reading for the past seven years of my life. Sampung taong gulang palang ako ay binabasa ko na ang seryeng iyon sa manga, kaya nga siguro naakit akong mag-aral ng mga martial arts at iba pang laro at gawaing panlalaki ay dahil na rin kay Juno. Para sa akin ay ito ang aking virtual boyfriend.

Ngunit dahil nga malihim ako pagdating sa lovelife ko ay ako lang rin ang nakakaalam ng relasyon namin ni Juno. Baliw na 'ata ako ngunit mahilig talaga ako sa tagpong inililigtas ng lalaki ang mahal nitong babae na siyang madalas gawin ng karakter ni Juno.

"Oy Hevin, natulala ka na naman d'yan nagdedate na naman siguro kayo ng Juno mo sa panaginip, ano?"

Inirapan ko si Ivan, "Yung totoo? Best friend ba talaga kita? Wala ka man lang kasupport-support sa akin!" kunwa ay inis kong sabi sa kanya.

Sasagot pa sana siya nang bigla nalang tumunog ang cellphone niya, agad niya itong sinagot, "Hello? Yes baby, papunta na po ako. Oo, oo sige ibibili kita ng napkin with wings. Opo 'will be there, right away baby. Bye labyu!"

Tinawanan ko ang kaibigan ko, "Inaantay ka na ng boss mo. Sige na, okay lang ako dito."

"Okay, sorry Bogs ah," apologetic ang tingin niya.

Sanay na naman ako, sa loob ng anim na buwan nilang magkarelasyon ng girlfriend niyang si Chynna walang oras na hindi siya sumunod sa gusto ng nobya.

"Ge na, layas na! Baka masigawan ka na naman ng kumander mo," ani ko pa.

And in a minute ay parang si Flash na ang kaibigan kong naglaho sa harapan ko. Napailing na lang ako. One best example kung bakit ayaw kong pumasok sa isang seryosong relasyon ay ayokong mawala sa akin ang pagiging malaya ko. I love my freedom and will forever treasure it.

Umuwi ako sa bahay na hapong-hapo, kagagaling ko lang kasi sa practice ng game naming softball, sa susunod na buwan na ang tournament kaya naman sagaran na ang ginagawang ensayo ng aming coach sa amin.

"Hevin, ginabi ka naman ng uwi!" bungad ni Mommy sa akin pagkakita palang sa akin sa sala. Nanunuod siya ng paborito niyang teleserye sa TV.

"Ate miss kita!" napangiti ako sa kapatid kong si Hendrix, anim na taong gulang pa lamang ito ngunit bibong bibo na at super lambing pa.

"Miss ka rin ni ate, Hen!" binuhat ko ito at pinugpog ng halik.

"Hihihi! Baho mo ate!"

Napatigil ako. Isa sa mga katangiang namana ng batang ito ay ang pagkakaroon ng matabil na dila, tulad ni Mommy Helen. Natawa ako at ibinaba siya. Inamoy ko ang aking sarili, hindi naman mali ang aking kapatid, "Oo nga, baho ko na."

"Oh tapos maliligo ka na agad. Kagagaling mo lang ng practice, pagod na pagod ka pa."

Napangiti ako sa aking ina, kahit naman istrikta siya ay alam kong para rin sa akin ang mga paghihigpit niya. Unica hija kasi nila ako at alam ko namang pinoprotektahan lang nila ako ni Papa. And speaking of Papa, "Mom, where's Papa?"

"Naku, nandun sa Tito Dom mo, may pag-uusapan daw silang business matter. Mukhang may itatayo ulit silang negosyo."

My father and his friend, Tito Dom had been business partners for almost five years. And luckily, success naman ang dalawang businesses nila na naipundar. One is car dealing business and the other one is a restaurant which is connected to my Papa's company.

Naulinigan kong tumunog ang doorbell, bubuksan ko sana iyon nang unahan ako ni Mommy sa pagtungo sa pinto. Nabungaran niya ang masasayang mukha ni Papa, Tito Dom at ang anak nitong si Drei na as usual ay blangko lamang ang ekspresyon.

"Oh Dom, Drei pasok kayo," si Mommy sabay halik sa pisngi ni Papa. "Love sana nagtext ka na papunta kayo para naipaghanda ko sana kayo ng hapunan."

"No need, Love dumaan na kami sa resto. May pagmi-meetingan lang kami sa library nitong si Dom. Ito namang si Drei ay ipasama mo muna sa anak nating si Hevin, tutal ay magkaklase naman ang dalawa para hindi rin siya mainip dito sa bahay."

"Sure..sure—"

"Mom!" pigil ko kay mommy.

Pinandilatan niya naman ako ng mata, "Maligo ka na, samahan mo itong si Drei sa kwarto mo mamaya. Gumawa kayo ng assignments niyo. Magpaturo ka para hindi ka nangangamote sa school, simula nang nahilig ka sa mga panlalaking gawain ay bumaba na ang mga grado mo sa eskwela," sermon nito sa akin sabay baling sa binata, "Drei, sweety pwede mo bang turuan ang Hevin namin sa math? Mahina siya doon eh. Muntik nang mag-tres 'yan sa Trigo."

Ngumisi lang ang mayabang na binata, paniguradong wala na namang magiging tugon ito kay Mommy. Yun palagi ang tema niya. Ngisi at tingin lang in a cold way, kahit kaninong tao ay wala 'ata siyang balak magsayang ng laway.

"Sure, Tita."

Hindi lang ako, kundi pati na rin si Mommy ay nagulat sa tinuran niya. Anong nakain ng lalaking ito at ginanahan 'atang magsalita?"

Humarap sa akin si Mommy, "Maligo ka na at mag-study na kayo nitong si Drei sa taas."

Hindi na ako nakatugon pa dahil tinulak na ako paakyat ni Mommy.

Nagulat ako nang pagkalabas ko ng banyo ay prenteng nakaupo na si Drei sa kama ko, mabuti na lamang at nakapagbihis na ako sa loob ng banyo.

"What are you doing here?"

Ngunit imbes na sagutin ako ng damuho ay kinuha niya lang ang isang libro sa gilid ng kama ko at binasa.

"Manga series ko 'yan!"

Pagkasabi ko noon ay bigla na lamang niyang inihagis iyon pabalik sa kama.

"Damn! Don't you dare throw my Juno!" inis kong sabi saka kinuha ang ika-143rd series ng paborito kong manga.

Narinig ko siyang tumawa nang pagak, "Your Juno?"

I looked at him, tila nang-aasar ang kanyang ngiti.

"Yes, my Juno," pinamewangan ko siya. "Anong problema mo dun?"

He shrugs his shoulder, "Nothing. Naisip ko lang, kaya ka siguro nangangamote sa grades mo dahil sa fantasy mo sa isang manga character."

"So what? Pwede ba, umalis ka nalang sa kwarto ko," inis kong tugon.

Ang ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ang mga hilig ko sa buhay.

"You know, just a piece of advice..." seryoso pang turan nito. "Don't live in any fantasy... we must live in reality so we don't get hurt in the end."

Sinabayan pa niya ng ngisi ang sinabi. Hindi ko man nagets ay tinuro ko nalang ang pinto, "Can you just leave? I wanna take a rest, maaga pa ang practice bukas."

Hindi na siya tumugon pa at nagkibit balikat na lamang habang ang parehong kamay ay nasa magkabilang bulsa.

Pinakatitigan ko ang malapad niyang likuran, at nang tuluyan na siyang makalabas ng aking kwarto ay naibato ko ang unan sa pintuan sa sobrang inis na aking nararamdaman.

That man never fails to ruin my day.

Titibo-tibo #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon