Chapter 3

569 31 7
                                    

Chapter 3

Few months before the wedding...

"Hevin, wake up na baby. Mahuhuli ka na sa retreat niyo."

I wake up from my dream hearing my mom's sweet voice.

"Mom, hindi po ako sasama dun," nakapikit ko pang ungot.

"Hay naku, baby. Hindi pwedeng hindi ka sumama dun at sinabi ng prof niyo na kasama sa grades niyo yun. Pambawi man lang sa mga nangamote mong grades kakapractice ng softball."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Here we go again. Sisisihin na naman ni Mommy ang hilig ko sa sports at panlalaking activities kung bakit bumababa ang grades ko. Kung alam lang nila...

"Oh siya, bumangon ka na d'yan at pinagluto na kita ng breakfast mo."

Wala na kong nagawa pa kundi sundin nalang ang utos ni Mommy. Hindi rin naman siya titigil hangga't hindi ko siya sinusunod.

"Hevin, saan ba ang camping niyo 'nak?" tanong sa akin ni Papa while we're taking our breakfast.

"We'll go hiking at Mt. Mag-asawang Bato daw po then after that we're gonna have tent pitching at Masasa Beach," tamad kong sagot.

"Wow! Mukhang masaya 'yan ah. Hindi ba, Love?" masayang tanong naman ni Papa nang lumingon kay Mommy na katabi niyang kumain.

"Oo naman, Love. Nakikita ko sa Facebook na maganda daw talaga doon sa Mt. Mag-asawang Bato."

"Oo nga eh. Pati pala bato may forever na," then biglang inusod ni Papa ang upuan papalapit kay Mommy sabay akbay dito.

"Parang tayo, may forever."

"Mommy what's forever po?" inosenteng tanong naman ng kapatid kong si Hendrix.

Nabigla tuloy si Mommy at nasiko si Papa, "Ouch!"

"Ay sorry, Love. Ikaw kasi eh, napakacheesy mo! Naririnig na ng mga anak natin oh."

"Okay lang 'yan, Love. Para naman makita nila kung paano bumuo ng forever," biro pa rin ni Papa sabay dikit na naman kay Mommy.

"Ewan ko sa inyo Mommy, Papa, 'di ko kayo intindi," ika ni Hendrix sabay kamot sa ulo.

Natatawa nalang ako at napapailing.

Masaya at kuntento na ako sa ganitong pamilya. Wala na kong mahihiling pa kundi sana...

"Hevin, nandyan na ang school bus niyo," si Mommy nang maulinigan ang pagbusina ng aming school bus.

Napangiti at saka tumayo't niligpit na ang aking pinagkainan. Nag-toothbrush na ako, nagsapatos, kinuha ang mga gamit ko at saka humalik sa kanilang tatlo.

Ngunit nang makalapit ako kay Papa ay napansin kong tila nawiwirduhan ang tingin niya sa akin.

"Anak, hindi ka man lang ba mag-aayos kahit lipstick man lang?"

"Papa naman!" alam niya namang ayaw na ayaw kong naglalagay ng make-up eh.

"I know, I know," ika niya na tila nabasa ang nasa isip ko. "I'm just kidding baby girl. Oh siya, humayo ka na at mag-iingat ka dun ah."

"Yes Pa," then I looked at Mommy, "Bye, Mom!"

"Bye ate!"

Masaya kong nilingon ang kapatid ko, "Bye, baby!"

Palabas na ko ng gate nang marinig ko ang tawag ni Papa.

"Po?"

Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan, "Huwag na huwag kang papahawak sa mga lalaki ah! Pinabantayan kita kay Drei!"

Titibo-tibo #Wattys2017Where stories live. Discover now