Chapter Twenty-Eight

60.2K 837 89
                                    

"Ma'am nasaan na kayo?"

It's Angie, my personal assistant. Today is the first day of our photoshoot. Kaunting shots lang ang kukunin ngayong araw. Parang test shoot lang and teaser, it will not be the official photo that'll be use.

"Pababa na ako Angie. Saglit lang."

Sinugarado kong nakapatay ang lahat ng ilaw sa aking condo bago nagmamadaling lumabas. I locked the door as well. Nang makababa na ako ay kaagad kong nakita sa harap ng condo building ang itim na van na palaging ipinapahiram sa akin ng agency bilang service kapag may mga audition o shoots ako.

"Kanina pa kayo?"
Tanong ko sa kanila nang nakasakay ako. Wala si Tita Evelyn sa van. Bale apat lang kami. My personal assistant, make up artist, stylist and me.

"Hindi naman ma'am, kararating lang din namin."

Tumango ako at umayos ng upo. Sa kalagitnaan ng biyahe ay napangiti ako nang makita ang malaking billboard ng Avant Garde. It's me, Ava and Brynn during the agency's 20th anniversary. We're their top three profit contributor daw, kaya ganoon. We're like the face of the company at the moment. Ang maihanay kila Ava at Brynn ay sobrang nakakataba sa aking puso. Pakiramdam ko noon, ang hirap hirap nilang abutin but now, I'm competing with them in terms of modelling gigs, ramps man o photoshoot.

Kasunod niyon ang isa pang billboard ko na mas maliit kumpara sa aming tatlo pero kung ikukumpara sa iba ay malaki parin naman. It's when I posed for the summer collection of a known brand. I'm wearing a cute pink tube dress and my hair was blonde in that picture. Naalala kong feel na feel ko pa iyong dress na iyon noon dahil maraming pumupuri sa akin na bagay ko raw at maganda ako.

Dahil nalibang ako sa pagtingin ng mga billboard ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng E.E. Sinalakay ako ng kaba nang makapag-park na kami. I do not know why, hindi naman ako kinakabahan kapag ganito. I'm usually confident. I let out a sigh to calm myself.

"Okay ka lang ba Tinsley?"
Tanong ni Jenny, ang aking make up artist. I smiled and nodded.

"Kinakabahan lang ako."
Amin ko.

"Ngayon lang kita narinig na kinabahan ha?"

Hindi ako sumagot. Tumawa na lang ako bago lumabas ng van. Habang naglalakad, katulad ng dati ay napapatingin sa akin ang ibang empleyado pero hindi ko na lang pinapansin. I don't care what they think. Kasalanan ng boss nila kung bakit ako narito. I'm here as their company endorser, not his wife.

"Sa 7th floor 'yung studio nila ma'am."
Ani Angie sabay pindot sa numerong 7 ng elevator. Nang nasa ikalawang palapag na kami ay bumukas ang elevator, hudyat na may sasakay.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa labas si Aaron. Mukhang nagulat din siya nang makita ako pero kaagad din naman siyang nakabawi. He smiled at me and step inside the elevator.

"Tinanggap mo pala iyong offer ni Tyler."

Nagtaas ako ng isang kilay.

"My agency already accepted his payment kaya wala na akong nagawa."

Nagkibit-balikat siya. I stare at him. Ganoon padin naman siya, walang ipinagbago. Kung sabagay nga naman, anim na buwan lang naman na hindi ko sila nakita.

"Congratulations on your career. I know you could do it."
He smiled at me. The sweetest smile that I have ever seen. Noon pa man, alam ko ng mabait si Aaron. But for him to be this casual to me as if nothing happened puzzles me.

"Sige Tinsley. Dito na ako."
Aniya at bumaba nang marating namin ang ika-anim na palapag.

"Sige. Ingat."
Aniko at tinanguan siya. Nang makababa si Aaron ay sunod-sunod na ang tanong sa akin ng mga kasama mo.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon