Chapter 2

500 25 2
                                    

Chapter 2

Kasabay ng tunog ng dambana ng simbahan ay ang lakas ng pagtibok ng aking puso. Sa bawat tunog ng musika, ay siya ring walang tigil ng tunog ng bulong ng takot sa utak ko.
Sa bawat hakbang na aking tinatahak ay siya ring nginig ng aking mga tuhod na tila gusto nitong tumakbo palayo sa lalaking sa akin lamang nakatutok ang mga mata.

Pinilit kong iiwas ang aking tingin sa kanya, at sa aking paglingon sa buong paligid, halos lahat sila ay masayang masaya at maaliwalas ang mga mukha. Iisa lamang talaga ang nangingibabaw na madilim na awra. Mukhang gustong-gusto na ‘ata akong pilipitin sa leeg.

Hindi ko namalayang tuloy-tuloy na pala ang pag-agos ng aking mga luha. Pinilit koi tong itago, ngunit ang mga mata ko na ang kusang sumuko. Umiiyak na nga ako, ngunit hindi dahil sa sobrang saya tulad ng nararamdaman ng isang tipikal na kinakasal, kundi dahil sa takot at pangamba. Mga tanong na hindi kayang sagutin ng aking isipan ang aking kahahantungan sa kasal na ito?

“Relax, baby...” rinig ko pang bulong sa akin ni Mommy na nasa kaliwa ko.
Nilingon ko siya at pilit na ngiti ang lumabas sa aking mukha. Hindi ko maiwasang hindi lingunin ang lalaking nasa kanan ko. Pasimple siyang nagpupunas ng kanyang luha.

“Pa, umiiyak ka?” tanong ko sa kanya.
Gulat naman siyang napatingin sa akin.

“Ha? Hindi anak, napuwing lang ang Papa.”
Natawa ako sa palusot niya. Pilit man niyang itanggi ay kitang-kita sa mukha niya na hindi pa siya handang ipamigay ang kamay ng unica hija niya.

“Okay lang po ako, Papa. I respect your decision and don’t worry, hindi po ako mawawala sa inyo kahit na magkakaroon na ako ng asawa,” paninigurado ko sa kanya.

Tumigil kami sa gitna ng altar. Hinarap ako ni Papa at saka niyakap, “I love you my princess. Thank you for understanding Papa. Basta lagi mo lang tatandaan na hindi naman kami gagawa ng desisyon ng Mommy mo na makakasama sa iyo.”

Tumango nalang ako kahit na may konting pagdududa ako sa huling sinabi niya.
Maya-maya pa ay humiwalay na sa akin si Papa at hinarap ang aking mapapangasawa.
“Drei, alam ko mga bata pa kayo. We also know na salungat ka sa desisyon naming ito ng Papa mo. However, kahit na kalabisan na hilingin ito sayo, I just want you to promise me that you will take good care of my princess.”

“I promise, Tito,” sagot niya na alam kong pilit lamang.

Nagsimula na ang sermon ng pari. Ngunit si Drei ay tila walang pakialam sa kahit na anong sabihin nito. Kanina pa panay ang paghikab niya at tila walang gana sa lahat ng kaganapan.

Hanggang sa oras na ng pagpapalitan ng I do’s.

“Do you, Adrien Lei Machonimo, take Hevin Lopez, to be your lawfully wedded wife for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do you part?”

“I don’t,” mahina ngunit mabilis na sagot ni Drei.

Hindi ko alam kung bakit, hindi ko dapat na maramdaman ito. Expected ko na rin ito, honestly. Pero nasaktan ako sa narinig kong sinabi niya.

“Do you, Hevin Lopez, take Adrien Lei Machonimo, to be your lawfully wedded husband for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do you part?” tanong naman sa akin ni Father na tila hindi narinig ang tugon ni Drei kanina.
Lumingon ako kina Mommy at Papa, pati na rin sa buong paligid, lahat sila’y nakatawa pa rin. Napangiti ako nang mapakla, tila sa akin lang talaga sinadyang iparinig ng damuhong ito ang sagot niya.

“Hevin?” pukaw muli sa akin ni Father.
Napaharap akong muli ng tingin, naghihintay ang mababasa mo sa kanyang mukha. Kaya naman napabuntong-hininga nalang ako bago tuluyang sumagot, “I do.”

I looked at Drei, at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ngunit tila nakita ko siyang napangisi. I shook my head.

“Oh alam kong mga bata pa kayo, pero sana gawin niyong seryoso itong pagpapalitan nyo ng mga pangako,” ika ni Father nang dalhin na sa amin ang mga singsing na sina Mommy Helen at Tita Andrea ang pumili.

Si Drei ang pinag-umpisa ni Father sa pagsusuot ng singsing sa akin, binasa niya ang papel sa unahan at nagsalita nang hindi man lang tumitingin sa akin, “Wear this ring as the sign of my love and fidelity. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen.”

Then, it’s my turn. I looked at him, straight in his eyes. His stare is blank but cold. I smiled at him genuinely. For the sake of our parents’ friendship, “Wear this ring as the sign of my love and fidelity. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen.”

Ngumiti si Father matapos naming magpalitan ng singsing, “I now pronounce you man and wife.”

Palakpakan ang buong paligid sa anunsyo ni Father. Lahat ay masaya, maliban lang ‘ata sa amin ni Drei na parehong nagdurusa sa pilit na kasal na ito.

“You may now kiss the bride.”
Hindi ko alam kung bakit tila ngayon ko lang gusto magwala sa lahat ng mga nangyayaring ito. Kung noong una ay kinikimkim ko lang lahat ang nararamdaman kong sakit sa aking dibdib, ngayon tila gusto na nitong sumabog, Tila gusto kong sisihin at kwestiyonin ang parents ko sa desisyon nilang ito.

Bakit? Paano?

Bakit nila nagawa sa akin ito?

Paano nila natiis na danasin ito ng kaisa-isa nilang anak na babae?

Did they even— natigil ako sa mga katanungan sa aking isipan. Tila tumigil rin sa pag-inog ang aking mundo. Kumabog nang malakas ang aking puso.

I looked at the man who made this happen to me. He looked so calm, na tila walang ginawang krimen sa akin. He even made a cool smile, or was it just one of my imaginations again?

“What the hell did you just do?” wala sa sarili kong tanong.

Lumapit siya sa akin, yung amoy na namin ang hininga ng bawat isa. In all fairness naman sa lalaking ito, kahit na bilang lang ang mga salitang sasabihin, ay hindi nawawala ang bango at mint ng hininga niya. Wala sa sariling napapikit ako.

“Did you even think that I’m gonna do it twice?”

Kusa akong napadilat sa mapang-uyam na tono niya. Napaangat nang kusa ang kilay ko, “Did you just steal my first kiss?”

Gustong-gusto ko na siyang sapakin, nagngingitngit na kasi ang kalooban ko dito samantalang siya ay cool na cool lang at tila hindi nagiguilty sa ginawa niya.

“We’ve made a promise to each other,” gitil na bulong ko sa kanya.

“Promise mo sa akin, walang kiss na mangyayari, Drei.”

Pangarap ko pa naman na ibigay ang first kiss ko at lahat ng iba ko pang “first” sa lalaking mamahalin ko nang tunay at mamahalin rin ako pabalik. Hindi sa kanya na ‘ni hindi ko nga matignan nang diretso sa mga mata dahil sa talim at lamig ng mga titig niya.

He just ruined my dream!

“And did I even say yes to your stupid deal?” he asked back to me sarcastically.

“Kahit na, alam mo namang—”

“I just did what I’ve been told. Just like you, para lang matawag na ulirang anak sunod-sunuran ka sa parents mo kahit pa ang kapalit nito ay ang future mo. Same with my future...” mapait na sabi niya.

Napanganga ako.

Tama siya. Sa sobrang pagmamahal ko sa parents ko, sa takot ko na maghiwalay silang muli, ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko susuwayin ang kahit na anumang ipag-utos nila sa akin.

Sa sobrang pagpapantasya kong bumuo ng isang perpekto at masayang pamilya, ‘ni minsan ay hindi ko sinuway ay kagustuhan nina Mommy at Papa.

Pero, tama si Drei, hindi lang future ko kundi pati na rin future niya ang nakasalalay dito, at hindi ko man lang nagawang ipaglaban ang kalayaan namin ni Drei dito.

“Nagsisisi ka na ba? Nagsisisi ka na bang maging masunuring anak, Hevin? I told you, I’m gonna make your life ruined. I’m gonna make sure that you’ll regret this fucking decision.”

Titibo-tibo #Wattys2017Where stories live. Discover now