Chapter Ten

63.1K 920 22
                                    

"Thank you for coming Tinsley."

I smiled when Aaron greeted me. Alas-diyes na ng gabi at kami na lang ni Tyler ang natitira mula sa mga bisita niya. Sinadya ng aking asawa na magpahuli dahil may pag-uusapan pa raw silang mahalagang bagay ng kaniyang kaibigan.

"It's my pleasure."
Nakangiting sagot ko.

"Let's talk for a minute, Aaron."
Agaw ng atensiyon ni Tyler. Tumango naman si Aaron pagkatapos ay naglakad na sila palayo.

Tanaw ko sila mula sa hardin na kinalalagyan ko pero hindi ko marinig kung ano ang pinaguusapan nila. Mukhang tungkol sa negosyo dahil seryoso ang mga ekpresyon sa kanilang mukha.

I patiently waited hanggang sa natapos na sila. May katagalan din dahil nakaidlip ako ng kaunti, ginising lamang ako ni Tyler. Pagkatapos magpaalam kay Aaron ay sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot.

"I heard you met Aaron last time?"
Seryosong tanong ni Tyler habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Oo nga pala, nakalimutan ko iyong banggitin sa kaniya. I don't have the chance dahil hindi naman kami nag-uusap na dalawa sa bahay. He's always distant with me. Kapag may iuutos lang siya saka niya ako kikibuin.

"Ah oo. Accidentally, nakita ko siya sa supermarket."

Tyler nodded.

"What do you think of him?"

Napakunot-noo ako. What does he mean by that?

"He seems nice. Binayaran niya iyong bill ko sa grocery kasi nakalimutan ko iyong wallet ko sa bahay."

Tyler didn't respond. Nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat ng sasakyan. Nagtatakang napalingon ako sa kaniya. Natigilan lamang ako nang makitang mukhang nairita siya sa reaksyon ko.

"What? I'm just opening the door for you."

Gusto ko sanang isipin na nagkukunwari na naman siya ngunit wala ng ibang tao sa garahe, kami na lang. Hindi na niya ito kinakailangan pang gawin. Gusto ko sanang isatinig iyon ngunit pinigilan ko ang sarili. Baka mas lalo lamang siyang mainis sa akin. Nagmamadali na lang ako pumasok sa passenger seat.

Sa biyahe ay pareho kaming tahimik na dalawa. I don't have anything to say well and I'm scared na kapag nagsalita ako ay magagalit siya dahil maingay ako.

"You should visit your parents."
Aniya nang huminto ang sasakyan dahil sa stop light. Napaawang ang aking labi.

"Huh?"

That's a surprise. Pinagbabawalan niya akong makita ang mga magulang ko dahil baka makahalata raw sila sa totoong nangyayari sa amin behind close doors and now he's asking me go visit them?

"Your dad's in a bad shape. He's not taking everything that's happening with your company lightly."

Napatango ako. Of course, sobrang halaga niyon para sa aking ama. I thought everything will be okay kapag papakasalan ko si Tyler. Hindi na malulugi ang kompanya but I thought wrong. We're still in the verge of bankruptcy.

"I-Isasara ba ang kompaniya?"
Tanong ko sa nanginginig na boses.

"Supposedly."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Is it that bad?

"Pero puwede pang gawan ng paraan that's why I decided not to."

Napangiti ako. Kahit siguro ibang tao na lang ang mamamahala sa kompaniya, huwag lang iyong tuluyang maipasara.

"What will happen to dad kapag ikaw na ang mamamahala sa kompaniya?"
Nag-aalang tanong ko.

"He will still be recognize by the company as the founder."
Malamig niyang sagot.

Pagkatapos niyon ay wala na siyang sinabi. Nang makarating kami sa bahay ay walang imikan. Tyler went straight to the couch while I went straight to the stair.

"Tinsley. "

Natigilan ako sa pag-akyat nang tawagin niya ako. Lumingon ako sa kaniya. He's not looking at me.

"You look like a trash in that dress. Wala ka na bang ibang damit?"

Pakiramdam ko ay nagkaroon ng bara sa lalamunan ko nang marinig ang sinabi niya. I know that I look ugly in this dress but hearing those words from him made my heart ache. Akala ko nakalimutan na niya dahil wala naman siyang sinabi nang nakapasok na kami sa loob.

"Naiwan kasi sa bahay iyong iba."

He look at me, from head to toe.

"Sa lahat ng puwede mong dalhin 'yan pa talaga ang napili mo?"

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-rami ng magaganda kong dress ay ito pa ang napili ko.

"Remember Tinsley, asawa na kita ngayon. You should atleast present yourself infront of our investor in a good way. Hindi iyong mukha kang basahan. Pasalamat ka maganda ka."

Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ang huli niyang sinabi. Hindi na baleng nainsulto niya iyong damit na suot ko. Ang mahalaga ay pinuri niya ang aking pisikal na anyo.

"What are you smiling for?"
Nakakunot-noong tanong ni Tyler. Mabilis akong umiling.

"I'm sorry. I just remembered something."

Mas lalong kumunot ang noo ni Tyler pero hindi naman siya nagkomento. He took his wallet out. Ibinato niya sa sahig malapit sa aking posisyon isang bugkos ng pera. Nagtatakang tinignan ko siya. Is he asking me to buy a new dress?

"Bilhan mo sila Tita bukas ng regalo."

It's for my parents.

"I don't want them getting any weird idea when you visit them empty handed."

Tumango na lamang ako pagkatapos ay pinulot ang mga perang ibinato niya. Nang makita niyang pinulot ko ang pera ay ipinaling niya ang atensyon sa TV. Napabuntong-hininga ako.

"Matutulog na ako."

He didn't reply.

"Goodnight."
Pagkatapos ko iyong sabihin ay mabilis na akong umakyat papunta sa aking kuwarto.

Nang makapasok ako ay kaagad kong hinanap ang salamin. I look at my face. He called me pretty, does that mean nagagandahan siya sa akin? Parang na-inspire tuloy akong mag-ayos. Pero kung mag-aayos ako, dito lang naman ako sa bahay maglalagi pagkatapos ay baka tanungin na naman ni Tyler kung kanino ako nagpapaganda. Makakarinig na naman ako ng masasakit na salita.

Napatingin ako sa malaking wedding photo namin na nasa sentro ng aking kuwarto. Tita Anne, Tyler's mom gave it to us as a wedding gift. My husband burnt every photo that was taken during the ceremony by our photographer but his mom gave this gift to us a week later. A candid shot of us when we had our first dance as husband and wife. Natural ay nagalit ang aking asawa, ipinatapon niya iyon pero patago kong kinuha. Ito na lang ang ala-ala naming dalawa. I don't want to forget the day that we married each other.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon