Chapter Eleven

60.2K 894 73
                                    

Kinabukasan ay maaga akong bumangon para ipagluto ng agahan si Tyler. Aalis kasi ako kaagad mamaya kapag nakaalis siya para pumunta sa bahay. I will buy a gift first, just like what my husband instructed.

"Good morning."
Bati ko sa kaniyang nang pumasok siya sa kusina. He looks dashing with his suit. Mabilis kong inayos ang kaniyang kape bago inilapag sa ibabaw ng lamesa.

My husband likes heavy breakfast kaya naman nagprito ako ng itlog at tocino para lang makakain siya ng kanin. Habang kumakain siya ay nakatayo lamang ako sa gilid. He's reading the morning news on his ipad.

"Anong oras ka aalis?"
Aniya at sumulyap sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot. Ang simple ng tanong niya pero pakiramdam ko ay nalunok ko ang aking dila kaya hindi ako makasagot. He don't usually ask me questions that's why I'm surprised.

"What?"

Tumikhim ako.

"Alas-otso siguro."
Tugon ko. He nodded.

"I will have Aaron fetch you."

Aaron? Why does he need to fetch me?

"Hindi na. Magcocommute na lang ako."

Tinignan niya ako ng masama.

"Ayokong isipin ng mga magulang mo na pinapabayaan kita."

And it's inappropriate if your friend will escort me. Nais ko sanang isatinig iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. He might not like it.

"Iyong company driver?"

Sa tingin ko ay mas maganda iyon kaysa abalahin ko pa si Aaron. Siguradong abala rin siya sa kaniyang sariling negosyo. Napahakbang ako paatras nang biglang tumayo si Tyler. My heart started beating faster than normal. Ang sama ng tingin niya habang naglalakad palapit sa akin. Nang makalapit siya at marahas niyang hinablot ang aking braso. Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman.

"Why do you keep on complaining?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Hindi naman ako nagrereklamo. Ayaw ko lang abalahin pa ang kaibigan niya. Pagkatapos kumain ni Tyler ay umakyat siya sa taas, he stayed there for a few minutes before he went down again. Pinapanood ko lang siyang lumabas ng bahay. Does he ever feel comfortable whenever I am watching his every moves? Maybe.

Nang makalabas na sa garahe ang sasakyan ng aking asawa ay umakyat din ako sa kuwarto ko para makapagpalit. Simpleng pantalon at puting tshirt lamang ang aking isinuot. Sa bahay lang naman ako pupunta. I wonder if my parents are at home? Should I call them? Natigilan ako nang may maalala. I don't have my parents number. Tyler deleted it when he gave me my phone back. I wasn't able to memorize it because I have poor memorization skills. Nang makapagbihis ako ay sinigurado kong nakasara ang mga ilaw, unplugged ang mga appliances at nakasara ang mga pinto bago ako lumabas ng gate. Dito ko na lang hihintayin si Aaron. I would love to buy a fruit box first before going pero baka matagalan ako at dumating ang kaibigan ni Tyler. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya. There's a well known fruit shop na madadaanan bago ang bahay ng aking mga magulang. Sasabihin ko na lang kay Aaron na tumigil kami roon.

After fifteen minutes an Alfon Romeo stopped in front of our house. Ibinaba ng nagmamaneho ang bintana ng driver seat so I could see who's inside. It's Aaron. I smiled at him.

"Tyler asked me to fetch you."
Nakangiting sabi niya bago bumaba ng sasakyan. Iginaya niya ako patungo sa passenger seat.

"Thank you but I'm sorry na naabala ka pa."

He chuckled.

"It's fine. I have a lot of free time."

Binuksan niya ang pinto kaya naman ay kaagad akong pumasok.

"Diretso na ba tayo kaagad sa bahay ninyo?"
Tanong niya ng makalulan siya sa sasakyan.

"May dadaanan lang tayong fruit shop."
I said and mention its name. Kaagad naman siyang tumango at hindi na nagtanong. Maybe he's familliar with it.

Isang oras ang biyahe patungo sa bahay ng mga magulang ko at hindi ko alam kung paano kakausapin si Aaron so that he'll be entertained. The atmosphere inside was awkward. He's humming an unfamilliar song. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang magsalita siya.

"Kumain ka na?"

Come to think of it, I haven't eaten breakfast since I was preoccupied while ago. Hindi na rin ako nakaramdam ng gutom dahil naoovercome ng gutom ang awkwardness na nararamdaman ko.

"Hindi pa.", sagot ko, "Sa bahay na lang ako kakain."
Kaagad kong dugtong dahil baka ayain niya pa akong kumain, masyado ng nakakahiya. Tumango lamang si Aaron.

"We're here."
Anunsiyo niya. Sumilip ako sa bintana, nasa labas kami ng pagbibilhan ko ng fruit basket para sa aking magulang. Akmang tatanggalin ko na ang seat belt nang magsalita siya.

"Ako na lang bibili. Hintayin mo na lang ako rito."

Mabilis kong inilabas ang wallet ko sa loob ng bag. I cannot let him pay again.

"Ito 'yung pambili."
Nahihiyang sabi ko at iniabot sa kaniya ang perang ibinigay na pambili ni Tyler kagabi. He smiled at me.

"It's okay. Ako na."

Mabilis akong umiling at mas inilapit pa sa kaniya ang pera.

"Hindi ito na. Ibinigay ito ni Tyler kagabi na pambili talaga. Baka magtaka siya kapag ibinalik ko sa kaniya."

Aaron stared at me for a few seconds before he accepted the cash. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Nagtagal din ng ilang minuto sa loob si Aaron. He handed me a large rectangular box.

"They ran out of stock sa fruit basket. Ayan na lang binili ko."
He explained. Napansin niya siguro na nagtataka ako.

"Anong laman nito?"
Tanong ko at itinaas ang takip ng kahon.

"Prutas din, naka-box nga lang."

The arrangement looks cute. Isinara ko ulit ang kahon. The travel resumed. Malayo-layo pa ang bahay ng mga magulang ko, it'll take another thirty minutes. The silence was evident again. Hindi ko rin naman alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya. And I felt like he's enjoying the silence because he's not trying to start a conversation with me.

Pagpasok sa subdivision ng sasakyan ay hindi ko maiwasang tignan ang mga bahay. Walang masyadong nagbago, mayroon lang ilang mga bahay na naidagdag pero ganoon pa rin.

My parents chose this subdivision because it's peaceful. Walang masyadong bahay na nakatayo. Malayo-layo rin ang agwat ng mga bahay sa isa't isa despite of the years that has passed. Hindi masyadong sikat ang subdivision dahil malayo sa mismong bayan but everyone has their own car so it's not really a problem.

"Saan bahay ninyo rito?"
Tanong ni Aaron. Bumagal na rin ang takbo ng sasakyan. I almost forgot that I'm with him.

"Sa may pinakadulo."

He nodded. Maya-maya pa ay natanaw ko ang aming three story home. Walang bakod ang bahay namin, the way my mom like it. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kong nakatayo parin ang puting bougainvillea na itinanim ko noong bata pa ako.

Finally, I'm home.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon