Chapter 5

391 22 1
                                    

"Ano na, bes? Bakit nakatulala ka na naman d'yan?" tanong sa akin ng Ivan habang nasa bus na kami pauwi.


Pero sa tingin ko, ni wala na akong enerhiya upang sagutin ang tanong niya kaya naman isinalpak ko nalang ang earphones ko sa aking tenga at saka sumandal sa headrest ng upuan.


Nakita ko pa ang iritableng pagkamot sa ulo ng cute kong bestfriend bago sumandal na rin sa girlfriend niya.

Napangisi ako.


***

"I will never let you get hurt, Hevin..." malamig ang kanyang tinig, ngunit kabaligtaran naman ang haplos ng kanyang mga kamay sa akin. 

They're warm, warm as if telling me that I'm all right, secured and safe.


Hindi pa rin ako makapagsalita, 'ni walang bakas na tinig ang gustong lumabas sa aking bibig. Para bang natuyuan ako ng laway sa lalamunan. 

Hindi ko pa mawari kung ano ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Tila ito kumakalampag at gustong kumawala sa dibdib ko. 

And then, what's worse is that he is now slowly leaning towards me. He is looking straightly into my eyes and give me that  warm look in his eyes. 

Napangiti ako. Tila ba isa itong panaginip lang. This is actually my first time to see that kind of look in his eyes. 

Palapit nang palapit. Amoy na amoy ko ang amoy mentol fresh na kanyang paghinga.  Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapapikit na lamang nang mariin. At hinintay, nang hindi malaman ang dahilan, ang paglalapat ng aming mga labi.

But to my disappointment...

"Disappointment talaga?" hindi ko namalayang nakarating na pala ang bus na sinasakyan namin sa school kung saan ang stop point nito. 

Tapos na ang camping. Tapos na ang kasiyahan. At sa tingin ko tapos na din ang mga pantasya ko sa mga nangyari doon. Tuluyan ko na lamang sigurong ibabaon ito sa limot.

Hindi ko alam kung bakit parang may malaking barang sumuksok sa aking puso. Tila hindi ako makahinga sa isiping iyon.

"Bes okay ka lang?" nasa harapan ko pa pala ang kaibigan kong si Ivan.

At pagtingin ko sa paligid ay kami na lamang dalawa ang nasa bus. Lahat ng mga kapwa ko estudyante ay nagsibabaan na.


"Okay ka lang ba? Naengkanto ka ba dun, bes? Sabihin mo sakin para mapaalbularyo na agad kit--aray!" 

Isang malakas na suntok ang binigay ko sa makulit kong bestfriend. Kahit pagod at magulo ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang matawa sa mga kalokohan niya.

Then I just felt his hand patted my head, "Yan good tumawa ka din."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Isang sinserong ngiti at tingin ang ibinigay niya sa akin. "Buong biyahe ka kasing parang wala sa sarili mo. I know may nangyari sayo dun na hindi ko alam. And I also know na hindi ka pa handang sabihin sakin iyon, so for now, halika na't umuwi na tayo. We also need to take a rest, bes."


Tumango ako. Buong puso akong nagpapasalamat na may isang Ivan na dumating sa buhay ko noon upang iparamdam sakin na hindi ako kakaiba. Na karapat-dapat din pala akong kaibiganin. Siya ang nagbigay sakin ng rason noon na gawin ang mga ginagawa na mga normal na tao.

Titibo-tibo #Wattys2017Where stories live. Discover now