Chapter Thirty-Nine

43.7K 545 4
                                    

"The sunset here is the best view. No other beaches can beat that."

I remember what sir Renz told us when we first came here. When he heard us complaining about the boring activities that were offered in this resort. Inalo niya kami sa pamamagitan ng pagsasabing maganda ang sunset dito. And he was not wrong, it was really the best and nothing can beat that. It's a gentle reminder for us that endings are not just endings, it's a beginning of a more beautiful chapter.

This place is a perfect place to run to when you wanted peace and quiet, tranquility in short. That is why when Tyler asked me where I want go for a vacation, kaagad kong pinili ang lugar na ito.

The place has prosper since the last time that we've been here. Ang iisang cottage ay nadagdagan pa ng tatlo, ang cabin ay nadagdagan din ng tatlong kuwarto. May nakita pa akong isang bar at restaurant na bagong tayo kanina. The place is easier to access as well, simentado na ang dati ay bako bakong daan. But some didn't change, the sunset, the tranquility and the fresh air. Kahit medyo developed na ang lugar ay kakaonti pa rin ang mga taong dumadayo. Sa katunayan ay kami lang ang bisita sa ngayon. Ayon sa may-ari, Lunes daw kasi kaya ganito. Weekend daw talaga sila dinarayo, just like before.

"I've been looking for you."

Napalingon ako kay sa aking likuran nang marinig ang boses na iyon ni Tyler. Ngumiti ako at tinapik ang espasyo sa aking tabi. But instead of sitting beside me ay sa likuran siya pumuwesto. And now, I'm in between his legs. Kinabig niya ako ng kaunti upang mapasandal sa kaniya, then he wrap his arm around me.

"Pinapanood ko lang iyong sunset."
Nakangiting sagot ko. To be caged in his arms gives me comfort. Pakiramdam ko ay walang kahit anong makakapanakit sa akin habang yakap niya ako, habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig.

"It's beautiful."
Dagdag niya. Tinignan ko siya at nakitang nakatingin din siya sa papalubog na araw, ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.

"I love you."
Bulong ko sa kaniya. He kissed my temple.

"I love you more."

And we stayed there, nakaupo sa buhangin habang magkayakap na pinapanood ang unti-unting pagkain ng kadiliman sa liwanag.

It's already dinner time when we decided to stand up. Ayaw ko pa sana dahil masyado akong naging komportable sa posisyon naming dalawa ngunit nakaramdam na ako ng gutom.

"Saan mo gustong kumain? Dito na o sa labas na lang?"
Tanong ni Tyler na ang tinutukoy ay ang restawran dito sa loob sa resort at ang mga restawran sa labas.

"Kahit 'yung dito na lang, mukha namang masarap."

Simple lamang ang mga disenyo sa loob ng restaurant, para bang ang target customers nila ay iyong mga nakatira lang dito sa area kaya sinimplehan lang ang disenyo. Kulay dilaw ang pader, may kaunting mga kasabihan na nakasulat roon, ang mga lamesa ay simpleng kahoy lamang din, pati ang mga upuan. But the place is clean and nice. Nang makaupo kami ay ipinaghila ako ni Tyler.

"Anong gusto mong kainin?"

Sinulyapan ko ang menu ng restawran na nakadikit lamang sa pader. Malalaki naman ang bawat letra kaya naman kahit papaano ay nababasa pa rin ang sinasabi.

"Parang gusto kong tikman iyong sizzling sisig nila. Tapos kahit coke na lang."

Tyler nodded before he stood up. Dumiretso siya sa counter kung saan ay naghihintay ang isang dalagang siyang nasa likod ng cashier. Pinanood ko kung paano magpacute at mag-ipit ng boses ang babae. Napabuntong-hininga ako, kahit obvious na mas matanda si Tyler kaysa sa kaniya eh nagpapa-cute pa rin siya ha? Mabuti na lang at mukhang wala namang pakialam si Tyler sa inaakto ng babaeng kaharap niya.

After taking our order ay bumalik na siya sa mesa namin. The order will follow afterwards. Pag-upo niya ay hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Do you want to expand your boutique?"

Umiling ako. According to Tyler, I will be the next CEO of Atlas Ventures. How could I manage two business at once? Tapos gusto niya pang mag-extend ako? No way.

"It's hassle as it is."

"Why?"
Nakakunot-noong tanong niya.

"I have Atlas now, it'll be hard. Puwede bang tumanggi na huwag akong gawin CEO?"

Tumawa ako. I love our company so much, it's where I belong. Pero nawala rin iyon sa amin ng matagal na panahon.

"I think it will be better kung ikaw ang mamumuno niyon. It's been thriving for years now. Thanks to you."

He didn't answer. Nakatitig lang siya sa akin.

"But I thought it's important to you?"
Nagtatakang tanong niya.

"Yes it is. But I don't think I can do it. I'm still grasping on doing a business, that's why I started small."

He nodded.

"I'll help you then."

Pagkatapos ng dalawang oras na pagkukuwentuhan sa restawran ay nagpasiya rin kaming umalis. Paglabas namin ay madilim na ang paligid. Just like the last time that we're here ay may maliit na bonfire sa isang parte ng resort, walang katao-tao roon.

"Do you want to stay there?"
Tanong niya nang mapansin ang pagtitig ko roon. I nodded.

"Let's go."

Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad patungo sa bonfire. Nang makaupo kami sa maliit na upuan ay hindi ko maiwasang mapangiti. The warm from the fire sent me comfort. Naupo si Tyler sa aking tabi at inakbayan ako. He pulled me closer so that he can hug me better. Kontento naman akong sumandal sa kaniya.

"Are you happy?"
Masuyong tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. Tumango ako.

"I've never been this happier."
Bulong ko pero sapat upang marinig niya.

"I am proud of everything that you had accomplished in the past years."

Napatawa ako.

"Which one? When I modeled or when I decided to start a business?"

"Both."
Sagot naman niya.

"Paulit-ulit mo na 'yang sinasabi."
Natatawang puna ko sa kaniya. He laugh.

"Masama bang maging proud sa aking asawa?"

Iningusan ko siya. Natigilan lang ako nang may maalala.

"Speaking of, I was waiting for our meeting together with our lawyer, pati na rin iyong court trial pero hindi dumating."
Nagtatakang tanong ko. Pinanliitan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya.

"I never submitted those papers. Naging busy ako----"

"Kakahabol kay Trixie."
Bitter na sabi ko, lalo na nang naalala ko ang sinabi niya noong nakipag-balikan siya rito pero naghiwalay din kalaunan.

"Of course not. I'm managing two businesses at once, it's both a multi-million company. I'm busy with it, hindi sa mga babae."

Inirapan ko lamang siya.

"I'm glad that I forgot about the papers though. That means, you're still an Alcantara, you're still my wife."

Katulad ng dati, ang saya pa ring marinig na Alcantara ako, na asawa niya ako, na sa kaniya ako at akin siya. Naramdaman ko ang pagyakap ng isa pa niyang braso sa akin, under the moonlight, in front of the fire, we hugged each other until midnight.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon