Chapter 1

64.4K 1.2K 93
                                    

Chapter One

Tatlong araw na ako rito sa mansyon ng Ichihashi nagtatrabaho at kasalukuyan ako nandito sa kusina para linisin ang ilalim ng lababo, ewan ko ba kay Manang Loleng anong trip sa buhay at ito pinalinis samantala kahit dilaan ko walang bahid ng dumi

Sa ngayon itong kusina at sa may dinning area pa lang ang nalilinisan ko pagkatapos rito sa sala naman ako

"Ang laki laki ng bahay kasi dalawa lang kinuha na katulong, ang yaman yaman naman" bulong ko sa sarili ko at punas ng pawis sa noo ko

Totoo iyon ang laki ng bahay pero kami lang ni Manang Loleng ang katulong, pero ang sabi naman ni Manang may tatlo syang kasama noon kaso sinesante kasi puro malilikot daw ang kamay yung ang chika sakin

Buti na lang mukha lang ako magnanakaw,  Natawa ako sa sariling biro ko.

"Nababaliw kana ba?" Napatayo naman ako ng maayos at tumingin sa tao nakakarating lamang

"Sir James kayo po pala magandang umaga po, handa na po yung breakfast kain na po kayo" tumango naman ito, si Sir James ay isa sa mga amo ko rito sa mansyon pero sabi ni manang hindi pa raw sya ang pinaka amo ko at hindi ko pa ito nakikita bukod kay Sir James, Ma'am Angel at Ma'am Alice

Silang tatlo pa lang ang nakikita ko rito na pakalat kalat

Si Ma'am Angel ay pinsan ng may ari ng bahay na pinaka amo ko raw sabi ni Manang at yung dalawa naman si Sir James at Ma'am Alice ay mga matatalik na kaibigan nila ma'am Angel

Sabi rin ni Manang Loleng may iba pa daw sila kasama rito kasalukuyan wala pa dahil may kanya kanyang business,

"Handa na ba ang agahan?" Pumasok naman rito ngayon si Ma'am Angel, tumango ako

"Opo ma'am Angel nasa Dinning area na po ang mga agahan nyo" sagot ko

Tumango lang ito ng tipid sakin saka tumalikod na para siguro pumunta na sa hapagkainan nila agad naman ito sinundan ni Sir James at inakbayan

"Good Morning my loves ko, maganda ba tulog mo kasi napanaginipan mo ako?"

Agad ito siniko sa tyan "maaga pa James para pikunin ako at saka kung ikaw rin lang mapapanaginipan ko panigurado bangungot yon at panget na tulog lalo na sa paggising ko" masungit na aniya sa lalaki

Natawa na lang ako ng mahina habang pinagmamasdan sila, at saka ko tinuloy ang paglilinis ko rito sa kusina para naman masunod ko na ang sala dahil marami pa ako lilinisin rin

  Natapos na rin ako sa paglilinis sa buong bahay at masasabi ko lang na grabe palasyo na ata nililinis ko sa sobrang laki

Gusto ko na sana magpahinga kaso dumating naman na ang ibang kaibigan at magiging amo ko rin dito na ngayon pinagtitimplahan ko sila ng iinumin nila. Pagkatapos ko magtimpla agad ko na ito hinatid sa may sala kung nasaan lahat sila mag uusap usap

"Ito na po mga drinks nyo" magalang na sabi ko at dahan na nilapag sa maliit na lamesa sa gitna nila, palihim naman ako tumingin isa isa sa mga bagong mukha nakikita ko ngayon at masasabi ko dalawa sa kanila ang nakakatakot ang awra

Tumikhim naman si ma'am Angel kaya napaayos ako ng tayo "by the way ito pala si Zoe Rose ang bago natin katulong rito" pakilala nito sakin kaya ngumiti ako sa mga bagong tao nandito

"Hi Zoe, I'm Aaron John Gubi nice to meet you" kumindat ito sakin kaya medyo napangiwi ako ng palihim "Baka magbago isip mo lumipat pwedeng pwede sa bahay ko" ngumiti na lang ako rito

  Babaero

Hinampas naman ito ni Ma'am Alice sa binti na katabi nya "magtigil ka nga"

"Pasensya kana sa lalaking ito ah? Babaero kasi kaya kung sino sino nilalandi manang mana kay James" tumango na lang ako kay Ma'am Alice

"Ako na naman nakita mo Alice nagpapansin ka na naman sakin wag ka nga baka magselos my love Angel ko" binatukan naman ito ni Ma'am Angel nasa tabi nya lang din

"Shut up James" napatinggin naman ako sa nagsalita na nasa kabilang side lang din ni Ma'am Alice at masasabi ko na may pagkahawig sila, tumingin ito sakin "I'm Sean Tan, nice to meet you" malamig na pakilala nito

Tan? Ibig sabihin kuya ni Alice since same sila ng surname?

Ngumiti naman si ma'am Alice sakin "kambal ko sya Zoe" kaya naman pala hindi nagkakalayo ang mukha nila kasi kambal tuko sila hehehe...

"Nice to meet you, I'm Clyde" tipid at mas malamig na boses kaysa kay sir Sean, halatang halata na suplado ito, napaismid na lang ako at humarap sa kanilang lahat

Nag bow ako sa kanila bilang pag respeto

"Kinakagalak ko rin po kayo lahat makilala,Ako nga po pala ulit si Zoe Rose Monteros 22 years old from cagayan valley" nakangiti na pakilala ko, nakita ko ang bahagya paghinto ni sir Sean sa pag inom pero hindi ko na masyado pinansin
"Wag po kayo mag alala, hindi po malikot ang kamay ko kaya wala kayo magiging problema na mawawalan kayo ng gamit"

Nakita ko ang pagtawa at pag iling ng dalawang lalaki na si Sir James at Sir Aaron

"Don't worry alam ko naman hindi mo magagawa lalo na kapag nalaman mo ugali ng may ari ng bahay" nakangisi na sabi ni Ma'am Alice, napakamot na lang ako ng batok ko

  "Wag po kayo mag alala trabaho lang po talaga ang pinunta ko rito kaya wala kayo magiging problema sakin" nakangiti ko ulit na sabi "sige po papasok na po muna ako sa kusina, tawagin niyo na lang po ako kung may pag uutos pa po kayo" yumuko pa ako sa kanila bago tumalikod

Napatigil ako sa paghakbang na bumunggo ako sa poste este sa tao pala kaya naman napaatras ako

Sa tinggin pa lang ng tao nasa harap ko parang binabaon na ako sa hukay sa lalim at talim ng mga mata nya at ramdam na ramdam mo ang malamig na presensya nya

"Pasensya na po, hindi ko po kayo napansin" hingi ko ng paumanhin

"Who are you?" May diin bawat tanong nya at kung mas nakakatakot ang lalim ng boses ni Sir Clyde lalo na rito sa nasa harapan ko "Who.are.you?" Ulit pa nito ulit

"I'm Z-zoe po, bagong katulong" medyo kinakabahan na sagot ko

"Buti naman nakauwi kana Ezekiel" Ezekiel ang pangalan nya?
Nandito na sa tabi ko si ma'am Angel at nakipagbeso sa lalaki na tinawag nyang Ezekiel

"Zoe ito pala si Ezekiel sya ang may ari ng bahay and syempre ang pinaka amo mo rito" nakangiti na pakilala nya sakin, halos himatayin ako sa nalaman ko

Shungeks ka talaga Zoe sa lahat makakabanga mo pinaka amo mo pa talaga!

  "Pasensya na po kayo ulit" hindi na ako nito pinansin at nilagpasan na ako

"Sige na Zoe tatawagin ka na lang namin kapag may kailangan" ngumiti na lang ako kay Ma'am Angel at nagmamadali pumasok sa kusina

Jusko grabe naman katakot yung amo ko na yon, parang may itim na espirito nakapalibot sa kanya. Halatang halata na mas suplado pa yon kay Sir Clyde baka masama pa ang ugali

Napayakap ako sa sarili ko

"Hindi naman siguro ako i-shoot to kill kapag nagkamali ako noh? Tapos itatago sa drum kapag nategi"

Nangilabot ako sa naisip ko, napaka oa naman Zoe.

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon