Chapter 14

34.5K 783 24
                                    

Pasensya na po sa matagal na update, naging busy lang po talaga huhuhu...

You can add me on my social media po pala
FB: Anne Juarez
FB Page: Rose Anne WP

Enjoy Reading...

Bago tuluyan kami bumalik ng manila napagdesisyunan nila Angel at Alice na mag outing muna kami sa isang Beach Resort dito sa San Juan, pagmamay-ari raw ito ng isa pa nilang kaibigan nasa ibang bansa.

   "Grabe ang ganda naman dito" mangha na bigkas ni Zia.

Bumaba naman na ako ng sasakyan at tumabi sa kapatid na mangha pa rin sa nakikita na mga tanawin. "Tignan mo ate oh, grabe ang hampas ng alon" turo nito sa dagat at kumapit sa braso ko.

         "Excited na ako lumangoy" si Aaron.

"Syempre shokoy ka eh" rebat ni Alice sa kanya kaya nagtawanan kami maliban syempre kay Ezekiel na seryoso nakatayo lang. Bagay sya maging rebulto na lang sa kinakatayuan laging walang emosyon.

  Kinalabit naman ako ni Alice
"Tara Zoe sa may cottage tayo hayaan mo na mga boys sa gamit natin" kumindat pa ito. Tumango naman ako at sumunod kami sa kanya ng kapatid ko patungo sa cottage.

   Nag-iihaw na sila James at Aaron samantala ang dalawa ko naman kapatid ay nagsasaya na sa dagat kasama si Alice na mas marami pa yung pag picture niya kaysa paglangoy.

"Ayusin mo naman pagkuha mo Angel, ang ganda ng mga picture ko sayo tapos pagdating sa'kin parang ewan" rinig ko reklamo nito kay Angel, napailing na lang ako sa dalawa at inayos ang mga pagkain sa lamesa dito sa cottage.

Napatingin naman ako kay Clyde na nakaupo dito habang nakapikit ang mata at may nakasaksak na earphone sa tenga.

Infainess talaga kay Clyde nakapikit man o nakadilat ang gwapo talaga.
Siguro nung umuulan ng kagwapuhan patulog tulog lang si James at Aaron kaya hindi sila masyado naulanan ng kagwapuhan.

Joke!

  "Stop staring at me" napaayos ako ng tayo ng dumilat si Clyde at nagsalita.

"Huh?" Sige magtangahan ka babae!

"Anong staring ka jan? May
nakatingin ba sayo?" Napangiwi pa ako. Umismid lang ito at tumayo saka lumabas ng cottage.

  Napahawak naman ako sa dibdib ko sa kaba.

"Gaga ka talaga kahit kailan" bulong ko sa sarili

Tinawag ko na lang ang apat nagsasaya sa dagat para makakain na at sila James "tapos na ba yan? Tara kain na tayo gutom na ako" tumango naman si Aaron at binitbit ang plato may laman mga luto na liempo at dinala dito.

"Nasaan si Ezekiel?" Tanong ni Angel makabalik na silang apat dito sa cottage.

"Tatawagin ko lang, mauna na kayo tatawagin ko lang siya sa kwarto"

masyado naman kasi special ang lalaki na yon, masyado din KJ bakit kasi hindi na lang sumama dito sa labas pahirapan pa tuloy ako tawagin siya sa kwarto kaysa kumakain na ako.

  "Knock, knock knock"

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto naabutan ko ito nakahiga sa kama at natutulog, habang nag eenjoy ang lahat sa labas heto siya, nagpapakasarap matulog. Kaya dahan dahan ako lumapit sa kanya upang gisingin ang mahal na hari.

"Ahmm.. Ezekiel? Gising na kakain na tayo ng tanghalian nakaready na ang lahat sa cottage"

Gumalaw lang ito at nag iba ng posisyon sa pagtulog,patalikod mula sa'kin.

"Hindi kaba kakain? Tara na Ezekiel, kain na tayo Kiel" pagyaya ko muli, napaatras naman ako konti ng bumangon ito at nakakunot ang noo hinarap ako.

"What did you say?"

Seducing The Mafia Boss (MAJOR EDITING&REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon