Chapter 4

465 23 3
                                    


"What the hell was that, Drei?!" inis kong puna kay Drei after Naz walked out from the scene.

But instead of answering me, he just continues walking as if not hearing anything I said.

"Hoy Drei ano ba? Sagutin mo nga ko!" pilit ko pa ring tanong sa kanya habang sinusundan ang kanyang malalaking hakbang.

Hanggang ngayon ay nalilito pa rin kasi ako. Iniisip at gulong-gulo sa kung anumang dahilan ng ginawa niyang eksena. I am pretty sure that I would be dead when this news spread to our school. Ngayon pa nga lang ay tampulan na ko ng iba't ibang malisyosong mga mata.

And when I'm about to finally reach his arm, he turned around that caused us to bump into each other. I don't know why but it feels so strange when I'm this close to him. Is it natural to feel this way when you're too close to your enemy?


I have never had an enemy before except from this jerk that's why I am not really sure with this kind of weird feelings.


Ang lakas lang ng tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kung kinakabahan, natatakot o...


"Will you fantasize me the whole day?"

Gusto ko siyang sapakin sa kayabangan niya!

"B-bakit mo kasi ginawa yun?! It'll will start another misunderstanding between you and me!"

Nakatingin lang siya sa akin gamit ang kanyang natural na emosyon--or should I say, wala talaga siyang emosyon. He looks like a living robot or even just a robot himself.

"Sagutin mo nalang ako nang matapos na tayo dito!" sigaw ko na mukhang wrong move na naman 'ata dahil halos lahat ng atensyon ng mga nasa paligid ay nasa amin na.

Kitang-kita ko ang malokong saglit na ngiti sa kanyang mga labi. Is he mocking me now?!

"Bakit naman kita sasagutin?" he leans towards me as if he's about to whisper something, "When first of all, you're not even my type."

Gulat. Inis. Galit. Galit na galit ako.

Lumapit siya para bumulong ngunit rinig na rinig ng mga nasa paligid ang kasuklam-suklam na sinabi niya. Gusto ko siyang sapakin, sipain at bugbugin sa kayabangan niya. Ngunit paano ko nga naman magagawa yun kung walk out na naman ang peg niya?!


***

"Bes, kamusta? Balita ko may eksena na naman daw kayo ni Drei kanina?"

As usual, itong bestfriend kong si Ivan ang nangungunang kumumpirma ng tsismis sa akin.

Ngunit masyado pa ring kumukulo ang dugo ko upang sagutin o tapunan man lang siya ng tingin. Naramdaman ko ang pag-akbay niya at pagtapik sa balikat ko.

"Okay lang 'yan, Bes," he said sincerely. Then he leans and whispers to me, "Hindi ka na nasanay."

"Ah! Bes naman!" sigaw ko sabay alis ng kamay niya sa balikat ko, "Isa ka pa eh!"

Sinabayan niya lang ng tawa ang nakakainis niyang pang-aasar. Kahit kailan talaga hindi ko malaman kung kaibigan ko ba talaga itong tukmol na ito o mortal ko rin siyang kaaway.


Pero hindi naman ako nakakaramdam sa kanya ng katulad na nararamdaman ko sa Drei na yun. So I guess, kaibigan ko talaga ang isang ito. Sadya nga lang hilig niya akong asarin dahil hindi niya maasar ang pikon niyang girlfriend.

Titibo-tibo #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon