Chapter Sixteen

69.4K 1K 186
                                    

Isang linggo na ang nakararaan magmula nang bumisita kami sa bahay ng aking mga magulang. And ever since that visit, Tyler's acting different. He's not treating me better but not worse as well. Parang in between lamang ang trato niya sa akin. It's better for me. Hindi na niya rin ako masyadong sinasaktan which benefits me. Napapadalas din ang out of town business trips niya kaya naman ay tuwang-tuwa ako dahil nagagawa ko lahat ng gusto ko. Puwede akong lumabas at mamasyal. Although hindi palagi dahil baka bigla siyang umuwi at mapagalitan ako.

"Prepare tomorrow."

This is one of the nights that he's at home. Kumakain siya ng kaniyang dinner sa hapag habang ako naman ay nakatayo lamang sa gilid, pinapanood siya.

"Huh?"
Nagtatakang sabi ko. Tinignan niya ako ng masama.

"You will be undergoing on the job training under our company. Saka kita ililipat sa Atlas Ventures pagkatapos ng ilang buwan."

I nodded. I kinda like that idea. Hindi ko maiwasang nakaramdam ng excitement. Sa wakas ay magagamit ko na rin ang aking pinag-aralan. Ibinaba ni Tyler ang hawak niyang kubyertos. He motioned me to sit down. Nagtataka man ay ginawa ko pa rin ang iniutos niya sa akin.

"I will train you under our company because someday I wanted you to take over Atlas Ventures. Sa isang kondisyon..."

Dinagundong ng kaba ang aking dibdib. Anong klaseng kondisyon ang gusto niya?

"I will prepare our annulment paper. Next week maayos na 'yon, sabi ng aking abogado. You have to sign it."

Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita. What does he mean? Hindi ba ay mawawalan siya ng mana kapag nakipaghiwalay siya sa akin? Why is he doing this now?

"P-Pero diba----"

"It's not your problem."
Putol niya sa aking sasabihin na para bang alam na niya kung ano ang nais kong ibigkas.

"Your company is important to you, right? Kaya ka nagpakasal sa akin dahil gusto mo iyong isalba. I am giving it back to you again, just sign the annulment papers."

Napaiwas ako ng tingin. Paano ko sasabihin sa kaniya na mahal ko siya? Na hindi ako nagpakasal sa kaniya para lang maisalba ang kompanya? How would I tell him that although he's physically, verbally and emotionally abusing me, I'm okay with it as long as kasama ko siya? As long as nararamdaman ko ang presensiya niya? But I would be selfish kung tatanggihan ko ang inaalok niya sa akin. He will train me without charge and he will give us our company back, hindi na namin kailangan pang magbayad ng malaki upang mabawi lamang ang kompanya.

"Is your father okay with this?"

Pati ako ay nagulat dahil sa katanungang lumabas sa aking bibig. Napakagat-labi ako nang makita ang galit na dumaan sa kaniyang mga mata. Akala ko ay kung ano-ano na namang masasakit na mga salita ang sasabihin niya pero bumuntong hininga lamang siya na para bang nagpipigil siya ng galit.

"You don't have to worry about my father. Ako ang bahala sa kaniya. He won't come after you kung iyan ang inaakala mo."

Tumango-tango ako. Hindi iyon ang inaalala ko, Tyler.

"How about your mom?"
Nagbabasakaling tanong ko. Napakunot-noo si Tyler na para bang napaisip.

"Wala siyang pakialam sa kahit ano mang gagawin ko."

Muli akong tumango. Naalala ko, ayaw nga rin pala sa akin ng kaniyang ina. I met her at our wedding reception. Prangka siya nang sabihin niya sa akin mas gusto niya si Trixie para sa kaniyang anak. But she still gave us a wedding gift kaya akala ko okay na. I remembered how Tyler comforted me after her mother uttered hurtful words towards me. Mali ba ako kung nag-assume ako na isang araw ay matututunan niya rin akong mahalin? Maybe.

"I-I will s-sign the annulment papers."
Ani ko sa nanginginig na boses. Ayaw ko itong gawin, gusto kong kapiling lamang siya habang buhay kahit alam kong hindi naman niya ako mahal. But I do not want to be selfish. Tyler smirked.

"Good. I will notify you when the papers arrived. For the mean time, bukas na ang unang araw ng pagpasok mo sa kompaniya. Prepare."

Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumayo na siya at naglakad patungo sa taas. Nang makaalis siya ay doon lamang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabilis ko iyong pinalis. I shouldn't be crying, I am the one who'll benefit the most from here. Annulment lang naman ang hinihingi niya. Makikita ko parin naman siya kahit na maghiwalay kami.

What if ipagpatuloy nilang dalawa ni Trixie ang relasyon nilang naudlot ng dahil sa akin?

So what? Silang dalawa naman talaga ang para sa isa't isa kung hindi lamang umepal ang pamilya ko sa kanilang dalawa. Umutang ang papa ko, ipinambayad ako. Wala akong karapatan na mapraning mag-isip kung sinong babae ang ipapalit niya sa akin pagkatapos ng annulment namin. I wipe all the tears away. Pinigilan ko rin ang mga luhang nagbabantang pumatak.

Kumuha ako ng plato at nagsimula na ring kumain. Mabuti na lamang at may natira pang kanin at ulam si Tyler. These past few days, napapansin ko tinitirhan na niya rin ako ng mga pagkain. Siguro napansin niya ang pagbagsak ng katawan ko. Siguro nakaramdam siya ng guiltness nang nakita niya ang mga magulang ko. Siguro unti-unti ay natutuhan na niya akong magustuhan. Mabilis akong napapalatak dahil sa huling naisip. Napakaimpossible niyon. He will never like me. Kung natutunan na niya akong magustuhan ay hinding-hindi niya ako aalukin ng annulment. He will choose to stay with me pero hindi eh. Inalok niya akong kaagad ng separation. I wonder if his father already agreed with this? Siguro ay hindi na siya nagtanong sa kaniyang ama. Hindi naman sila ganoon ka-close, napansin ko lang.

Kaonti lamang ang kinain ko para sa hapunan dahil nawalan ako ng gana. I'm sad and I'm feeling down at the moment. Parang kay hirap lunukin ng pagkain kanina ngunit pinilit ko na lamang ang sarili ko dahil ayaw kong mas lalong bumagsak ang aking katawan. Baka mas lalo akong pumangit.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon