Chapter 6

499 22 18
                                    


"What are you doing in my fiancee's room this late at night?"

Gulantang kami pareho ni Ivan nang makita kung kanino galing ang cold na pananalitang iyon.


"Drei? What are you doing here?" halos sabay pa naming tanong ng best friend ko.

Napangising tila naiinis naman ang lalaki sa hindi malamang dahilan. At imbes na sagutin ang tanong namin ay nilampasan niya lang si Ivan at dumiretso sa akin.

May kung ano siyang ibinato sa higaan ko. Isang box na tila sapatos ang laman. Kinuha ko iyon at tinignan ang loob. Hindi nga ako nagkakamali. Sapatos nga iyon na kulay puti at tila nasa 2 inches ang haba ng takong.

Taka akong napaangat ng tingin sa kanya, "Ano to?"

"Isn't it obvious?"

Napangiwi ako, "Oo alam kong sapatos ito. Pero para saan? Bakit mo ko binilhan nito?"

"Hindi ako bumili niyan. It's Mama Andrea, who bought that. So don't think any other things."

Umismid ako, "Okay."

Inaasahan kong aalis na siya pagkasabi ko noon ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo sa may beranda ng pinto. Nakacross-arms siya at nakatingin sa amin pareho ni Ivan.

"What are you still doing here?" tanong ni Ivan sa kanya.

Ngunit imbes na sagutin siya nito ay tinignan lang siya nito mula ulo hanggang paa, then sabay tingin sa akin. Alam ko ang ibig sabihin niya doon. Gusto niyang paalisin ko na si Ivan.

Kaya naman tumikhim ako at tumingin sa best friend ko, "Ivan I'm sorry, I think we need to talk. Pwede mo na ba kaming iwan?"

Ngumiti ang best friend ko at tumango, "Of course. But if there'll be any problem, don't hesitate to call me. Okay?"

Ngunit bago pa man ako makasagot at sumabat na si Drei, "There'll be no any problem."

Nagkibit balikat nalang ang kaibigan ko at kumaway na ng paalam sa akin.

Pagkaalis ni Ivan ay binalingan ko si Drei, "Anong problema mo? Bakit rude ka sa best friend ko at isa pa para saan ba 'tong sapatos sa binigay mo?"

"I told you, si Mama Andrea ang nagbigay n'yan. So don't misunderstand it. Kaya ako nagpunta to give you a warning."

"Warning na naman?" inis kong turan sa kanya. "Ilang beses mo na ba akong binigyan ng warning. Hindi ko na 'ata mabilang. Sa buong buhay ko kasi puro pagsusungit at puro babala lang ang napapala ko sayo."

Hindi ako sigurado, pero tila nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi kong iyon. Tila nagulat siya ngunit saglit lang din at nabawi niya rin ang ekspresyon niya.

"It's not the warning that you're thinking, Hev."

Ako naman ang nagulat nang tawagin niya ako sa palayaw ko. Ilang taon na din simula nang huli niya akong tawagin sa palayaw na "Hev" na siya lang din ang nagbigay.


Flashback...

Isang batang lalaki ang pinakilala sa akin nina Mommy at Papa. Excited silang ipakilala ito sa akin dahil ayon sa kanila ay matatalik daw silang magkakaibigan at napakadami daw nilang napagdaanan na magkakasama.

Nakangiti yung bata sa akin. Kaya naman walang pagdadalawang-isip na nginitian ko din siya. Adrien Lei ang kanyang tunay na pangalan at Drei ang tawag sa kanya ng kanyang mga magulang. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay Lei ang gusto kong itawag sa kanya.

Titibo-tibo #Wattys2017Where stories live. Discover now