Chapter 1

711 29 2
                                    

Chapter 1

"Hevin! Bakit wala ka na naman sa focus?" tanong ni coach sa akin nang sumablay ako sa pagpipitch ng bola.

"Sorry, coach. My mistake."

"Hay naku, ayusin mo last na 'yan kundi pagpapahingahin muna kita sa next tournament natin."

Doon na ako nataranta at tumingin nang may pag-aalangan kay coach, "No, coach. Magfofocus na po ako."

"Okay."

Hindi ko malaman kung bakit tila nawawala ako sa focus ng game ngayon. Samantalang kumpleto naman ako ng tulog kagabi at nakakain naman ako ng breakfast kaninang umaga.

"Haay, stop thinking too much, Hevin. Just focus on the game."

Buhat doo'y ipinako ko na ang paningin ko sa unahan at nagready sa pagbato ng bola. Ngunit nang nasa pwersa na ako ng pagbato ay biglang may pumukaw ng paningin ko sa malayo.

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukote ko at sa kanila ko naibato ang bola.

"Ouch!" malanding sigaw ng babae sabay hawak sa mukha niyang natamaan ko.

"Patay..." bulong ko sabay simpleng tingin kay coach na pulang-pula na ang mukha sa galit na nakatingin rin sa akin.

"You okay?" rinig kong tanong ng lalaki sa babaeng kasama.

Muli akong napalingon sa kanila at ewan ko kung bakit parang may kirot akong naramdaman sa aking dibdib nang makitang hawak-hawak ni Drei ang mukha ng magandang babaeng kasama niya. Sa pagkakaalam ko ay Denise ang pangalan ng babaeng yun. Bagong transferee ng school. Isang linggo ko na rin silang nakikitang madalas na magkasama. Dahil dito ay nabawasan na rin ang pagbabangayan namin ng binata dahil busy ito sa pakikipaglampungan kay Denise. I don't know why but somehow I miss all of his naggings and cold attention to me.

Baliw na 'ata ako upang mamiss ang pagsusungit sa akin ng lalaking iyon.

"Sorry..." ang tanging nasabi ko nang tuluyan akong makalapit sa akin.

Masama naman ang tingin sa akin ng babae habang umiiyak. Sa isip-isip ko ay over acting naman ang isang ito. Dahil lamang sa maliit na bola ay naghahagulgol ito ng iyak.

"You!" sigaw nito sabay duro sa akin.

"Who do you think you're throwing your ball into?!" galit na turan nito.

"Sorry na nga, diba?" inis ko ring sagot sa kanya. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung dinuduro-duro ako. Kahit parents ko ay hindi ako dinuro sa tanang-buhay ko.

"How dare you!" aniya at akmang sasampalin ako. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang kamay niya at inunahan ko siya ng sampal.

"How dare you, too!"

"What?!" naulinigan ko ang sigaw na iyon ni Drei. Napatingin ako sa kanya, pati na rin sa barbie niyang kasama, umiiyak pa rin ito at nakasubsob lang sa dibdib ng binata.

Napakunot-noo ako, don't tell me...

"Nananaginip ka ba ng gising, Hevin?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.

Sht. Panaginip lang pala! Bakit ba ang hilig kong managinip nang gising?!

Pinagpalit-palit ko ang tingin sa kanila. Tahimik lang ang babae at walang kibong umiiyak pa rin sa dibdib ni Drei. Napakuyom ako ng kamao. Anong iniiyak-iyak ng anghel-anghelan na ito?

"Nasaktan ka ba?" hindi ko na napigilang tanong.

"Isn't it obvious?" si Drei na ang sumagot para sa babae.

Titibo-tibo #Wattys2017Where stories live. Discover now