Chapter Six

63.4K 1K 22
                                    

"Tinsley! I will count from one to two! Kapag wala ka pa sa kusina, makakatikim ka na naman sa akin!"

Napabalikwas ako ng bangon sa kawayang upuan sa kubo nang marinig ang malakas na sigaw ng aking asawa sa loob ng aming bahay. Napabuntong-hininga ako.

And so my nightmare continues.

Kahit paika-ika ay mabilis akong naglakad papasok ng bahay. Masama kasi ang pakiramdam ko dulot ng pagkabasa sa ulan kagabi. Pagkabukas ma pagkabukas ko ng pintuan ay ang mukha kaagad ni Tyler ang nabungaran ko. Nanginig ako sa takot dahil sa klase ng titig niya sa akin.

"Do you know what time is it? Malelate na naman ako sa trabaho!"

Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. The way he stare, nakakapanindig balahibo. Pinanatili kong alerto ang sarili. Pakiramdam ko kasi ay bigla na lamang niya akong susungaban.

"I'm sorry, Tyler. I will cook now."
Kabadong sagot ko bago ko siya nakayukong nilagpasan.

Kaagad kong inumpisahan ang pagluluto. Naalala kong nagalit siya noong ham ang inihanda ko noong nakaraan kaya naman ay nagpasiya akong instant noodles na lang iluto. May hangover din siya buhat kagabi kaya mas mabuti na ito. Baka rin may matira, magtatabi ako ng sa akin.

"Tyler, handa na ang pagkain!"
Tawag ko sa kanya. Nasa sala kasi siya at nanonood ng morning news. That's better, he'll only make me uncomfortable if he stayed.

Mabilis siyang naglakad patungo sa kusina. Nakahanda na ang lahat ng kakailanganin niya kaya naman ay wala na akong aalahanin. Nakahanda na rin sa tabi ng noodles ang kaniyang mainit na kape. The way he likes it.

"Sa taas muna ako Tyler. Magbibihis lang ako."
Paalam ko sa kaniya.

Hindi kasi ako puwedeng basta na lamang umalis. Baka may iutos siya bigla. Gusto ko na ring magbihis dahil natuyo ang tubig ulan sa aking katawan. Baka tuluyan na akong magkasakit. Ilang segundo ang lumipas at wala akong narinig na kasagutan. Maya-maya pa ay iritado siyang lumingon sa akin.

"Ano pang ginagawa mo riyan?"
Angil niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"S-sorry."

Ewan ko ba kung bakit iyon ang katagang unang lumabas sa aking bibig. I'm just too afraid that he'll hurt me, I guess.

Pagpasok sa kuwarto ay kaagad akong naligo. I cannot afford to be sick. Dagdag pasakit lamang iyon sa akin. My husband will still force me to work. Hindi ko na kakayanin kapag ganun.

Pagkatapos ng ilang minuto sa banyo ay nagpasiya na akong magbihis. Hindi ko maiwasang titigan ang aking katawan nang mapadaan ako sa full length mirror. Tinitigan ko ng mabuti ang aking mukha.

I look pity full.

My healthy fit body is gone. Parang buto't balat na lamang ako. Hindi na kasi ako nakakain ng tama. Gusto kong bumili ng makakain na puwede kong itago sa loob ng kuwarto ngunit hindi naman ako binibigyan ng pera ni Tyler. I wanted to visit my parents pero bawal din akong lumabas. I wanted to contact them ngunit magtataka lang sila kung bakit pa ako hihingi ng allowance eh mas mayaman pa ang napangasawa ko kaysa sa kanila. And if Tyler learned about it, kawawa na naman ako.

Ang mga mata kong dati ay punong-puno ng sigla, wala na. I grew up with a positive mindset in life. Kaya noong nalaman ko na ikakasal kaming dalawa ay hindi ako masyadong nag-alala. He will eventually learn to love me. Magiging masaya ang pagsasama namin. Hindi niya ako magagawang saktan. Ngunit nagkamali ako, he's a monster capable of switching faces. He fooled everyone in our wedding, including me.

Hinaplos ko ang pasa sa gilid ng aking labi. Masakit parin iyon kahit naghihilom na. I wanted to cry so bad pero pinigilan ko. Crying won't help.

Kailangan ko pa palang asikasuhin ang aking esposo.

Nang maalala ko iyon ay kaagad kong inayos ang aking sarili. Dali-dali rin akong bumaba ng hagdan. Lagot na naman ako.

Pagbaba ko ay wala na siya. Sinilip ko ang garahe, wala na roon ang ginagamit niyang sasakyan. Napabuntong-hininga ako.

He didn't even bid me goodbye.

Kung sabagay, bakit nga naman siya magpapaalam pa sa akin? Asawa lang naman niya ako sa papel. We don't share any emotional attachment.

Naglakad ako papunta sa kusina. Sinilip ako ang kaserola upang tignan ang itinabi kong sabaw. Nanlumo ako nang makita ng wala na iyon. Nakita niya siguro na nagtabi ako.

Wala akong choice kundi magluto na lamang ulit ng para sa akin. I decided to open a can of sardines. Tinatamad na rin kasi akong magluto pa ulit. Nagpasiya na lamang akong magtimpla ng kape. I think it'll do. Para kahit papaano ay may mainit.

Pagkatapos kumain ay sinumulan ko ang paglilinis sa bahay. Minsan ay gusto kong lumabas dahil nababagot ako pero wala naman akong maidahilan kay Tyler. Siguradong hindi ako papayagan niyon. Pinapayagan niya lamang ako kapag mamalengke. And when he does, sinusulit ko talaga. Naglalakad ako sa parke ng ilang oras pagkatapos ay uuwi kapag malapit na siyang umuwi. Sa mga ganoong pagkakataon ay ramdam kong malaya ako. I'm not a battered wife.

Kasalukuyan akong nagvavaccum nang bigla akong makaramdam ng hilo. Naupo ako sa sofa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mukhang lalagnatin ako. Hinawakan ko ang aking noo.

Mainit.

Napabuntong-hininga ako. It's confirm I'm sick. Tatapusin ko na lamang siguro ang paglilinis pagkatapos ay kaagad na akong magpapahinga.

Halos araw-araw ako kung maglinis. Ayaw na ayaw kasi ni Tyler ng maalikabok at marumi. He once hurted me nang makita niyang marumi ang bintana. Dinoble ko ang bilis ng paglilinis ko dahil parang nag-aapoy na ang aking mga mata. Parang sasabog din ang ulo ko dahil sa sakit.

Pagkatapos kong maglinis ay iniligpit ko kaagad ang mga ginamit ko. I hurriedly went back inside my room. Tinabunan ko rin ng makapal na kumot ang katawan dahil sobrang lamig.

Sana mamaya, kapag dumating si Tyler ay bumaba na ang aking lagnat. I don't want to be this vulnerable in front of him. Not that he cares, but I'm scared.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon