Chapter Twenty-Nine

59.6K 923 102
                                    

Hapon na nang natapos ang shoot dahil nag-stay si Tyler at talagang pinupuna niya lahat ng picture ko. Pati iyong mga tapos ng nakuha kanina ay pinapansin niya kaya inuulit namin. I can see the photographer and the staff getting frustrated as well pero wala naman silang magawa dahil boss nila ang nag-uutos.

"Ma'am dalhin ko na sa baba ang mga gamit ninyo."

Tinanguan ko si Angie nang kunin niya ang mga bag ko. Jenny and Claire are already downstairs dahil inaayos nila ang mga damit at make up na ginamit ko sa sasakyan. Ako na lang ang natitira sa dressing room ng studio, removing my make up and combing my hair.

"Let's talk."

Kaagad akong nakaramdam ng inis sa aking buong sistema nang marinig ang boses na iyon. Ano na naman bang ginagawa niya rito? Nandito na nga siya sa studio buong araw, saka umalis na siya kaninang natapos ang photoshoot.

"What? Manenermon ka?"
Inis na tanong ko sa kaniya. He didn't answer. Hinila niya ang isang monoblock chair at ipinuwesto sa tabi ko. Just a few inches from me. Gusto ko sanang umurong pero ayaw kong isipin niya na kinakabahan ako sa presensiya dahil hindi naman. I continued on combing my hair instead.

"I'm sorry."

Nagulat ako dahil sa sinabi niyang iyon. Aba, marunong padin pa lang humingi ng pasensiya ang isang 'to.

"Pinagsasabi mo?"
Inis na tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa paa kong ngayon ay naka-tsinelas.

Hindi ko na isinuot ang heels na suot ko kanina papasok dahil masakit na ang paa kong nakatayo buong maghapon at naka-heels. Nagulat ako nang tumayo siya at lumuhod sa harapan ko. Panic started enveloping my system.

"A-Ano bang ginagawa mo?!"
Galit na tanong ko kay Tyler at akmang iiwas ng paa ko sa kaniya nang hawakan niya iyon. He started massaging it. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman ay mabilis kong hinila ang paa ko.

"Nahihibang ka na ba? What if may biglang pumasok?"

Tumayo ako para hindi na siya makalapit pa sa akin. I started putting my comb and other things on my small backpack. He's insane! I cannot be in one room with him anymore.

"What? I'm just massaging your feet."

Hindi ako sumagot. I concentrated on fixing my things. Nang maayos ko na ang lahat ay nagmamadali kong isinuot ang bag ko at umakmang lalabas nang hawakan niya ako.

"Tinsley, let's talk please."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano pa bang gusto mo? Didn't we sort out our feelings six months ago?"

He was about to talk pero inunahan ko siya.

"Hobby mo ba talagang magpapansin? You're with Trixie now. Ano? You're planning on cheating again? Kawawang Trixie."

Umiling ako.

"I'm not in a relationship with her."

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

"Sinong niloloko mo?"
Inis na tanong ko at binawi ang kamay kong hawak niya. Hinarap ko siya at pinameywangan.

"Ano ha? Nakailang ulit kayo?"

Umiling-iling siya, para bang hindi siya makapaniwalang sinabi ko iyon.

"I said we're not a thing. And I respect her, she's not that kind of a woman."

Pagak akong napatawa. She's not that kind of a woman, huh?

"Oh talaga? Akalain mo 'yun? Nakipaghiwalay ka pa sa akin tapos wala ka rin pa lang makukuha sa kaniya?"

Bumuntong-hininga si Tyler. Para bang nagpipigil siyang tuluyang sumabog sa aking harapan.

"Please, can't we just talk like an adult? Stop involving Trixie."

Nakakabuwisit talaga 'tong isang ito. Siya pa ngayon ang may ganang mag-demand? Aba ang kapal naman masyado ng apog niya!

"Huwag mo akong ma-please let's talk please let's talk diyan. Alam mo? Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para makihalubilo sa akin. Ganoon ba talaga kakapal 'yang pagmumukha mo?"

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinihintay kung anong sasabihin ko.

"Kinuha mo akong endorser ng produkto ninyo, fine, titiisin ko 'yun. Pero 'yung palagi kang nandito? Iyong pinipilit mong mag-usap tayo? I cannot believe nor take it anymore. Your presence annoys me so much. You broke my heart and chose an other woman over me, tapos nandito ka ngayon? Because of what? You broke up with Trixie?"

Halos hingalin ako dahil sa sunod-sunod na tanong ko. Sa buong durasyon niyon ay nakatitig lang siya sa akin, with his sad eyes, it's melting me. I once adored those eyes of his.

"No that's -----"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.

"Huwag na ako Tyler. Masaya na ako sa buhay na mayroon ako, na wala ka. Kaya please lang, lubayan mo ako puwede? Titiisin ko 'tong isang taon na kontrata ko sa'yo pero please lang huwag na huwag ka na ulit lalapit sa akin!"

I didn't wait for him to reply, nagmamadali na akong lumabas ng dressing room. Paglabas ko ay nag-aayos pa ng mga ginamit na equipment sila Mikey, Riley at Mark. Wala na si sir Renz, marahil ay umalis na.

"Guys, mauna na ako sa inyo ha? Great job today!"
Masayang sabi ko sa kanila kahit sa loob loob ko ay sobra na ang inis ko. Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa likuran ko.

"Sige ma'am. Thank you!"

Tumango ako at nagmamadali ng lumabas ng studio para maiwala si Tyler.

"Tinsley please."

Hindi ba talaga siya nakakaintindi? Siguro ganito rin ang nararamdaman niya noon kapag sinusundan ko siya.

"Tyler enough!"
Inis na sigaw ko sa kontroladong boses sa takot na baka may makarinig sa aming dalawa. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako ng elevator. Mabilis akong pumasok pero nakasunod padin siya.

"Hindi ka ba nakakaintindi?"
Gigil na sigaw ko sa kaniya nang pareho kaming makapasok ng elevator.

"Just listen----"

"Ano pa bang kailangan ko pakinggan?"

I badly wanted to cry, not of pain but of frustration.

"That Trixie and I---"

Naputol ang sasabihin niya nang bumukas na ang pintuan ng elevator. May mga empleyadong pumasok na bumati sa kaniya. I took that opportunity para lumayo sa kaniya. The employees rode the elevator 'till the ground floor kaya naman ay nawalan na ng pagkakataon si Tyler para kausapin ako.

Nagmamadali na akong bumaba para hindi na niya ako maabutan pa. Pero ganoon pa rin, nakasunod pa rin siya sa akin. Wala ng masyadong tao sa baba, kakaunti na lamang dahil tapos na ang office hour at medyo gabi na. May mga naglalakad na lang ng paunti-unti pero palabas na rin ng opisina. Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko. And the next thing I knew, Tyler's kissing me. Dampi lang iyon pero sobrang gulat na gulat ako. My eyes were wide open while he's eyes were close. Malakas ko siyang itinulak. Mapupungay ang mga matang nakatingin siya sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero mukhang wala namang nakapansin sa ginawa ni Tyler sa akin dahil lahat ay busy sa kaniya-kaniyang ginagawa.

Malakas ko siyang sinampal. Mukhang hindi niya iyon inalintana dahil wala naman siyang sinasabi. Dahil sa sobrang kaba at galit na nararamdaman ay nagmamadali na akong lumabas ng kompaniya. Ayokong makipag-sagutan sa kaniya roon, I don't want to take chances given the fact na mayroon pang mga tao sa lobby. Paglabas ko ay kaagad kong nakita ang van na sinakyan ko kanina. Nagmamadali akong lumapit doon at sumakay.

"Oh? Hingal na hingal ka?"
Nagtatakang tanong ni Jenny. Lumingon ako sa labas. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na si Tyler at hindi na ako sinusundan. Sumandal ako sa upuan.

"Wala. Napagod lang ako pababa, naghagdan ako."
Palusot ko na lang para hindi na sila muli pang magtanong. Mukha namang naniwala sila dahil wala na silang naging komento.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon